Kabanata 1

1K 36 0
                                    


1854? Agad akong nagpanic.

"1854? Paano ako napunta sa panahon na to? Hindi pa ba ako patay?"

Mukhang nagulat naman ang babae at lalake.

"Anak huminahon ka. Hindi ka pa patay at hindi ko hahayaang mangyari iyon sayo. At anong napunta ka sa panahong ito? Galing ka naman talaga dito. Gaano ba kalakas ang pagbagok ng ulo mo sa batong iyon at nagsanhi ng kung ano anong pumapasok sa isipan mo?"

Huminahon ako sandali. Nabagok? Nahulog ako sa sobrang taas na building at nabagok lang yung ulo ko? Teka!

1854 ngayon, pero January 8, 2002 ako pinanganak. Ibig sabihin, nasa loob ako ng ibang tao?

"Sino ako? Anong pangalan ko? Kailan ako pinanganak? Sino kayo? Anong nangyari sakin?" tuloy tuloy na tanong ko sakanila.

"Totoo nga ang sinabi ng doktor, lahat ng alaala mo ay nabura. Wag kang mag-alala anak, papaalala namin ng ina mo ang lahat tungkol sayo"

Hinawakan ng babae ang kamay ko. Pero meron akong naramdaman. Yung feeling nang masaya ka dahil may nag-aalala sayo, ganito ba yun?

"Ako ang iyong ina, ako si Emelda. At ito ang iyong ama, si Dominador" panimula ng babae.

So siya yung ina ko? Si Emelda? At siya naman ang tatay ko, si Dominador? Tama ba?

"At ikaw naman si Cassandra Macalipay. Isang magandang dilag namin ng iyong itay" nakangiting tugon ng babae-este ni inay.

"Cassandra Macalipay?" takang tanong ko.

Tumango naman si inay. Dala ko ang pangalan ko sa taong ito? Pero nasa ibang katawan ba ako?

"Inay meron ka bang salamin?"

Ngumiti naman siya at inabot ang maliit na salamin. Agad akong napanganga. Ito pa rin ang itsura ko pero mas gumanda nang kaunti.

Maputi ako noon, ngayon medyo maputi na lang. Pero bagay sakin ang kulay. Mas kuminis ang kutis ko. Mas humaba ang buhok ko.

"Meron kang nakababatang kapatid. Si Joselito. Labing dalawang taong gulang pa lang siya. At ikaw naman ay labing pitong taong gulang. Pero sa susunod na taon ay maglalabing walong taong gulang ka na. Nga pala, 1853 pa lang ngayon. Buwan ng disyembre pa lang ngayon anak. Ikalabing apat na araw. Sinabi ko lang kanina na 1854 ngayon, baka kase maalala mo. Masayang masaya ka kase kapag pinagdidiriwang natin ang bagong taon" nakangiting tugon ni ina.

1853? Pero bakit sa ganitong panahon ako nagising? Teka! Para makumpirma kong akin ang talaga ang katawang ito, may peklat kasi ako sa paa.

At confirmed! Katawan ko pa rin to. Pero ang ipinagtataka ko, bakit narito ako sa panahong ito.

"Teka ina, asan ang doktor? Pwede ko ba siyang makausap?"

Kumunot naman ang noo niya. Pero maya maya pa ay lumabas siya ng silid.

"Kamusta na ang pakiramdaman mo anak?" tanong naman ng lalake, siya diba ang tatay ko?

"Ayos naman po" kalmang tugon ko.

"Mabuti naman"

Hinimas himas niya ang buhok ko at hinalikan ako sa ulo.

"Natatakot akong mawala ka samin anak. Hindi namin makakayanan yun ng ina mo. Sa loob ng labindalawa't pitong taon ay naging mabait kang anak saming dalawa. Kaya magpagaling ka anak ha"

Napangiti ako. Nakakaramdam ako ngayon ng.... saya. Pakiramdam ko kase mahal ako ng dalawang taong ito.

Maya maya pa ay bumukas ang pinto. May kasama si inay na doktor.

1854, It's HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon