Probinsiyana 22

4.8K 302 71
                                    

Third Person

Kasalukuyang magulo ang harap ng Main Castle ng Vampyria. Maraming mamamayan ang naglakas-loob na ilabas ang hinaing nila tungkol sa balitang nakarating sa kanila.

Ang balitang tungkol sa Death Force. Ang tungkol kay Katus at sa iniwan nitong sumpa.

"Huwag ninyong hayaang makuha ang bagay na nais nila! Siguradong gagamitin nila ito sa kasamaan!" sigaw ng isang bampirang may matayog n katayuan sa kaharian.

Simula nang umupo sa pwesto si Haring Axel, nagkaroon na ng karagdagang karapatan ang mamamayan. Mula sa pagiging semi-dictatorship na pamamahala ni Caldrix, naging semi-democratic ito.

"Ano na ang gagawin natin ngayon?" tanong ni Adam Silverdusk kay Haring Axel.

Napahilot ng sentido si Haring Axel at napabuntong-hininga.

Magulo ang kanyang isip ngayon. Alam niya na talaga namang gagamitin ni Katus sa kasamaan ang bagay na hinihingi nito. Kung susundin niya ang kanyang logic, tama lang na hindi ibigay ni Tania ang bagay na iyon. Normal lang na ang sitwasyong ganito ay nangangailangan ng sakripisyo.

"This is a war. And it's impossible for a war to end without casualties or deaths. Sacrifice is inevitable," sagot ni Haring Axel sa Prime Elder na si Adam.

"But, can you sacrifice...Veronica?"

Napatigil sa pagproseso ang utak ni Haring Axel dahil sa tanong ng kanyang kanang kamay na si Ares Knight.

Ang isiping iyon ang walang humpay na bumabagabag sa kanyang sestima.

Si Veronica ang tanging babaeng iniibig niya simula pa man noon. At kahit ilang beses na siyang ipinagtabuyan nito, hindi siya natitinag. Bagkus, ay mas lalong nahuhulog pa nga ang kanyang loob dito.

Marahang napatayo si Haring Axel at nagsimulang tahakin ang daan palabas ng kastilyo.

"I'm a king. I have duties on my shoulders," bulong niya.

Biglang tumigil ang komosyon sa labas nang lumitaw sa kanilang harapan si Haring Axel.

"Haring Axel- - -"

"Totoo ang balitang nakarating sa inyo. Isang mapanganib na nilalang ang muling yumanig sa katahimikan hindi lang ng Vampyria, kundi ng buong Gabiarmun. Upang mas maging malinaw sa inyo, siya ay nagngangalang Katus Constantine. Isa siyang makapangyarihang caster."

"Totoo bang may koneksiyon siya sa Death Force?"

"Ayon sa kanya, naglilingkod nga siya sa Death Force."

Napasinghap ang lahat at nagsimulang magbulongan.

"Kung ganon, magkakaroon ulit sila ng pinuno? Mauulit ba ang pinakamadilim na yugto ng Gabiarmun?"

Ang tinutukoy niya ay ang pinakamalaki at pinakamadilim na digmaan na naganap noon matagal na panahon na ang nakalipas. Ang tinaguring Death War.

Ngunit kahit gaano man ito katagal nang napuksa, kumikintil pa rin ang kahindikhindik na kaganapan sa isipan ng karamihan. Ang takot at pangamba sa bagay na ito ay patuloy na nabubuhay.

"Sa ngayon, hindi pa natin masasabi. Napuksa na ang Death Force matagal na panahon na ang nakalilipas."

"Totoo bang may hinihingi ang sinabi mong Katus? Sigurado kaming gagamitin niya ito upang palakasin ang kanilang hukbo. Kaya nais namin iparating ang aming pagtutol sa pagbibigay ng nais niya."

"Sa kasalukuyan, ginagawa namin ang lahat upang masolusyunan ang problema nang walang binubuwis na buhay."

"Haring Axel, natatakot ka bang mawala si Head Councilor Veronica kaya may pag-aalinlangan sa iyong tinig?"

Meant To BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon