Probinsiyana 9

6.9K 463 80
                                    

Tania

Aldrus Cole. He is the third richest individual in Asia, and ranked fifth throughout the globe. A filipino citizen with american and italian ancestral roots.

He's a business guru. He owns big companies and well-known firms worldwide. Among the list are the, AC Horizon Airline, Vertex Hotel, CD Class Resorts, Tri-C MegaMall, GoldenSeal Oil Company, Callias Homes, and other sub-businesses.

During the recent economic crisis and total inflation of the Philippines, he used his own money to fund the national economy until it was stabalized after five years run.

No matter how known and famous he is, he keeps his family matters private by avoiding all unwanted publicity. Yet just recently, he finally introduced his two sons to the public, and officially announced them as his successors.

Tulala ako habang kusang bumabalik sa aking memorya ang article na aking nabasa nitong nakaraang linggo. Dahil napag-aralan namin ang mga prominenteng pigura ng bansa ay tuluyan kong natuklasan ang tungkol kay Adrus Cole.

Si Adrus Cole, na siyang ama ni Caleb Denver Cole, na kasalukuyang nasa aking harapan ngayon habang pinapaikot ang mansanas sa kanyang hintuturo.

Hindi ko inaasahang mula siya sa pinakamayamang pamilya ng bansa. At noong nalaman ko, halos hiniling ko na lang na tuluyan na akong kainin ng lupa dahil sa mga nagawa ko sa kanya.

Sa isang pitik ng kanyang daliri, maaring mabura ako sa mundo. Napakataas ng agwat naming dalawa. Kaya napagdesisyunan kong hindi na ako muling makikisali pa sa anumang kaganapan ng kanyang buhay. Kusa akong lalayo at puputulin ang aming ugnayan dulot ng mga nauna naming tagpo.

Kaya noong ilang araw ko siyang hindi nasilayan sa CEU ay pabor sa akin, ngunit kung pinag-alalaruan ka nga naman ng tadhana, aksidente ko siyang nakita sa lugar na ito. Sa lugar na napakalayo sa CEU.

"So, Don Agustine also invited you, huh?" nakangisi niyang tanong matapos kong sabihin kung bakit naparito ako sa lugar na ito.

Nang tumakbo ako kanina palayo sa kanya ay hindi ko inaasahang susundan niya ako, maging papasok sa aking silid na tinutuluyan.

Tinanguan ko lang siya bilang pagpapakita na ayaw ko nang magkaroon pa ng karugtong ang aming usapan.

"Ilang araw na rin akong nandito sa mansiyon. Don Agustine is close to my family," pag-iimporma niya sa akin na hindi ko na tinugunan pa.

Kung meron mang bagay na ayaw kong pag-usapan, iyon ay ang kanyang pamilya. Mas pinapamukha nito sa akin kung bakit kailangan ko ng lumbayan pa si Caleb maging sa mga simpleng pag-uusap na tulad nito.

In his world, I am just a tiny irrelevant dot.

And why is he fond of talking to me anyway? He usually doesn't talk to somebody.

"Kung wala ka ng gagawin, pwede ka ng umalis at gusto ko na ring magpahinga dahil puyat ako." Tumayo ako sa pagkakaupo at tinuro ko pa ang pinto.

"Really? But you seemed so energetic back then?" pagpupunto niya sa naging tagpo namin kanina.

Isang katok mula sa labas ang umagaw sa aming atensiyon.

"Tania? May ibang tao ka bang kausap diyan? I heard voices aside from yours," usisa ni Ma'am Andy kaya bigla akong nataranta.

Ano na lang ang kanyang iisipin kung malaman niya na may pinapasok akong lalaki sa loob ng silid na pinahiram sa akin ni Don Agustine?

I'm supposedly resting right now, ngunit heto aka at nakikipag-usap kay Caleb.

Meant To BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon