Probinsiyana 1

16.8K 569 82
                                    

Tania

"Miss, gising na. Nandito na tayo sa terminal." Agad akong napamulat nang gisingin ako ng konduktor ng aking sinakyang bus.

Tinanguan ko lang siya at tumayo na. Bitbit ko ang aking bag at maleta kaya pahirapan ako sa paglabas.

Ang maingay, mausok, at maalikabok na terminal ang sunalubong sa akin. Pinahid ko ang aking pawis ng makarating ako sa bakanteng upuan.

Hindi pa ako sanay sa magulong lugar na tulad nito dahil lumaki ako sa isang simpleng bayan, at nakatira pa kami ng aking lola sa kabukiran.

Kinuha ko ang papel kung saan nakasulat ang address na aking tutuluyan sa paglipat ko sa sentro. Wala akong alam sa kalakaran sa siyudad, ngunit nais kong ipagpatuloy ang aking pag-aaral. Nais kong maging lisensiyadong nurse, o doktor kung papalarin.

At dahil lubusang nasira ng nagdaang bagyo ang kaisa-isang paaralang may Senior High sa buong probinsiya, ay napilitan akong lumuwas. Sa kabutihang palad, isa ako sa mga napiling bigyan ng ayuda at scholarship ng gobyerno at ilang private entities. Kaya kahit hindi pa ako handa, pipilitin kong makibaka.

"Miss, saan ang punta mo?" Isang driver ng tricycle ang umagaw ng aking pansin kaya nilapitan ko siya at sinabi ko ang address na nakasulat sa papel.

"Alam mo ba kung gaano kalaki ang Centrus? Sa tingin mo ba ay alam ko ang lugar na iyan?" naiiling niyang bulyaw at iniwan ako.

Napakamot ako sa aking noo. Lintik naman. Hindi ko inaasahang ganito pala kahirap ang lumuwas. Kung alam ko lang ay sana nagpasama ako kay lola, ngunit ayaw kong gambalahin pa siya dahil alam ko namang medyo tutol siya sa desisyon kong ito.

Napabuntong hininga ako ng muli kong maalala ang huli naming pag-uusap. Hanggang ngayon ay pilit kong binabaliwala ang kanyang sinabi kahit na ito ay may kinalaman sa totoo kong pagkatao.

Gusto kong maging normal, dahil isa akong normal na payapang nabubuhay sa isang normal na mundo. Kaya upang takasan ito, mas nagpursigi akong lumayo.

Napanatag naman ako dahil pinahintulutan niya ang aking naging pasya.

Nang bumalik ako sa dati kong puwesto ay nagulat ako ng makita ang isang matangkad na binata na nakaupo sa katabi ng aking upoan. Magarbo ang kasuotan nito na bagay lamang sa kagandahan ng kanyang pisikal na kabuoan. Nakasuot siya ng dark blue na jacket at pinarisan ng itim na pantalon.

Umupo ako at muling ibinalik ang papel matapos kong memoryahin ang address ng ilang beses.

Napalingon ako sa katabi ko at namangha sa guwapo nitong mukha kahit naka-side view ito. Unang beses kong makakita ng binata na kasingkisig niya.

Hulmang hulma ang kanyang panga. Kapansin-pansin ang matangos niyang ilong at ang perpektong kurba ng kanyang napakapulang labi. May kakapalan ang kanyang kilay - - -

"Ay butiki!" Laking gulat ko nang bigla siyang lumingon sa akin.

Napalunok ako ng sumalubong sa akin ang salubong niyang kilay at nanlilisik na mga mata.

"Tsk," rinig ko mula sa kanya bago siya tumayo upang umalis.

Ngunit napahinto rin siya dahil sa pagkabig ko sa kanyang damit. Muli niya akong nilingon na may nanlilisik na mga mata.

"Mawalang galang na ho, ngunit unang beses ko pa lang makarating sa lugar na ito. Mula pa ako sa karatig na probinsiya."

Huminga ako ng malalim at kinuha ang papel mula sa aking bulsa at binasa ang address kahit kabisado ko na ito.

"Alam mo ba ang dapat kong sakyan- - -" Napadaing ako sabay napaatras dahil sa may kalakasan niyang pagtulak sa akin bago mabilis na umalis ng tuluyan.

Meant To BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon