Kabanata 12

505 31 4
                                        







Lumipas ang mga araw at pasko na. Nandito kami at naghahanda para sa Noche Buena mamayang gabi. Sabi ni Don Edilberto, maari daw kaming umuwi mamayang gabi para magdiwang ng pasko sa bahay, hanggang sa bagong taon.

Sabi nga ni inay, dito daw kami kapag sumapit ang bagong taon. Dahil daw magpapalaam siya na hindi kami magtatrabaho sa kaarawan ko. Pumayag naman si Don Edilberto.

Hindi ko pa nakikita si Theodore simula noong kaarawan niya. Nagtungo daw siya sa bahay ng kaibigan niya. Pero dalawang araw na siyang hindi umuuwi.

Naluto na ang lahat ng pagkain at nalinis na namin ang hapag kaya pinayagan na kami ni Don Edilberto na umuwi sa aming kababayahan.

"Tayo'y humayo na" tugon ni inay at sinuot ang balabal niya. Gabi na kami nakauwi. May curfew din ngayon, mas maaga nga. Pero wala masyadong sundalo na rumoronda sa daaanan namin.

Hawak ni inay ang isang lampara habang naglalakad kami pauwi. Naglalakad lang kami dahil wala nang mga kalesa na bumabyahe ngayon.

Nagulat kami nang may kalesa na huminto sa tabi namin. At bumungad samin si Isagani.

"Ginoong Isagani?" nagtatakang tanong ni inay.

Hinubad ni Isagani ang kanyang sumbrero at itinapat sa kanyang dibdib para magbigay galang.

"Magandang gabi po sainyo, manang Emelda" nakangiting tugon niya.

Napatango lang si inay.

"Anong ginagawa mo dito iho? Gabi na" tugon ni inay.

"Maari ba akong makikain sainyo ngayong pasko? Ang aking mga magulang ay nagtungo sa timog kahapon. Kasama ko ngayon ang aking nakakabatang kapatid" saad niya habang nakakamot sa batok.

"Maari naman ginoo" saad ni ina.

Napangiti si Isagani at sinabi niyang sumakay na daw kami ng kalesa para mas mapabilis ang pagdating namin sa bahay. Ayaw sana ni inay kaso mapilit si Isagani.

Tahimik lang kami sa buong byahe pero napapansin ko ang madalas na pagsulyap sakin ni Isagani kaya medyo nailang ako.

Nang marating namin ang bahay ay agad akong lumundag pababa. Nagulat nga si inay eh. Ayaw ko kaseng ihalad ni Isagani ang kamay niya para tulungan akong bumaba.k

Habang naglalakad ay nakakapit lang sa braso ko si Patricia. Kinukwento niya na ngayong mga araw ay parang hindi na niya nararamdaman ang paghanga niya kay Theodore.

Sabi niya daw na nagkita sila ng anak ng Gobernadorcillo. Sabi niya daw humahanga siya sa lalakeng iyon. At tapos nun ay bigla akong may naalala.

"Patricia" pagtawag ko sakanya.

Hindi na ako gumagamit ng binibini dahil ayaw niya daw yun. Naglalakad kami papunta sa bahay dahil hindi na makakapasok ang kalesa dito. Iniwan lang nila iyon sa tabi ng puno.

"Ano iyon?" tanong niya.

"Noong kaarawan ni Theo- Ginoong Theodore, aking nakausap si Ginoong Mateo. Ibig niyang umakyat ng ligaw" tugon ko sakanya.

Bigla naman siyang namula. Alam kong gusto niyang sumigaw dahil sa kilig pero ayaw niyang mahalat siya ng kiya niyang si Isagani.

"Maari mo ba kaming tulungan?" animoy kinikilig na tugon niya.

Napa-isip naman ako.

"Pakiusap" tugon niya ulit.

Napahinga ako ng malalim at tumango.













1854, It's HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon