Tania
Lahat kami ay nagpalakpakan matapos ang maikling speech ni Don Agustine. Bumaba na siya sa entablado at nakipag-usap sa iilang bisita.
Muling tumugtog ang musika at nagsimula na ang lahat sa pagkain at pakikipag-usap. Ang venue ng selebrasyon ay nasa malawak na harden ng mansyon ni Don Agustine.
Mas lalong gumanda ang paligid. Halatang pinaghandaan at ginastusan ang kaganapang ito. Marami ring mga hindi pamilyar na mukha ang aking nasilayan. Karamihan sa kanila ay mga negosyante at personal na kakilala ni Don Agustine.
Nang makaramdam ako ng gutom ay naisipan ko ng pumunta sa lugar na pinaglaanan ng mga pagkain. Maingat akong naglakad dahil hindi ako sanay sa may kataasan na suot kong heels. Two inches lang ito ngunit ilang beses na akong na outbalance simula pa kanina.
Si Ma'am Andy ang naghanda ng aking kasuotan kaya wala na akong nagawa pa at malugod itong tinanggap. Wala ako sa lugar upang magreklamo.
Kasalukuyan akong nakasuot ng light brown na dress ayun sa tema na napili ni Don Agustine. Ang sleeve nito ay abot hanggang siko at ang haba naman ay abot hanggang tuhod ko. Ang ginamit pandesinyo nito ay maliliit na puting perlas. Nagtaka naman ako dahil perpekto ang sukat at hapit nito sa aking katawan gayung hindi naman ako kinuhanan ng sukat ni Ma'am Andy.
Ito ang unang beses kong makapagsout ng ganito, at hindi pa ako gaanong kakomportable. Ngunit para sa isang founder ng premium scholar na si Don Agustine, ay hindi ako magrereklamo. Marunong akong tumanaw ng utang na loob. At tsaka, ayaw ko namang masira ang sopistikadang paligid, kaya mabuti itong desente naman ako kahit papaano.
Pagkatapos kong magsalin ng pagkain ay bumalik ako sa aking puwesto. Wala na rito si Ma'am Andy dahil nagsimula na siyang makipag-usap sa kapwa niya directors. Ang iilan rin ay masayang sumasayaw sa nakalaang espasyo, malayabg sumasabay sa mahina at romantikong musika na tinutugtug ng isang sikat na grupo ng mga musikero at musikara.
"Hi! Are you alone?" Nagulat ako nang may isang lalaking kumausap sa akin.
Napakapormal ng kanyang suot at napakaaliwalas ng ngiting iginagawad sa akin kaya ginantihan ko siya ng alanganing ngiti.
"May kasama ako, ngunit may ginawa lang saglit," pag-iimporma ko sa kanya at nabigla ako ng umupo siya sa aking harapan.
"So, basically, you're alone right now," nakangisi niyang pagpunto kaya tinaasan ko siya ng kilay.
I don't like his confidence.
"I'm Jason Floyd. Son of a business tycoon, John Floyd. I'm sure you're also one of the premium scholars, am I right?"
Sinasabi ko na nga ba. Hindi ako nag-akala na kapwa scholar ko siya dahil sa paraan ng kanyang pagsasalita na puno ng pagkaarogante.
Tinanguan ko lang siya bilang sagot.
"Ngunit hindi tulad ng ibang scholar, di hamak na mas maganda kang tignan. You have the class. I like tall girls by the way. At alam ko ang mga babaeng tulad mo."
Napatigil ako at napahalukipkip habang nakatitig sa kanya. Mahahalata ang pangmamaliit niya sa mga tulad namin.
"Tell me, Mr. Floyd, what do you know about girls like me?"
Napatikhim pa ito at maangas na ngumisi.
"You like rich people, don't you? You're too hungry for filthy rich men who can save you from poverty. It's quite understandable though, that's why I'm always open for negotiations," usal niya na agad na nagpainit ng aking ulo.
Sino siya para husgahan ang mga kapus-palad na tulad ko? Alam kong merong mga katulad ng kanyang inilarawan, ngunit hindi lahat. May mga tulad ko pa rin na handang makibaka sa maayos na pamamaraan na pawis at tiyaga ang puhunan.
BINABASA MO ANG
Meant To Be
VampireMIDNIGHT CREATURES SERIES 2 Previous Title: I'm the Vampire Boss's Probinsyana "I am the boss, but you are the rules." * A typical probinsiyana girl, Tania Valdyz, decided to move to Centrus City to continue her studies which her poor town can't pro...