Kabanata 15

3.8K 135 60
                                    

Leander and I kept on messaging each other after Christmas. Hindi naman araw araw pero nagkukumustahan lang kami. I would message him first and then he'll reply, pagkatapos ay magtutuloy tuloy na.

He will celebrate his New Year in Palawan while I'm going to celebrate it in Puerto Alcala. Tinanong ko siya kung kailan siya uuwi, ang sabi niya ay pagkatapos rin daw ng bagong taon. Medyo natuwa ako doon dahil paniguradong dadalaw uli ang mga pinsan ko sa Evergreen.

Maingay ang tugtugan nila Westley sa bahay ni Damien. Si West ang kumakanta at sumasayaw si Seidon at Sean sa gitna ng chacha.

Panay ang sigaw ni Tito Bench kay Seidon dahil magulo raw ang mga ito. He pointed at his son. "Sit down, Seidon! Are you drunk?"

Tumawa si Dad. "Let them have fun, Bench. Minsan lang uminom ang mga 'yan, hayaan mo na."

"What? No! Don't let them drink! Last time, lasing na lasing daw ang mga 'yan sa bahay!" Tita Aurelia, Asher's mom, said.

Nagkatinginan kami ni Riese at sabay bumungisngis. We both know what Tita meant.

Gulat na nilingon ng Mommy ni Westley si Tita Au. "What? Lahat sila?!"

"They're getting older. Natatakot akong magaya sila kay Astra at Worth." Sinapo ni Mommy ang noo niya.

"The boys will surely be like Worth." Tinitigan ako ng masama ni Daddy. "Girls don't drink. Hear me, Hazeth?"

Umirap ako. "Yes, Dad." Tamad kong sabi.

Humiwalay kami ng lamesa kila Daddy. Tumabi sa akin si Conrad at nilahad ang kinuha niyang pinya mula sa lamesa. Kinuha ko ang isa at kinagatan pero nang malasahan ko ang asim ay binalik ko sa kaniya.

He glared at me but didn't protest, kinuha niya iyon at tumayo, siguro ay binalik na lang iyon. Tumawa ako.

Malakas na sinapok ni Damien ang balikat ni Sean. "Ikaw nagsabi kay Tita, ano?"

"Oh, bakit ako kaagad?" Sean laughed nervously. Siniko niya si Westley.

Tumawa lang ito. "Bakit hindi ikaw? Ikaw lang naman sumbungerong traydor dito."

Oh, well, oo nga. Hindi ko maiwasang taliman ng tingin si Sean nang may maalala. Ang dami na niyang kasalanan sa akin.

"Come on, guys! New Year na New Year, nang aaway kayo! Kapag kayo minalas next year, wala akong kasalanan, ah?"

Zarrick glared at him. "That's why no one likes you."

"Atleast someone liked me back, Zarrick. Ikaw ba?"

Umamba ng suntok ang triggered na si Zarrick. Sabay sabay kaming natawa dahil sa away nila.

Chadrick laughed. "Nanununtok 'yan, Sean, mag ingat ka."

"He's still on that stunt? Bro, that's creepy! Bakit kasi hindi ka na lang gumawa ng moves mo?" Tapik ni Ash.

"Hindi naman ako tulad mo." Zarrick stood up, looking pissed.

"Oh, tama na! Let's just eat! Ang pipikon niyo!"

I took out my phone when Conrad wasn't still on my side. Sumandal ako sa monoblock chair at nagkunwaring kaswal lang na nag iinstagram, pero ang totoo ay mangingisay ako mamaya sa tuwa.

Laki mata kong tinignan ang inbox ko. And then there, it was Leander's message.

I grinned and immediately thought of myself flipping my hair with some background music.

Leander : Happy new year..

Ngumuso ako. He likes adding dots on his sentence, huh? Hindi ko talaga maiwasang matuwa dahil siya ang unang nagmensahe ngayon. Simpleng bagay pero kaagad napapagapang ang ngiti sa labi ko.

Until The End Where stories live. Discover now