Kabanata 38

4.1K 113 27
                                    

"What did you say?" Sumunod siya sa akin.

I glared at him as I hugged Isla. Ngawa ni Isla ang nagpatalon sa amin kanina. Mukhang nagising namin siya o kaya naalimpungatan.

I placed her on my lap while Lean's watching me intently using his very amused eyes. Kulang na lang ay tumalon siya dahil sa tuwa. He tilted his head while looking at us in this position.

"Mimi.." Isla mumbled. Pikit pa ang mata at magulo pa ang buhok.

Siniksik niya ang ulo sa aking dibdib at doon yata balak ipagpatuloy ang mahimbing na tulog. I touched her neck just to check her sweats. Wala naman. Siguro'y dahil air conditioned ang opisina ko.

"What did you say, Hazeth.." Bulong niya.

Umirap ako. "You heard it, shut up."

"Let me hear it once more. Come on, Zeth."

Umiling ako at pinagtuunan na lang ng pansin si Isla na lukot ang mukha at halatang hindi masyadong maganda ang mood kahit tulog.

Lean sat beside me. Sa paanan ni Isla. He touched my niece's feet. May sapatos pa siyang suot.

"Should I remove.." He asked, pertaining her shoes.

I nodded. "Yes, please."

Inalis niya nga iyon. It took him a while to remove it since he doesn't know how. Pigil ang ngiti ko habang pinagmamasdan ko siyang kunot na kunot ang noo at tinititigan ang lock ng sandals. He's even checking it.

"Tanghali na. Hindi ka pa ba aalis?" I asked.

Nilingon niya ako't nilapag ang sapatos sa gilid. "I'm waiting for your lunch. Aalis din ako."

I nodded. Naalala ko ang lunch ni Isla. I haven't ordered her food yet. Pwede naman siyang kumain ng lunch galing kay Lean pero feeling ko may gulay iyon. Isla doesn't want vegetables. Mas gusto niya ang spaghetti dahil may ketchup.

Speaking of that, I need to order her food. Baka magwala siya dahil sa gutom maya maya. Patay ako kay Ate kapag nagkaganoon.

I looked at Lean. "Can you get my phone? Nasa table."

Wala siyang sinabi. Tumayo lang siya at kinuha nga ang cellphone ko doon. He played with it while walking towards me. Umupo siya sa tabi ko at hindi lang upo ang ginawa, inakbayan pa ako.

I glared at him while opening my phone. I dialed one of the food chain's number.

Itatapat ko na sana sa tenga ko nang umiyak si Isla sa kamay ko. Nagkatinginan kami ni Lean. I immediately tapped her back just to comfort her.

"What happened?" Lean asked.

Hindi ko siya pinansin.

I combed her hair. "Isla, what's the matter?"

"Mama.." She cried and even wiped her tears while she's closing her eyes.

Lagot. Naghanap na ng Mama.

Bumuga ako ng hangin. "Mommy's here. Don't worry, its okay."

Malalim ang tingin sa akin ni Leander. A smile crept on his lips. He touched it and played with his lips. Sinamaan ko siya ng tingin dahil nadidistract ako sa tingin niya!

He leaned forward to me. "Do you want me to carry her for a while?"

Nilingon ko siya, nakataas ang kilay. "Kaya mo?"

Naghamon din ang mga tingin niya sa akin. He licked his lips. "Kaya."

Niluwagan ko ang hawak ko kay Isla. She's still sobbing. Basang basa ang pisngi kaya pinunasan ko dahil baka magdumi sa damit ni Lean.

Until The End Where stories live. Discover now