Kabanata 30

3.7K 117 43
                                    

"Kumusta?" Bungad ko kay Kuya Worth nang dire diretso akong pumasok sa opisina niya.

He was reading something on his table while his son is sleeping on the couch. Lumapit ako doon at hinaplos ang ulo ng Harris bago ko tignan muli si Kuya Worth.

He shrugged. "Fine. Is this based on last month's sale? How about this month?"

"I'm working on it, Kuya Worth. By next week, ipapasa ko na 'yon."

"Alright." Tinignan niya ako. "You don't look good. Nakatulog ka raw sa meeting niyo?"

Ngumuso ako. "I haven't slept fine these nights."

"I hope you're not sleeping on your work, Zeth. H'wag kang gumaya kay Westley na kung hindi tulog ay puro landi."

"Hindi naman, Kuya."

"At panay ang alis." Sinamaan niya ako ng tingin.

"Ofcourse, not." Tumayo ako at bahagyang lumayo kay Harris na gumalaw na sa kakasuklay ko sa buhok niya.

I cleared my throat. "Alis na'ko, Kuya."

He nodded and continued reading some of his works, not even looking at me. I turned my back at him and made a face. Isusumbong ko siya kay Ate Sera kapag nakita ko iyon. Napakastrikto.

Bumalik ako sa opisina ko at ipinagbilin kay Bea ang darating na lunch para sa akin. I already set a lunch for me today. Ito ang lagi ko nang ginagawa dahil ayaw ko nang iwanan ang trabaho ko at baka bugahan na naman ako ng apoy ni Kuya Worth.

Kaagad kong inalis ang eyeglasses ko nang may kumatok sa opisina ko.

"Pasok, Bea." I said and removed the laptop on my table for my food

Akala ko si Bea iyon pero nag angat ako ng tingin si ang ningning kaagad ng ngiti ni Derek ang nakita ko. Umangat ang kilay ko at kaagad napatayo.

"Hi!" He greeted.

I smiled, clueless. "Hey, bakit ka naparito? Hindi ka nagsabi, ah?"

He shrugged and showed me a box of pizza and a paperbag from a famous coffee shop on Evergreen.

"Lunch mo, madam." He joked and went to my table. Pinanood ko siyang ilagay ang pagkain doon.

"Thanks, Derek. But what's this for? Wala ka bang trabaho?"

"Napadaan lang, Zeth. Masama ba? Why? Do you expect someone bringing you lunch?"

"'Yung order ko." Nagyabang ang boses ko.

"Oh, I thought someone's bringing you lunch." He laughed.

"Sino naman?"

He shrugged. "I don't know. Co-workers?"

"Wala, ah."

Naupo siya sa sofa sa tapat ng lamesa ko. Ngumuso ako at nilapitan iyong dinala niya. My favorite flavored bubble tea and pepperoni pizza. I'm on my diet right now. At vegetable salad ang dapat na lunch ko ngayon.

But fine.

Ngumisi ako. "Naglunch ka na ba? You should join me."

"Hindi na." Tumayo siya at pumamulsa. "Dinalhan lang talaga kita niyan. I'm quite bored so.."

Tumawa ako. "Then, eat with me! Hindi ka mabobored."

"I just had my lunch. H'wag mo naman ipahalatang miss mo ako masyado, Zeth." He laughed.

Nagtagal ang tingin ko sa kaniya bago naupo sa aking swivel chair. I jokingly rolled my eyes on him and opened the box he gave me.

"Stop joking around, Derek. I know you have a girlfriend. Ano?" Tumawa ako.

Until The End Where stories live. Discover now