Kabanata 9

500 31 3
                                    

Kabanata 9





"Theodore anak, nais kong pakasalan mo si Binibining Patricia" tugon ni Don Edilberto na nagpanganga saken.

"NOOOOOO!" sigaw ko.

Dahil sa sobrang ingay ng pagsigaw ko eh nabaling sakin ang atensyon nilang lahat.

"Este doon! Inay maari ba akong pumunta roon?" sabay turo sa hardin.

"Ah maari naman anak" nagtatakang tugon ni inay.

Nagbigay galang ako at kumaripas ng takbo papuntang labas ng mansyon. Hinihingal ako habang umupo sa isang silya. Ano ba yan! Bat ba ako nagreact sa sinabi ni Don Edilberto? Eh wala naman dapat akong pake diba?

Hayst! Nase-stress na ako ngayon. Gusto kong pumunta sa lupain ng bulaklak- wait! Pwede naman talaga akong pumunta roon. Babalik na lang ako kaagad para hindi ako pagalitan ni inay.





Naglalakad ako nang makarinig ako ng mga yapak sa likuran ko. Nilingon ko iyon pero wala namang tao sa likuran ko kaya nagpatuloy na lang ako sa paglalakad. Narinig ko na naman ang yakap kaya mas binilisan ko ang paglalakad, omagash! Baka may creepy stalker ako huhuh.

Hindi pa rin nawawala ang yapak kaya kumaripas ako ng takbo. Hindi pa ako nalalayo ay may humatak ng braso ko. Napatingin ako sakanya. Si Isagani.

"G-ginoong Isagani? Ano pong ginagawa niyo rito?" nagtatakang tanong ko.

"May gusto lang sana akong sabihin" sagot niya.

"Maari bang sa susunod na lang ginoo? Feeling ko may sumusunod saken" sabi ko sabay paglinga linga.

"Fi-filing?" nakakunot noong tanong niya.

"Ahmmm, ano, may sumusunod saakin" palusot ko na lang.

Nakita ko siyang tumawa.

"Ako ang sumusunod sayo binibini, ibig kang makita ng aking nakakabatang kapatid. At may sasabihin rin ako sayo"

"Ah ganun ba" tugon ko at nagsimulang mag-isip.

"Eh paano kung ayaw ko?" nakataas kilay kong sagot.

Napatawa siya ulit.

"Maari mo bang tanggihan ang kagustuhan ng iyong matalik na kaibigan?"

Napaisip ako ulit. Oo nga no? Ang sama ko naman kung tatangihan ko si Binibining Patricia. Magkaibigan naman kasi kami at napakabait niya sakin. Siya lang ang kaibigan ko except kay Dora na parating nakikipagkita kay Boots.

"Nais ko rin sanang makita siya, ngunit hindi pa ako nakakapagpaalam kay ina" sambit ko naman.

"Ipagpapaalam kita" sagot niya sabay ngiti.

"Nah, kaya ko ang sarili ko. Sige na mauuna na ako ginoo" sagot ko sabay lakad pabalik.

"Sasamahan na kita"

Hindi ko na siya sinagot at nagpatuloy lang maglakad. Attitude kase ako guys, pabayaan niyo na.

Sayang rin at hindi ako nakapunta sa lupain ng bulaklak, bahala na. Mamayang magtatakipsilim na lang ako aalis para mas maganda ang view.
















Nakarating ako sa mansyon at agad kong nakita si inay na pabalik balik ang lakad.

"Inay! Anong nangyari?"

Nang makita ako ni inay ay agad siyang tumakbo at niyakap ako.

"Jusko anak! Saan ka nanggaling? Nababalisa na kami kakahanap sayo"


1854, It's HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon