Probinsiyana 15

6.3K 385 24
                                    

Tania

"Isang bampirang Cole?" bulong ni Lola Celsa sa kanyang sarili at napaisip.

Sinabi ko na sa kanya ang nangyari sa akin sa Centrus maliban sa mga tagpo namin ni Caleb. Nagamot na rin niya ang aking mga sugat at pasa kaya medyo maayos na ang aking pakiramdam.

"Limitado lang ang alam ko sa kanila sapagkat mula noon pa man ay dito na sila sa mundo ng mga tao naninirihan," pag-iimporma niya sa akin.

"Paano pong nakakaya nilang makihalubilo rito? Hindi ba sila takot sa, sa araw?" taka kong tanong dahil kung babalikan ko ang mga tagpo namin ni Caleb ay parang normal lang siya na tao.

"Ang mga Coal ay kakaibang bampira, Tania. Mabuti na rin lang at agad kang lumisan ng Centrus. Hindi ka dapat makipag-ugnay sa mga katulad nila. Nabibilang ka sa ibang lahi." Napakagat-labi ako.

Siguro ito na ang tamang panahon upang alamin ko ang tungkol sa akin.

"Isa ba talaga akong sorceress?" mahinahon kong tanong kaya napatitig siya sa akin.

Ilang saglit lang ay may lumabas na isang tuwid na sanga sa kanyang kamay. Hindi lang ito basta sanga dahil may mga desinyo ito ng ugat ng puno.

Ikinumpas ito ni Lola Celsa sa ere at napasinghap ako ng biglang may tumubong isang halaman sa aking harapan. Bumuka ang nakatikop niyang mga dahon at may inilibas itong isang lumang libro.

Napanganga ako at napatulala.

Totoo ba talaga ito?

"L-lola Celsa? Isa ka rin bang sorceress?" gulat na gulat kong tanong.

Ngayon lang ako nakakita ng ganito. Ngayon lang siya gumamit ng kanyang kapangyarihan sa harap ko.

"Tania, hindi ako sorceress, bagkus ay isa akong witch. Lahat ng kailangan mong malaman tungkol sa lahi natin ay naririyan sa aklat na yan. Nais kong pag-aralan mo iyan lahat," wika niya at inabot sa akin ang aklat na agad ko namang tinanggap.

Nais ko pa sanang magtanong sa pagkakaiba ng witch at sorceress ngunit alam kong masasagot din ito ng aklat na ito.

"Susubukan ko, Lola," nahihiya kong sambit. Hindi pa kasi ako sanay sa mga bagay na ito.

"Kumain na muna tayo at tsaka ka na matulog. Mukhang pagod ka sa biyahe," nakangiti niyang alok at tumungo sa munti naming lamesita.

Napatango naman ako at napatayo na rin.

This is it. Ito na ang panibagong yugto ng aking buhay, ng totoo kong buhay.

Napahilot ako sa aking sentido at napakurap ng ilang beses. Sa pagbabasa ko sa aklat na ibinigay sa akin ni Lola Celsa, hindi ko namalayang alas sinco na pala ng umaga. Nakatulog naman ako ng ilang oras, ngunit nang magising ako kaninang alas onse ay napagdesisyunan kong basahin na ito.

Sino bang mag-aakala na nakakawili palang basahin ito? Naksulat kasi rito ang kasaysayan ng aming lahi. Ang kasaysayan ng Covenia, ang kaharian ng mga mangkukulam sa Gabiarmun na matagal na panahon nang nawala. Hindi ko lubos matanggap na ang dahilan ng pagkawatak-watak ng aming lahi ay ang mga bampira ng Vampyria. Sa kasalukuyan, sila ang may pinakamalakas na pwersa sa buong Gabiarmun.

Nalaman ko rin ang iba't ibang klasipikayson ng mahika na maari naming magamit ayon sa aming uri. In general, may tatlong klasipikasyon ang aming lahi. Ang mga sorcerer o sroceress, wizard o witch, at caster o mage. Bilang isang sorceress, ayun sa aklat na ito, ay may natural akong kakayahan na gumamit ng mahika. Hindi tulad ng mga witch at mage na kailangan pa nilang pag-aralan ang naayun na mahika sa kanila. Kailangan din nila ng ispisipikong medium na pagdadaluyan ng kanilang mahika samantalang kami ay hindi na.

Meant To BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon