"Theo-"
"Huwag mo akong hawakan" saad niya.
Nandito kami ngayon sa ilog. Hindi ako pinansin magdamag kanina ni Theodore. Pero sabi niya mag-uusap daw kami dito. Eh ayaw niya naman akong kausapin.
"Nagkakamali ka sa iyong iniisip. Simpleng yakap lang ang aking ibinigay kay Isagani" pagkukumbinsi ko sakanya.
Nakaupo siya sa isang malaking bato habang nasa likuran niya ako.
"Sadyang napakalapit niya sayo sapagkat tinatawag mo siya ng kanyang pangalan" tugon niya.
Napatulala ako. Nasanay akong hindi na gumagamit ng 'Ginoo' sakanila. Isa lamang pala akong dukha sa panahon na ito.
"Magkaibigan kami. Hanggang doon lang iyon. At... alam niya na umiibig ako sayo" saad ko.
Hindi siya umimik. Nakatingin lang siya sa ilog. Umupo ako sa tabi niya. Hinawakan ko ang kamay niya na ikinagulat niya.
"Mahal" malambing na sabi ko.
Umiwas siya ng tingin at inilayo ang kamay niya sakin.
"A-ayokong tinatawag mo akong mahal" saad niya.
Napaisip naman ako.
"Anong gusto mong tawagan natin? Love? Babe? Baby? Sweetheart? Honey? Sugarpie? Nah over used na yan eh" saad ko.
Napalingon ako kay Theodore na nagtatakang tumingin sakin. Ok ayaw ko nang magsalita ng malalim na tagalog.
"Huwag mo nalang isipin. Wala namang tayo" tumayo ako at naglakad pabalik.
Nagulat ako nang ipinulutpot niya ang kamay niya sa bewang ko at isinandal niya ang ulo niya sa balikat ko.
"Sinta ko" saad niya.
Naramdaman ko ang mahinang pagtibok ng puso ko. Napakasarap sa pakiramdam. Gusto ko manatiling ganito na lang kami.
Maya maya pa ay umalis na siya sa posisyon niya.
"Paumanhin sa aking inasal. Ako'y hindi dapat manibugho" nagpapacute effect pa siya.
"Aking akala na wala kang tiwala sakin" pag-iinarte ko.
Hinawakan niya ang kamay ko, at hinalikan niya ito.
"Malaki ang tiwala ko sayo, aking sinta" matamis na tugon niya.
Naglakad kami na nakaholding hands. Hanggang makakita kami ng tao. Binitiwan ko ang kamay niya. Napakalaking problema ito.
Then bigla kong naalala. Paano kung... malaman nina Don Edilberto at Doña Floribeth? Matutulad din ba sakin ang nangyari kay Mirasol?
Paano na si inay? Doon siya nakakakuha ng malaking sahod. Si itay? Nagtatrabaho sa paimprintahan ng diyaryo si itay. Nasabi sakin ni itay na matalik na kaibigan ni Don Edilberto ang may-ari ng paimprintahan nd diyaryo.
Hindi ko sila tunay na kadugo, pero minahal ko sila. Sila ang unang tao, na nagparamdam sakin na mahalaga ako. Na may taong andyan at nagmamahal sakin. Parang.... tunay ko na silang pamliya.
Oras ng siesta nang makarating kami sa mansion ng Salvador. Agad umakyat si Theodore dahil pinapatawag siya ng tatay ama nito.
Ako naman ay dumiretso sa kubo namin. Si inay ay umuwi. Nilalagnat daw si Joselito. Ayaw pa sana umuwi ni inay dahil marami na ang araw na hindi siy nakapasok. Pero pinayagan naman siya ni Doña Floribeth.
Si Dora lang ang kasama ko dito. Nakatulala siya ngayon. Malungkot siya. Hindi ang Dora na nakasanayan ko.
"Dora-"
"Isadora ang aking pangalan" malamig na tugon niya.
Napakamot ako ng ulo. May kuto- charot. Hindi lang ako sanay na ganito siya. Noon wala naman siyang pake kapag tinatawag ko siyang Dora.
"May suliranin ka ba? Nandito ako para makinig" saad ko.
Napayuko naman siya.
"Naranasan mo na ba na..... maiwan ng magulang?" malungkot na tugon niya.
"Yung iniwan ka lang nila sa palengke. Walang malay. Nag-iisa. Naluluha. Naranasan mo na yun? Ako kase oo" pinipilit niyang hindi umiyak.
"Napakahirap nang pinagdaanan ko kahit musmos pa lang ako. Ako'y pinagpasa-pasahan nang mga pamliya. Walang gustong kumupkop ng isang sanggol na maraming sakit. Sa edad na 12 anyos, ako'y ginahasa"
Napatingin ako sakanya na gulat.
"Ang masaklap, sariling ama ko pa ang bumaboy sakin" nagsimulang tumulobang luha niya."Oo kinuha niya ako at bumalik sa bahay. Ang ina ko, may ibang katipan na. At araw araw akong kumakayod. Kumukuha ako ng labahan sa mga kapitbahay, naglilinis ako ng mga bahay, tumutulong sa pagsasaka, pero lahat ng aking kinikita ay napupunta lamang sa bisyo ni itay"
Hindi ko alam ano ang sasabihin ko.
"Naranasan mo ang lahat ng iyon?" tanong ko.
Napangiti siya ng mapait at tumango.
Naguilty ako. Nagkaroon ako nang masalimuot na buhay, pero hindi katulad nang naranasan ni Isadora.
"Hindi mo ba inisip, na patayin ang iyong sarili?" alam kong hindi ko dapat tanungin to, pero kusang lumabas ito sa bibig ko.
"Oo. Ilang beses kong sinubukang bigyan ng hangganan ang aking buhay. Ngunit, naniwala ako sa diyos. Na lahat nang nangyayari sa aking buhay ay pagsubok lamang. At tama nga ako. Noong nasa palengke ako at pinapalo ako ni itay, namataan ako ni Don Edilberto. Kinuha niya ako bilang kasambahay. At nagsimulang bumuti ang aking buhay. Nahanap ko din ang aking kasintahan na nagbibigay nang saya sakin, na si Crisanto" saad niya.
Naawa ako sakanya. Bata pa siya nang naranasan niya iyon.
"Galit ka ba sa mga magulang mo?"
Hays Cassandra! Alam mo naman ang sagot bakit ka pa magtatanong.
"Hindi" gulat akong napatingin sakanya.
"Gusto kong magalit sakanila. Gusto kong sumbatan sila kung bakit yun ang trato nila sakin, ngunit nananaig sa loob ko na mahal ko sila. Wala ako sa mundong ito kung wala ang aking mga magulang. Hindi. Hindi ako galit. Walang poot ang naninirahan sa aking puso" ngumiti siya.
Natahimik ako. After all na ginawa ng magulang niya sakanya, hindi siya galit sakanila?
Napaisip ako. Napatawad niya ang mga magulang niya, pero ako? Hindi ko alam kung mapapatawad ko sila. Ni hindi ko nga alam kung makakabalik pa ako sa kasalukuyan eh.
Pinapatahan ko si Isadora nang lumapit pa ang isang kasambahay na hapong hapo.
"Si G-ginoong The-odore" hinihingal siya.
Agad akong napatayo.
"Bakit? Anong nangyari sa señor?" nag-aalalang tanong ko.
"Naaksidente siya, m-may dugo"
Natigilan ako. Naistatwa ako sa kinatatayuan ko. Biglang tumaas ang balahibo ko. Naalala ko ang sinabi ng matanda sakin noong sa panaginip ko.
"May mangyayari. Dadanak ang dugo. Hiwalayan mo na ang lalakeng iyon kung ayaw mong mapahamak, Cassandra"
Hindi maari. Mali ang aking iniisip.
Itutuloy.......

BINABASA MO ANG
1854, It's Him
Historical Fiction(Completed) TW: SU1C!DE Sa buhay ng isang tao, parati nating iniisip ang mga dahilan kung bakit hindi dapat sumuko sa buhay. Ngunit minsan ay hindi na tayo nakakahanap ng rason upang patuloy na mamuhay pa. Kilalanin si Cassandra Macalipay, isang ba...