Probinsiyana 29

4.5K 299 30
                                    

Tania

Itinaas ko ang aking kamay at ilang segundo lang ay may nabuong isang bagay sa aking harapan.

Isang stick na may tamang haba lamang at sa bawat dulo nito ay may nakalagay na makapangyarihang bato.

This is the very wand that Avera used before she became an oracale.

Nang mahawakan ko ito ay biglang nanumbalik ang aking nawalang lakas, at kung tutuosin ay nadagdagan pa.

Gulat at pagtataka ang agad na rumihistro sa mukha ni Katus.

"Nagkakamali ka, Katus. Hindi pa ako nanghihina."

"I-s t-that the- - -"

"Yes. This is the legendary wand of the most powerful witch to have ever lived, Avera Witchter. And she stopped using this wand the moment she discovered that she's destined to be an oracle. It was already a very, very long time ago. And in that whole span, this wand just continues to preserve and enhance its power nonstop."

Napanganga si Katus. Dahil sa takot na mabawi ko ang Oracle's Craft ay mariin niya itong hinawakan. Dumistansiya rin siya sa akin.

"How is this possible?"

"Baka nakakalimutan mo, hindi lang ako basta bastang nilalang. Isa akong Metier ng orakulo. Hindi lang ang kakayahan ng White Clan ang aking nakuha, kundi pati na rin ang kapangyarihan ng aking ina na may dugong Witchter."

Mukhang nakabawi na si Katus dahil nabura ang gulat sa kanyang mukha. Pinilit niyang ngumisi upang ipakitang hindi siya apektado sa nasasaksihan niya.

Ngunit hindi ito tumalab sa akin. Alam kong nanghihina na siya. Planado ko, namin, ang lahat ng ito simula pagtapak ko sa talampas ng Dendius.

"Baka nakakalimutan mong may nakaabang na malakas na hukbo sa aking likuran? Huwag kang magpakampante, Metier."

I grinned.

"Mali ka sa sinabi mo kanina, Katus. Hindi lang ako nag-iisa tulad ng inaasahan mo."

Napatingin siya sa paligid na may pagtataka.

"Ako ba ang niloloko mo? Wala akong nararamdaman na kahit sino sa paligid na maaaring maging kapanalig mo."

Biglang lumakas ang ihip ng hangin. At nang bumalik ang normal nitong ritmo ay biglang may lumitaw na dalawang pigura sa aking gilid.

"Hindi mo talaga sila maramdaman dahil kakarating pa lang nila."

Napatingin ako sa dalawang bagong dating na bampira na walang iba kundi sina Adrus at Callias Coal.

"At hindi lang silang dalawa ang kapanalig ko."

Naglaho rin sila agad at sa muli nilang pagsulpot ay kasama na nila ang aming buong puwersa.

Napaatras si Katus nang tuluyan na niyang masilayan ang mga nagsidatingan.

Kasabay ni Adrus ang hukbo ng Vampyria na kasalukuyang tinaguriang pinakamalakas na pwersang pandigmaan. Pinamumunuan sila ni Haring Caldrix na ngayon ay malagim na ang mukha.

Samantala ay si Callias naman ang nagdala ng puwersa ng Kaharian ng Covenia. Lahat ng aking followers ay naririto ngayon sa pangunguna ni Andalia.

Sa pusod naman ng kagubatan ay biglang nagsilabasan ang naglalakihang lobo na nagmumula sa Siver Moon Pack sa pamumuno ni Alpha Austin Crux Silverdusk.

"I think you forget a basic rule, Katus. Never underestimate the vampires, especially the Purebloods," pangangaral ko sa kanya na pawang makatotohanan.

Meant To BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon