Kabanata 26

3.4K 115 166
                                    

"Zeth," my brother called.

Mapait akong ngumiti at hinawakan ang kamay niya. Today is Saturday. Dalawang araw na ang nagdaan, ako pa din ang tanging kinakausap niya.

Hindi pa din siya makausap ng maayos pero kapag nagsasalita siya'y ako ang binabanggit niya. I'm not too happy about it. Hanggang wala pa sa maayos na lagay ang kapatid ko, hindi ako magiging masaya.

"Ako na d'yan, Zeth. Magpahinga ka na." Agaw ni Damien sa hawak kong pagkain ni Conrad.

Dalawang araw na akong walang tulog. Conrad needs me in the hospital. Ako lang ang nakakausap niya ng medyo maayos. Kaya hindi ko magawang umalis dito.

My brother immediately groaned.
"Zeth," he called me again.

Nagkatinginan kami ni Damien. Umirap siya. "Ang arte mo, Conrad! Mapaso ka sana!"

I'm glad to have my cousins right here. Humahalili sa akin lagi si Damien o kaya si Riese. They're so concerned about me and my brother. Minsan ay nandito sila Seidon para guluhin ako at landiin ang mga nurse. Ayos lang, I actually like it.

Umupo si Sean sa higaan ni Rad nang oras na para kuhanan ng vital signs ang kapatid ko. Sean stared at the nurse jokingly as she wrapped the thing around my brother's arm.

"Rad, ganda 'no?" Sean said. Kinalabit pa niya si Conrad pero nakatulala lang ang kapatid ko.

Umirap ako. "Lubayan mo nga, Sean. Imbis na magbago na kapag gumaling, baka mas maging babaero 'yan!"

"Magbabago pa ba 'yan?" Westley laughed. "Nakaukit na ang pagiging babaero sa balat, buto at pati sa red and white blood cells niya!"

"Puta! Saan mo 'yun nabasa? Bago 'yan, ah?"

"Nag aaral kasi ako, bobo. Hindi tulad mo, top wak!"

"Wow! May top ka? May top ka?"

"Ako 'yung top. Baka bottom ang tinatanong mo."

Hinambalos ni Damien ng bag si Westley. "Mahiya ka nga!"

Hapon nang makawala ako sa hospital. I was so tired. Walang tulog ng ilang araw at mabuti na lang may bathroom sa ospital kundi baka pati pagligo ay makaligtaan ko na.

I stopped when I saw Leander in front of our house. Lumabas ako sa sasakyan at pinauna ang driver namin sa bahay. Parang lumulutang ang ulo ko habang naglalakad dahil sa sakit ng ulo.

He stood straight when he saw me. He was playing with his phone there. Ngumiti siya nang makita ako.

He approached me to give me a hug but I immediately pushed him. I don't want him to smell me right now. Amoy ospital ako at wala pang ligo ngayong araw.

I just smiled in a tired way. "Anong ginagawa mo dito?"

He cleared his throat. Medyo nabad trip yata sa hindi ko pagyakap sa kaniya. "Bumisita ako."

"Bakit hindi sa ospital?"

"May ginawa ako kanina. I'm sorry." He smiled. Namumungay ang mga mata niya at pulang pula ang tenga.

Umangat ang kilay ko. I leaned forward to smell him. And then there, I know that he drank.

Bumuntong hininga ako. "Uminom ka ba?"

He licked his lips. "I needed to. Pampatulog, Zeth."

"So why are you here? You should've just slept, Lean. Nagdrive ka pa talaga. Hindi mo ba nakikita ang kapatid ko doon? Do you know what happened-"

"Yeah, I know. I can manage, Zeth. Wala namang nangyari."

I laughed without humor. "Are you really waiting for something to happened?"

Until The End Where stories live. Discover now