Probinsiyana 25

4.4K 261 29
                                    

Third Person

Abala ang lahat dahil bukas na ang ikawalong araw na itinalaga ni Katus Constantine.

Bukas na ang araw ng pagtutuos at paghatol.

Noong isang araw pa handa ang buong hukbo ng Vampyria. Naghanda na sila sa anumang magiging kahihinatnan ng pangyayaring ito.

Ngunit kung kailan bukas na ang araw na kanilang pinaghandaan ay isa namang balita ang gumimbal sa kanilang lahat.

Nakarating sa lahat ng kanilang kaalyansa ang biglaang pagkawala ng malay ni Highmistress Tania. At hanggang ngayon nga ay hindi pa rin ito gumigising. Ginawa na ng mga follwer niya ang lahat ngunit hindi nila ito magising.

Matapos mahimatay ni Caleb bilang pangwalong biktima ay siya namang pagkawala ng malay ni Tania. Ngunit bago ito mahimatay, nagbitiw muna siya ng isang mabigat na sumpa.

Ang hari ng Vampyria na si Caldrix ay kahapon pa nakalagi sa Kaharian ng Covenia. Mariin niyang binabantayan ang kalagayan ni Tania.

Hindi siya makapaniwala sa nangyari kay Tania. Nag-usap pa lang sila kahapon at nagmakaawa pa siya sa kanya na ibigay na lang ang nais ni Katus.

"This is absurd! She is the key player of this game!" singhal niya at napakuyom ng mahigpit.

"What if she will stay like that until the time comes. Our...our children will...die." Nanghihina siyang napaupo.

Isa siyang malakas at makapangyarihang bampira, ngunit pakiramadan niya ay wala siyang saysay sa pagkakataong ito dahil hindi manlang niya mailigtas ang kanyang mga anak.

Dinaluhan siya ng kanyang asawa na namamaga ang mga mata sa walang tigil na pag-iyak. Pinilit ni Gresha na maging matatag, ngunit sa nangyari ngayon, at sa papalapit na sandali, hindi na niya nakayanan pa. Maging siya ay nawawalan na rin ng pag-asa.

Hindi niya alam ang gagawin kung sakaling tuluyang mawala ang tatlo niyang anak.

Niyakap siya ni Haring Caldrix kaya napaiyak siya ng mas malakas. Mahal na mahal nila ang kanilang tatlong anak, kaya napakasakit at napakahirap sa kanila ang nangyayari ngayon.

Ang kanilang pighati ay nararamdaman din ng dating hari na si Axel. Sa isang silid ay nag-iisa siyang nakatulala sa kawalan. Gusto niya ring iligtas ang mga nabiktima lalo na si Veronica, ngunit hindi niya alam kung papaano.

Sinubukan niyang hanapin ang kanyang ama na si Lord Alexus upang magpatulong sa maaaring gawin ngunit hindi niya mahagilap kahit ang bakas nito.

Ang pagsuko lang ni Tania ng Oracle's Craft ang tanging makakasalba sa kanila, ngunit nakahimlay siya ngayon, hindi gumagalaw at walang malay.

"Bakit ba nangyayari ang lahat ng ito?" tanong niya sa kanyang sarili dulot ng kawalan ng pag-asa.


"You mean, ikawalo na si Caleb Coal? So, sino ang pampito?" Takang tanong ni Queen Cleo kay Andalia.

Nagpupulong sila ngayon sa isang silid sa kastilyo ng Covenia. Kahit hindi nagawang dumalo ng kanilang mga pinuno, sinubukan pa rin nilang magpulong. At pinangungunahan ni Queen Cleo ang Kaharian ng Vampyria. Tungkulin niya ito bilang reyna.

"Wala kaming ideya kung sino. Tulad ng kung sino ang nauna, wala rin kaming ideya kung sino ang pampito."

Napakamot si Queen Cleo sa kanyang noo. Maging siya ay naaalibadbaran na sa ginawa ni Katus. Mariin niyang binasa ang lista ng walong biktima.

1. Unknown
2. Veronica Castilier
3. Senior Marcelsa
4. Clyde Caldrix Dark
5. Clyvin Gresh Dark
6. Clysha Cass Dark
7. Unknown
8. Caleb Denver Coal

"Paano sila nabiktima ni Katus Constantine? Bakit parang napakadali niya lang itong nagawa?" tanong ni Austin Crux Silverdusk na puno ng pagtataka.

Maging ang Silver Moon Pack ay nasa kagubatan na ng Covenia at handang handa na sa magiging labanan. Si Clysha ang mate ni Austin na matagal na niyang hinihintay. At kahit hindi pa man nararamdaman ni Clysha ang kanilang bond dahil bata pa ito, ramdam na ramdam na ito ni Austin. At tungkulin ng buong pack ang sigurohin ang kaligtasan ni Clysha bilang magiging Luna nila sa hinaharap.

"Actually, high-level curse like that requires close contact or the likes." Si Andalia ang sumagot sa tanong. Bilang isang witch, may kaalaman din siya tungkol dito.

"Naalala niyo pa noong unang nagpakita sa atin si Katus? Noong natanggal ni Senior Marcelsa ang sumpang lasong naipunla niya kay Tania?" tanong ni Adrus Coal kaya biglang inalala ng mga nakasaksi ang pangyayari.

"That's right!" wika ni Queen Cleo. "Diba iba ang kanyang mukha noon? At nalaman natin na minsan na siyang nakasalamuha ni Tania noon bago pa niya siya tuluyang makilala?" Napatango ang iba.

"Hindi lang ito nagawa ni Katus sa loob ng maikling panahon. He spent several years wandering around using different forms, therefore, inflicting his victims without them knowing." Si Adrus ang nagbigay ng konklusiyon.

Napalingon sila sa pintuan nang marahas itong bumukas at pumasok si Ares Knight.

"The Highmistress is already awake."



Samantala, biglang nagising si Katus Constantine mula sa ilang araw na pagkakahimlay. Agad naman siyang inasikaso ng kanyang mga tagasunod na buong magdamag na nagbabantay sa kanya.

Ang paggawa ng isang sumpa ay nangangailangan ng malaking porsyento ng kapangyarihan. At maging ang malakas na Caster na tulad niya ay hindi nakakaligtas dito. Tatlong araw siyang walang malay dahil sa binitawan niyang sumpa.

Isang sumpa na walang katulad. Isang sumpa na tanging ang kasinlakas niya lang ang may kakayahang gumawad. Ang Curse of Eight.

Ngunit tulad ng nakagisnang batas ng salamangka, ang paggamit ng black magic sa paggawa ng sumpa ay palaging nakakapekto sa Caster nito. Oras na matupad ang kahilingan niya ay unti-unti niyang mararamdman ang katumbas na epekto ng kanyang sumpa. Nakadepende ang epekto sa bigat ng sumpang ginawad.

At dahil ang Curse of Eight ay isang Premordial Black Curse ay alam niyang malubha ang magiging epekto nito sa kanya at sa kanyang katawan. Ngunit dahil sa kanyang pinaniniwalaang Death Emperor, handa siyang isakripisyo ang kanyang sariling buhay.

Handa siyang isuplong ang kanyang mga kalahi alang-alang sa kaligtasan na ipinangako ng Death Emperor oras na gawin nito ang kabuoang pagwasak.

"Pang-ilang araw na?" tanong niya sa kanyang tagasilbi na mariing nililinasan ang kanyang kahubdan gamit ang tubig na may enkantasyon.

"Ikapitong araw na, panginoon." Napatango si Katus at napangisi kahit alam na niya ang tungkol dito.

Hinablot niya ang babaeng kasalukuyang nagpupunas ng kanyang katawan. Hinalikan niya ito ng mariin at marahas na nilapastangan ang katawan nito. Bagay na madalas niyang gawin.

Ang mga Cursecaster ay natural na matataas ang libido. Dahil unti-unti silang napapariwara sa paggalugad sa mundo ng mga sumpa, kailangan nilang magising sa reyalidad, at isa sa maiging paraan ay ang pakikipagtalik.

"Tommorow, I will taste the greatest victory! The Death Emperor will be honored to have me as his General!"

"For sure, Lord Katus!" pagsang-ayon naman ng babaeng kaniig niya ngayon.

Napasigaw ito ng samapalin siya bigla ni Katus.

"How dare you speak without my consent?"

Napahalakhak si Katus nang biglang napatikom ang bibig ng babae.

"That's right! Tommorow, all of them will be like you. They will all submit to me. They will kneel before me! They can't do anything against my curse, because I am the greatest Cursecaster who ever lived!"

"I am Katus Constantine, and I will be their worst nightmare!"

Meant To BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon