Probinsiyana 11

7.4K 517 153
                                    

Tania

"Para kang sabog, girl," puna ni Niki sa akin at eksaheradang pinaikot pa ang mata.

Si Niko o mas gusto niyang tawaging Niki ay isang silahista naming klasmet na napalapit na sa amin ni Mira nitong mga nagdaang araw. Kung titignan mo ang kanyang kabuoan ay hindi mo aakalaing baliko siya. Hindi tulad ng iba, magaan ang pakiramdamn ko sa kanya. Masaya rin siyang kasama at nagagalak ako na nadagdagan ng isa pa ang aking kaibigan.

"Simula pa kahapon ay walang tulog ang babaeng iyan. Iwan ko ba kung anong nangyari sa kanya," pagsang-ayon naman ni Mira, at kumagat sa kinakain niyang burger.

Paano ba ako makakatulog ng maayos kung hanggang ngayon ay hindi ko makalimutan ang huli naming pag-uusap ni Caleb?

Ngayon pa lang ang uwi nila samantalang kami ay nauna na kahapon. Pagkatapos ng selebrasyon ay lumipad agad kami pabalik ng Centrus. Naiwan si Caleb dahil sabi niya ay sa gabi pa nakalaan ang selebrasyon para sa kanila, na ipignataka ko naman. Bakit hindi na lang sinabay ni Don Augustine sa amin? Sabagay, siguro ay VVIP na tulad ng pamilya ni Caleb ang dadalo sa gabi.

"Nasobrahan lang ako sa jetlag. Unang beses kong sumakay sa eroplano," pagpapalusot ko sa kanila.

Hindi nila alam na muli na namang nagtagpo ang landas namin ni Caleb sa mansyon ni Don Agustine.

At kung gaano ako nanindigan na hindi na siya papansinin pa ay siya namang pagkawasak ng aking lakas ng loob. Caleb is right, I failed.

"Omg girl, balitang balita na ngayon na nga ang dating ni Caleb mula sa mahabang bakasyon," pag-iimporma ni Niki sa amin habang nakatingin sa kanyang cellphone.

"At ang mga higad naman ay ang kakati. Daig pa ang asawa na uuwian ni Caleb."

Napatawa ako sa dugtong niyang pahayag. Kahit kailan talaga ay palabiro si Niki. Sabi pa nga niya noong magpakilala sa amin, siya ang Editor-in-Chief ng mga tsismis sa CEU. Mula elementarya ay dito siya nag-aral. Nakakaangat kasi siya sa buhay, ngunit hindi siya matapobre tulad ng karamihan. Anyway, magkasing edad lang kami. Dapat ay nasa second year college na ako ngunit hindi tuloy-tuloy ang pag-aaral ko noon. Ang dahilan naman ni Niki kung bakit nahuli siya ay siyang hindi ko alam.

"Saan ba siya galing?" taka namang tanong ni Mira.

"Pinagkalat ni Danica na galing daw Japan itong si Caleb. Ngunit dahil ako ang EIC ng tsismis, alam kong fake news ito. Papansin lang bruha para sabihing informed siya sa mga lakad ni Caleb," natatawa niyang sabi at inimun ang milktea sa kanyang harap.

"Gusto niyo bang malaman kung saan siya galing?" Sabay kaming napalingon sa nagsalita at hindi inaasahang mukha ni Skelly ang tatambad sa amin. Kasama niya rin sina Tristan at Flin na nalaman ko lang ang pangalan dahil kay Niki.

Silang tatlo ay kasapi sa grupo na tinatawag nilang Crucifix na pinamumuan ng walang iba kundi ni Caleb.

Nakita kong natulala si Niki habang nakatitig kay Flin. Sa ilang beses namin siyang nakasama, ngayon ko lang siya nakitang ganito. Likas siyang madaldal at magaslaw, hindi tulad ngayon.

"Can we join you?" tanong ni Skelly na nagpabalik sa katinuan nina Niki at Mira.

"Tuloy kayo. Simple lang naman ang pamamahay namin ngunit nakakakain naman kami ng tatlong beses sa isang araw, paminsan-minsan nga lang ay baguong ang ulam namin. Ngunit so far, ang sarap mabuhay." Bumalik na sa pagiging madaldal si Niki at ginabayan pa sina Skelly na umupo.

Gusto ko sanang matawa ngunit nakapokus ako sa seryosong mukha ng tatlong bagong dating. Natatandaan ko na hindi maayos ang huli naming tagpo.

"You're so loud," pag-puna ni Flin kay Niki kaya napasimangot ito at bumalik sa pag-upo.

Meant To BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon