Probinsiyana 2

7.8K 259 6
                                    

Tania

Kabado akong tinatahak ang daan papunta sa aking magiging classroom.

Today is the first day of school. Isang buwan na ang nakalipas. At sa loob ng isang buwan ay wala akong ibang ginawa kundi mag-aral at maging pamilyar sa kalakaran dito sa Centrus City. Nagkaraoon kami ng enrichment lectures at orientation.

All of our expenses are covered by the scholarship. We also receive allowances and needed gadgets, something I'm very new. The director is unbelievably nice to us. She's very hands on and responsibile.

Mabuti na lang at nai-tour na kami rito sa Centrus Elite University kaya medyo alam ko na ang pasikot-sikot rito.

Huminga ako ng malalim at lakas loob na lumiko, ngunit napadaing ako ng mabunggo sa isang matigas na bagay.

Napatingin ako sa aking harapan at napalaki ang aking mga mata ng isang pamilyar na mukha ang bumungad sa akin.

"I'm sorry," paumanhin niya at napakamot pa sa kanyang batok.

Nagtaka naman ako dahil taliwas ito sa inaasahan kong iaakto niya. Batay sa aming huling pagkikita ay napakasuplado ng kanyang aura.

Napatingin ako sa kulay ng kanyang mga mata at napansing hindi ito kasing-itim tulad ng una naming pagkikita. May bahid ito ng pagka-brown. Ngunit siguro ay masyado lang maaaliwalas sa panahong iyon.

"Okay lang," tipid akong ngumiti at yumuko pa.

"At dahil hindi ko na nagawa noon, nais kong magpasalamat sa'yo ngayon. Kung hindi mo ako tinulungan noon, maliligaw ako sa Centrus," nakangiti ko pa ring wika. Naalala ko na naman ang una naming tagpo sa terminal.

Bigla siyang naguluhan at napatanga sa aking sinabi. Napahawak din siya sa kanyang baba at mukhang napaisip.

"I'm sorry, but I'm certain that this is the first time we met."

Hindi niya ba ako naaalala? Ako yung tinulungan niyang makasakay ng maayos patungo sa Central Homes.

Tinanguan ko na lang siya dahil mukhang nakalimutan na nga niya ang aming unang tagpo. Sabagay, isang buwan na pala ang nakalipas. Ang mahalaga ay napaabot ko sa kanya ang aking pasasalamat.

"Sige, mauna na ako. Salamat ulit," wika ko at nagsimula nang tahakin ang hallway papunta sa aking room.

"You're new here, am I right?" Napalingon ako sa kanya ng sumabay siya sa aking paglalakad.

"Tama ka. Isa ako sa mga Premium Scholars," pag-iimporma ko kaya napatango siya.

"By the way, Callias is the name. And you are?" pagpapakilala niya sa kanyang sarili.

"Tania. Tania Valdyz."

Nang marating ko ang harap ng aming room ay napatigil kami.

"Nice meeting you, Tania," nakangiti niyang pahayag at ginulo ang aking buhok.

"See you around," pahabol niya pa at tumalikod na sa akin.

What a weird guy?

Pagpasok ko sa classroom ay napakurap ako nang makitang halos lahat ng naroroon ay nasa bintana at mukhang nakatingin sa labas. Ilang sandali lang ay sa akin naman ang tinapunan ng kanilang iba't ibang titig.

Dahil hindi ako sanay sa maraming tao at sa atensiyong ginagawad nila, ay nakayuko kong tinahak ang daan papunta sa bakanteng upuan.

"Is she new here?"

"This is the first time I saw her. Who the hell is she?"

"Ang lakas ng loob niyang makipag-usap kay Callias. Kapag nalaman to nina Stephani ay sigurado akong makakatikim ang bagong saltang iyan."

Meant To BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon