Kabanata 36

3.9K 107 23
                                    

"Hindi ka ba aalis?" Taboy ko kay Leander matapos ang tawag ni Derek kanina.

Masamang masama ang tingin ko sa kaniya. Derek almost heard what he said! Kapag narinig niya iyon ay hindi ko alam kung anong sasabihin niya. He doesn't even know that I'm making him my boyfriend!

Nangingiti siyang sumandal sa lamesa ko habang ako'y lumalayo na sa kaniya. I sat on my swivel chair and curled my feet under me.

"What did he tell you?" Tumaas ang kilay niya.

"Wala!"

"May pupuntahan kayo?" Napawi ang ngiti niya sa tanong niyang iyon.

Pinaglaruan ko ang mouse kong hindi naman nakasindi. I opened my laptop just to have something to play with. I can't just stare and talk to him. That would be awkward.

Sinarado niya ang laptop ko at muntikan pang maipit ang kamay ko mabuti na lang ay agaran kong inilag iyon.

Umangat ang tingin ko. "Ano bang problema mo?"

"You're not answering my question."

"You're not answering my question, either. Tinanong ko kung bakit hindi ka pa umaalis!" May pinaglalaban na sagot ko.

"If you answer mine, then I'll go." Tumuwid siya ng tayo.

Sumimangot ako. "What is it?"

Para akong nauto doon, ah.

Tumagilid ang ulo niya. "Saan ka pupunta kasama ang ex mo?"

"Ex?" Kumunot ang noo ko. "He's not my ex!"

"Well, he will be your ex soon!"

Tumuwid ako ng upo dahil sa inis. "How can you say that!"

"Advanced ako, Zeth." Kumunot ang noo niya.

We stared each other with a lightning between us. I can't believe him. Kahit na hindi ko naman talaga boyfriend si Derek ay hindi talaga siya makatarungan.

I opened my laptop when I remembered something. Nakatingin lang siya sa akin na tila binabantayan ng maigi ang bawat galaw ko.

"Send me your bank number and leave." Mariin kong sabi.

"Hindi ako aalis hangga't hindi mo sinasabi kung saan kayo pupunta ng ex mo."

"Bar!" Sigaw ko. "Okay na? Now, send me your bank number so I can process the payment!"

Humarap siya sa akin at tinukod ang dalawang kamay sa lamesa ko. He crouched and looked down at me with his very dark expression. He was like looking down at a person who did something unforgivable to him.

"What will you do in a bar?" Hindi man lang pinapansin ang sinasabi ko.

Stressed ko siyang tinignan. "Drink, dance, party! Unless you want me to dance in a pole-"

"With that dog? Really, Hazeth?" Tila napakalaking problema ang dinadanas niya.

"What's your bank number, Lean? You're wasting my time!"

Tumuwid siya ng tayo. "Aalis na'ko."

"What?" Napatayo ako. "Bank number, Lean! Magbabayad ako ng utang!"

Pumamulsa siya at masama pa din ang mga tingin sa akin. I really think he's not going to make me pay it. Alam ko namang mayaman siya at kahit isang milyon ang utangin ko, hindi siya maghihirap. But dude, I can't just have depths on him. Magkautang na sa lahat, h'wag lang sa kaniya.

"I'm not letting you pay for it. You know me, Hazeth."

Pinanood ko siyang tumalikod at lisanin ang opisina ko. Nanlumo ako at napapikit. Fine, Leander. Sa tingin ko'y hindi naman niya ako sisingilin at susungbatan sa utang kong iyon.

Until The End Where stories live. Discover now