Kabanata 23

3.3K 101 55
                                    


College is a dream for me. It was like yesterday, I'm still struggling because of thesis in my senior years. Pero ngayon, college na ako!

I took a Business Management course, not that I had no choice, but because I also need this. Taliwas ang kinuha kong kurso kaysa sa kapatid ko. He took a Engineering course while I am Business Management. Iilan lang kaming ito ang kinuha. Dalawa lang kami ni West.

"Susunduin ka ba?" May kunot na noo si Conrad nang tanungin niya ako. I know what's he's talking about.

I smiled widely and nodded. "Yes, Kuya."

Tumagilid ang mukha niya at may binubulong bulong. Pupunahin ko na sana iyon nang dumaan sila Maica sa harapan ko. I called them.

"Sama kayo bukas?" I asked.

Si Arabella ang sumagot. "Sige ba! Inom ulit?"

"Busy ako bukas," Alexsandra said and avoided my eyes.

Ngumuso ako. "Busy ka ulit?"

"Na naman, Sandra? Sus! Wala ka namang boyfriend, saan ka nagpapakabusy?" Maica said.

"Sa.. shop."

Nang makaalis na sila ay doon pa lang ako nakausap ni Conrad. Simula nang malaman ni Kuya ang tungkol kay Leander, wala na siyang nagagawa tuwing sinusundo ako ni Lean galing school.

At first, he was mad at me. I expected that already. Nagtampo siya sa akin dahil mahigit isang taon ko iyong nilihim sa kaniya. But then, he can't do anything.

"Subukan mong papasukin siya sa bahay, Hazeth." May pagbabanta na sabi niya sa akin.

Eversince he knew about him, namuo ang galit niya kay Leander. Mukhang hindi naman apektado si Lean doon. He would still hold my hand when my brother is around. Ang tapang nga, e.

Maaga akong nadismiss ngayon. Magkaiba ang sched namin ng mga pinsan ko kaya ako ang nauunang umuwi lagi. Leander would fetch me after school and we usually just eat outside sometimes but now, uuwi ako.

He texted a while ago. Padating na raw siya. I can't call him because he's surely on his motorbike. Baka sagutin niya at syempre delikado iyon.

Malayo pa lang ay kita ko na ang motorbike niya. I stood up from my seat and had a smile on my lips. Napawi lang ang ngiti ko nang may nakita akong kamay sa balikat niya. My eyebrow raised when I saw it.

Huminto siya sa harapan ko. A woman wearing their familiar uniform was on his back. Bumaba iyon bago si Leander. Hindi ako makangiti ngayon.

He didn't said anything about this. Ngumuso ako at pinanood na alisin ng babae ang helmet.

And there, I saw Miles. Tikom ang bibig ko habang pinapanood ang buhok niyang sumabog dahil sa pag alis niya ng helmet na madalas kong ginagamit. She fixed her hair and it revealed her beautiful face.

"Hinatid ko lang," Leander calmly said and never left his motorbike. Inalis lang niya ang helmet.

Nagtagal ang tingin ko sa kaniya bago kay Miles. I smiled. "Ah, ganoon ba?"

She handed me the helmet. Right now, I don't even want to use that.

"Uuwi na kayo?" She asked me.

I nodded. Just nodded. Ayaw kong makipag usap sa kaniya. Malaki pa din ang galit ko dito. Bakit ba nakikipag usap pa din siya kay Lean? They're not even in the same course!

"Thanks, Lean, ha?" She said it with her sweetest voice. "Sasama ako sa lunch, h'wag ka nang magtampo!"

Nilingon ko si Lean nang tumawa siya. "Okay.."

Until The End Where stories live. Discover now