Kabanata 7
Hindi ako makatulog at pagulong gulong lang ako sa kama ko ngayon. Binibabagabag pa rin ako ng sinabi ni Ginoong Theodore.
"𝘔𝘢𝘢𝘳𝘪 𝘮𝘰 𝘣𝘢 𝘢𝘬𝘰𝘯𝘨 𝘵𝘶𝘭𝘶𝘯𝘨𝘢𝘯 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘮𝘢𝘩𝘢𝘯𝘢𝘱 𝘢𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘣𝘢𝘦𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘨𝘮𝘢𝘮𝘢𝘩𝘢𝘭 𝘴𝘢𝘢𝘬𝘪𝘯?"
Sa lahat pa ng pwede niyang sabihan nun, ako pa? Di naman kami ganun ka close ha! Tsaka, dumadating yun hindi mo naman hahanapin tsk.
"May bumabagabag ba sa isipan mo anak? Bakit hindi ka makatulog?" natauhan ako nang magsalita si ina.
"Wala naman po inay, sadyang hindi pa ako inaantok"
Tumango si inay at hinalikan ang noo ko.
"Sige na, pero kapag dinalaw matulog ka. Maaga pa tayong aalis bukas dahil maglalaba tayo sa ilog" saad ni inay.
Agad naman akong napangiti ng malawak.
"Talaga inay?"
"Oo, kaya't matulog ka dahil maaga pa tayo bukas"
Tumango na lang ako at sinibukang matulog. At guess what! Nakatulog ako.
Alas sais na ng umaga at nagbibihis na ako dahil aalis na kami ni inay. Nang matapos na akong magbihis ay agad akong lumabas sa kubo at nakita kong nasa labas na si inay.
"Tayo'y humayo na anak" tugon niya. Tumango na lang ako.
Paglabas namin nang gate ay bumungad saamin agad ang sariwang hangin. Medyo mahamog pa ang kalsada at malamig ang simoy ng hangin. May iilang mga kalesang dumadaan at may ilang mga tao rin ang naglalakad.
"Ina, saan ba dito ang ilog?" tanong ko kay ina habang nilingon lingon ko ang paligid.
"Malapit ang ilog sa lupain ng bulaklak. Doon tayo maglalaba"
Napatango ako at napangiti ng malawak. Madadaanan ko na naman ang paborito kong place dito sa panahong ito. Na curious ako bigla kung ano na ang lugar na to sa taong 2020?
Naglalakad kami nang mahagip ng paningin ko ang isang kalesa na paparating banda sa amin. Di ko na lang yun pinansin. Pero nagulat ako nang huminto ang kalesa sa tapat namin at lumabas ang isang lalake mula rito.
"Ginoong Isagani?" gulat na tanong ni ina pero ngumiti rin siya.
"Magandang umaga po Manang Emelda" sabi naman niya at nagbigay galang kay ina. Ganun rin ang ginawa ni ina.
"At magandang umaga rin sayo Binbining Cassandra" sabay bigay galang.
Pero di ko siya pinansin. Siniko naman ako ni ina dahilan ng pagkakunot ng noo ko. Binigyan niya ako ng magbigay-galang-ka-look. Naalareto naman ako at nagbigay galang.
"Saan kayo magtutungo manang?" tanong naman ni Ginoong Isagani sabay ngiti.
"Sa ilog lang po Ginoo, maglalaba kami ng aking anak"
"Kung ganon ho, maari kayong sumakay sa aking kalesa" magalang na tugon niya.
"Naku, wag na po señor, maglalakad na lang po kami"
"Sige na manang Emelda, mas mabuting sumakay na lang kayo sa kalesa para hindi kayo mapagod. Lalong lalo na ang binibini" saad niya sabay tingin at ngiti sakin.
I-erapan ko sana siya pero ang panget naman kung ganon.
"Wag mo sanang masamain ginoo, ngunit mas gusto naming maglakad. Pag-ehersisyo na namin yun" magalang na tugon ko. Napahinga naman siya ng malalim.

BINABASA MO ANG
1854, It's Him
Historical Fiction(Completed) TW: SU1C!DE Sa buhay ng isang tao, parati nating iniisip ang mga dahilan kung bakit hindi dapat sumuko sa buhay. Ngunit minsan ay hindi na tayo nakakahanap ng rason upang patuloy na mamuhay pa. Kilalanin si Cassandra Macalipay, isang ba...