Probinsiyana 4

7.1K 386 25
                                    

Tania

"Matatanggalan ka ng scholarship. You can still continue studying here in CEU, but the premium foundation won't cover your expenses. You have until Friday to decide, Ms. Valdyz."

Lupaypay akong naglakad sa hallway. Hindi ko alam kung saan ako dapat tumungo. Lahat ay nasa kanikanilang mga classroom na dahil tapos na ang breaktime kaya nag-iisa akong nilalandas ang malawak na pasilyo.

Matapos sabihin ni Caleb na wala siyang alam, walang nagawa ang guidance counselor kundi magpasya lao pa't ginipit siya ni Mr. Wung. Nais pa nga niyang magsampa ng kasong physical injury laban sa akin, ngunit nakiusap si Ma'am Felisa na palagpasin na lang ito dahil hahatulan naman ako tulad ng nais niya.

Goodbye scholarship. Goodbye CEU.

Siguro nga ay hindi para sa akin ang siyudad. Tanging nababagay lang ako sa probinsiya na aking pinanggalingan. I'm out of place here.

Napatigil ako sa paglalakad ng wala sa sarili kong narating ang pinakadulong bahagi ng unibersidad. Mula rito ay tanaw ko na ang mataas na pader na pinagigitnaan ng mga nagtataasang puno kaya nangangahulugang ang karugtong ng lugar na ito ay isang masukal na kagubatan.

Umihip ang isang malamig na hangin at umalingawngaw ang huni ng mga ibon na malayang nagsiliparan palayo.

Unang beses kong makarating sa gawing ito ng university. At mukhang ito na rin ang huli dahil aalis na ako rito, bago pa man sumapit ang araw ng Biyernes. Ayaw ko nang ipagpilitan pa ang aking sarilin sa lugar na hindi naman ako nababagay. Ang tadhana na mismo ang nagpapamukha sa akin na hindi ako para sa Centrus City.

Nahagip ng aking paningin ang pigura ng isang lalaki na nakasandal ng tahimik sa malaking puno. Nakapikit siya na tila ba pagmamay-ari niya ang buong lugar. Sa kanyang gilid ay naroroon ang isang basket na may laman na mga mapupulang mansanas.

Nang tuluyang makilala ang lalaking ito ay agad na tumaas ang aking dugo hanggang mawalan ako ng katiting na pasensiya.

How dare him? Paano niya naatim na umaktong wala siyang nalalaman sa naganap sa akin kahapon? Kung sinabi niya lang sana ang katotohanan kanina ay maaaring makaligtas pa ako sa kinahantungan ko ngayon. Ngunit hinayaan niya akong mapatawan ng kaparusahan kahit wala naman akong kasalanan.

Mabilis kong nilapitan ang mahimbing na pigura ni Caleb. Dahil sa ingay ng aking mga yapak ay unti-unti siyang nagising. Dahan-dahang bumukas ang talukap ng kanyang mga mata, ngunit huli na ang lahat.

Kinuha ko ang katabi niyang basket at malakas itong inihampas sa kanyang mukha. Hindi niya inasahan ang ginawa ko kaya hindi na siya nakailag pa. Malutong na mura ang aking narinig mula sa kanya kasabay ng pagdaing dahil sa sakit.

Marahas siyang napatayo at marahan akong itinulak upang pigilan ako sa muling pag-atake sa kanya.

"How dare you?! Matapos mong magmaangmaangan ay nakuha mo pang magpahinga ng mahimbing! Paano ito nakakaya ng iyong konsensiya?" bulyaw ko sa kanya kaya naguguluhan itong napatitig sa akin.

"What the fuck are you talking about? I was just---"

"Iyan kasi ang problema sa inyong mayayaman! You're bunch of insensitive people! Hindi niyo alam na sa normal niyong kilos ay maaaring mawasak ang buhay naming mga kapus-palad. Hindi mo ba alam na tanging ang scholarship na lang ang pag-asa ko? I want to run away. I want to decide my life here. For once, I want to create the kind of life that I want. And in just a blink of an eye, you people killed all the hopes I had in me," nalakas kong bulyaw sa kanya habang walang tigil sa pagtulo ang aking mga luha. Gusto ko lang ilabas ang aking saloobin dahil pakiramdam ko ay sasabog na ako.

"And what did I do exactly?" takang tanong niya habang hinihimas ang kanyang pisngi na natamaan ko kanina.

"You want me to remind you? Pumasok ka lang naman sa guidance office na may dala-dalang papeles at nang tanungin ka ng guidance counselor kung alam mo ba ang naganap na pananakit sa akin kahapon nina Stephani ay pinangalandakan mong wala kang alam! I hate you!"

Frustrated niyang hinilamos ang kanyang mukha gamit ang kanyang kamay.

"Talagang wala siyang alam dahil ang nakaharap mo kanina ay walang iba kundi ang aking kambal na si Callias," nanggagalaiti niyang bulyaw pabalik sa akin.

May biglang nag-click sa aking utak. Huminto lahat ng nasa paligid. Pakiramdam ko ay nagsibalikan lahat ang aking luha at nalunok ko ang aking dila.

Kinain ako ng hiya at tumaas ang dugo ko sa aking pisngi.

What the hell? Sa pangalawang pagkakataon ay napagkamalan ko na naman si Callias bilang si Caleb. Bakit ba kasi magkamukhang-magkamukha sila?

Muli kong inalala ang tagpo kanina sa guidance office. Hindi ako siguradong may tattoo siya dahil nakasuot ito ng longsleeve polo. Ngunit kung titignan ay iba nga ang kasoutan ng kaharap ko ngayon na nakasuot ng plain na tshirt.

"What made you think that I will run errand for some stupid oldies?" bulong niya kaya bumalik ako sa reyalidad.

Sa reyalidad na sana ay hindi na lang naging totoo.

"I don't care." Walang sense kong sigaw kay Caleb at mabilis siyang tinalikuran sabay lakad palayo sa kanya at patuloy na hinihiling na sana gumitak ang lupa at kainin ako ng tuluyan.

Sobrang nakakahiya ang eksenang ginawa ko kanina. Nadamay ko pa ang walang malay na si Callias! At nahambalus ko pa ang nagpapahingang si Caleb. My goodness! This is so stressful!

Napaigik ako ng may tumamang matigas na bagay sa aking ulo. Napalingon ako kay Caleb at nakitang may hawak itong mansanas. Isang mansanas din ang nakita ko sa aking paanan, na siyang pinambato niya sa akin.

Hinagis niya ang kanyang hawak na mansanas kaya wala sa sarili ko itong sinalo.

"Tsk. You look horrible when you worry too much. Ikaw ang pinakamalalang bagay na maaaring mabungaran ng gising," naiiling nitong wika at umakyat sa malaking puno.

Mula sa tuktok nito ay tinawid niya ang mataas na pader. Ilang sandali lang ay nawala na siya sa aking paningin at naiwan akong tulala habang hawak ang ibinato niyang mansanas.

Just like the first time we met, I was carried away by how weird he is. Ngunit aaminin kong gumaan ang aking pakiramdam. Hindi lang dahil nailabas ko ang aking saloobin, kundi nakaramadan din ako ng kaginhawan sa katotohanang muli na naman nagtagpo ang aming landas.

Dahil tulad ng mga nauna naming tagpo, I was always hopeless. But then, he suddenly appeared, giving me amount of hope more than I need.

And this is how I manage to somehow know Caleb a bit.

With all the confusions in my head, all I was able to do was to take a bite of the apple I'm holding.

And I wish the old saying is true, that an apple a day keeps the doctor away.

Meant To BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon