Probinsiyana 27

4.5K 267 12
                                    

Tania

Sinalubong ako ng isang malakas na hampas ng hangin. Nasa tuktok ako ngayon ng talampas ng Dendius. Dito mismo sa talampas na ito namalagi ang orakulo ng siglo na si Avera Withchter.

Kung hindi lang sana siya biglang nasawi ay sana hindi ito aabot sa ganito dahil makakaagapay namin ang Goddess sa pamamagitan niya. At sigurado akong si Avera mismo ang mananatili ng kaayusan sa Gabiarmun.

Mula sa aking kinatatayuan ay tanaw ko ang magkabilaang malawak na patag ng teritoryo ng Vampyria at ng Witchville.

Dinama ko ang paligid at pinatalas ang aking konsentrasyon.

Hindi ko inakalang mawawalan ako ng malay matapos mahimatay si Caleb sa harapan ko mismo, ngunit lubha kong ipinasalamat ang pagkawala ng aking malay. Dahil doon ay mas naliwanagan ako sa kung ano ba ang dapat kong gawin.

Mas nagkaroon ako ng lakas ng loob upang harapin ang araw na ito, ang ikawalong araw na itinalaga ng walang katulad na si Katus Constantine.

Napatingala ako sa bilog na buwan na tanging nagbibigay liwanag sa madilim na lupain. Napakatahimik ng paligid at walang kaalam-alam sa mga susunod na magaganap.

Ngunit hindi pambihira ang gabing ito. Ito ay mailalathala sa pahina ng kasaysayan ng Gabiarmun.

Napapikit ako ng mariin, at ang pagmulat ng aking mata ang naging hudyat ng aking kahandaan.

Handa na ako sa mga magaganap.

Third Person

"KATUS CONSTANTINE!!! MAGPAKITA KA!!! ITO NA ANG PINAKAHIHINTAY MONG SANDALI!!! NANDITO NA AKO!!! HARAPIN MO AKO!!!" umalingawngaw ang sigaw ni Tania sa gitna ng tahimik na gabi.

Ilang sandali rin lang ay biglang bumigat ang ang ihip ng hangin tanda ng pagdating ng kanyang sinamo.

"As expected from you, Metier. I fully know that you will never disappoint me," nakangising bungad sa kanya ni Katus na biglang sumulpot sa kanyang harapan.

Napangisi si Tania.

"If killing you will disappoint you, then I will gladly do the honor."

Biglang nabura ang ngisi sa mukha ni Katus at naging seryoso siya. Halatang hindi niya inaasahan ang narinig mula sa kausap.

Napaarko ang kilay ni Tania at naging seryoso ang kanyang mukha.

"I'm here to bargain. Katus, in exchange of your life, break the curse that you've bestowed upon the eight," seryoso niyang sambit.

Biglang napailing si Katus at napatawa na parang baliw.

"Naririnig mo ba ang sarili mo? What is the meaning of this madness? Nagbibiro ka ba? Nakalimutan mo na ba ang aking sumpa?"

"Paano ko ito makakalimutan kung pati mga inosenting buhay ay dinamay mo?"

"Kung ganoon pala, nasaan na ang hinihingi ko? Mas nanaisin mo ba ang mamatay sila ng dahil lang hindi mo maibigay ang aking hinihingi?"

"Nagkakamali ka, Katus. Mas nanaisin kong ikaw ang mamatay sa harapan ko!"

Sa isang iglap ay may lumabas na Magic Circle sa harapan ni Tania. Malakas na enerhiya ang biglang bumulusok patungo kay Katus.

Nang makailag ito ay hindi na ito pinagtakhan pa ni Tania. Hindi siya maiituturing na pinakamalakas na Cursecaster kung magagapi siya ng isang simpleng mahika lamang.

"So, I assume, this is your decision. Then, be it!" singhal nito at inatake rin ang dalaga.

Dahil alam na ni Tania ang antas ni Katus ay mabilisan siya kung kumilos. Hindi isang karaniwang na Caster ang kalaban kaya hindi dapat siya magpakampante at magpadalusdalos.

Meant To BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon