Probinsiyana 16

6.4K 375 51
                                    

Third Person

"Akala ko ba ay ginamitan mo na siya ng iyong kapangyarihan? Bakit parang wala itong epekto sa kanya? She remembered everything," mariing sambit ni Caleb sa kanyang kaharap.

"Ayusin mo ang talas ng iyong dila, Coal. Isang hari ang kausap mo." Hindi naiwasang pangaralan ni Ares Knight si Caleb.

Si Ares Knight ay ang kasalukuyang kanang kamay ni Haring Axel.

"It's fine, Ares. I'm also thinking what could be the reason why my power didn't work on her. Ito ang unang beses na nangyari ang tulad nito," pahayag ni Haring Axel kaya huminahon na ang namumuong tensiyon.

Ikinagulat kasi nila na naalala pa rin ni Tania ang pangyayari matapos itong burahin ni Haring Axel gamit ang kanyang Noble Gift.

Ang Noble Gift ay natatanging kapangyarihan na tanging mga pureblood na bampira lang ang nagtataglay.

Nang bisitahin ni Caleb si Tania kaninang umaga ay wala na ito sa kanyang dorm. Nalaman niyang lumayas ito base sa pagkakasabi sa kanya ni Maya na gulat din sa biglaang desisyon ni Tania. Tanging isang sulat lang ang iniwan ni Tania sa kanya.

Agad pinakuha ni Caleb ang Personal Profile ni Tania at inalam kung saan ito nakatira. Nang malaman niya ay agad siyang nag-research tungkol sa lugar upang mas mapadali ang pagteleport niya papunta roon.

"Unang kita ko pa lang sa kanya, nakaramdam na ako ng kakaiba. Hindi siya normal na tao." Ang lahat sa kanila ay napalingon kay Veronica nang magsalita ito.

Si Veronica ay isang respetadong bampira sa kabila ng kanyang pagiging turned vampire. Kilala siya sa kanyang pagiging kalmado at istrikto. Bihira lang siya magsalita, ngunit lahat ng lumalabas sa kanyang bibig ay may kabuluhan.

"What do you mean?" takang tanong ni Caleb kaya napatayo si Veronica at nilapitan ang nahihimbing na si Tania.

Nasa isang silid sila ngayon ng mansion ng pamilyang Coal. Dito dinala ni Caleb si Tania matapos itong mawalan ng malay.

"Halos isang araw pa lang ang nakalipas, ngunit ayos na ang kanyang mga sugat. Wala na rin ang kanyang mga pasa. Normally, it would still take her several days to totally heal."

Nagtinginan ang mga naroroon sa impormasyong binitawan ni Veronica.

"Kung hindi siya normal na tao, ano siya?"

"Excellent question. Hindi siya maaaring maging bampira dahil sana ay nalaman natin ito agad. I'm thinking between a shapeshifter or a witch," seryosong pahayag ni Veronica kaya napakamut ng noo ang iilang naroroon.

"Kahit na ano man siya, dapat ay tinalaban pa rin siya ng Noble Gift ko. It works on everyone except with another pureblooded vampire."

Napatikhim si Veronica dahil sa puntong inihain ni Haring Axel.

"Hindi gumagana ang Noble Gift sa isang pureblooded vampire, yes. And why? It's because Purebloods are the highest on the vampire hierarchy. Then, how about the highest on the hierarchy of other races?"

"So, you're suggesting that whatever she is, ay kabilang siya sa pinakamataas na uri?"

"I'm not suggesting, I'm concluding," mariing sagot ni Veronica sa tanong ni Caleb kaya inirapan siya ng huli.

Hindi niya pa lubusang kilala si Veronica at hindi niya gusto ang epekto nito sa kanya. Nakakaramdam kasi siya ng kaunting takot sa paraan ng pagiging istrikto ni Veronica.

"As I can remember, gumana naman ang Noble Gift ni Lucius kay Laila Witchter," ungkat ni Haring Axel sa mga naganap noong nakaraang digmaan.

"Laila Witcther is a high ranking witch, but not the highest. She's a witch to start with. And There's still the group sorcerers ahead her kind."

Meant To BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon