Walang ekspresyon akong naglalakad patunggong mansyon ng pamliya Salvador. Namumula pa nga yung mukha ko eh, mula sa sampal ng bruhang yun.
Kung nasa modern world ako ngayon, masasabunutan ko na ang babaeng yun. Kaso, sa pagkakabihis niya kanina, sa tingin ko eh nasa mataas na rangko ang pamilya niya. Ayaw ko namang sirain ang magandang reputasyon ng totoong Cassandra. Haysss.
Naglalakad ako nang marating ko ang lupain ng mga bulaklak. Magtakipsilimna at kulay kahel na ang langit na nagpapadagdag ng kagandahan sa lupain ng rosas. Psh, naalala ko naman si Theodore- ay ERASE! ERASE!
Aalis na sana ako nang marinig ko ang pamliyar na boses niya.
"Sandra?"
Nilingon ko siya ng nakakunot ang noo.
"Sandra? Cassandra ang pangalan ko, hindi Sandra"
"Palayaw mo yun" nakangiting tugon niya.
"Ako lang ang may karapatang magbigay ng palayaw sa sarili, kung hindi mo mararapatin ay aalis na po ako, ginoo" sarcastic na tugon ko na nagpalapad ng ngiti niya.
"Haharanahin ko si Soleng ngayon" napahinto ako sa paglalakad.
"Soleng?"
"Si Binibining Mirasol, ang kanyang palayaw ay Soleng"
"Ngunit-"
"Siya ang nagsabi sakin na tawagin ko na siyang Soleng. Dahil magkaibigan naman kami"
"Ok fine" sabi ko at tinalikuran ko siya.
Maya maya pa ay naramdaman konng nasa tapat ko ma siya habang naglalakad.
"Napapansin kong may kakaiba kang mga sinasabi na hindi ko maintindihan. Sabihin mo nga, nagmula ka ba talaga dito?" tanong niya. Napatigil akong maglakad.
"Hindi. Hindi ako nagmula rito" sabi ko at nagpatuloy sa paglalakad.
Hindi naman talaga ako taga taong 1854, nagmula ako sa taong 2020. Amg buhay ko sa taong yun ay napakasakit, or should I say buong buhay ko.
Pero ngayon sa taong to, nahanap ko ang pagmamahal ng pamilya. Naranasan kong mabuhay nang payapa. Na walang huhusga sayo dahil sa mga ginagawa mo.
"Eh bakit narito ka ngayon?"
"Tanungin mo ang tadhana" sabi ko at pumasok na sa loob ng mansyon habang nakakunot pa rin ang noo ni Theodore sa labas.
(Now Playing: Sa Isang Sulyap Mo)
Alas otso na at narito kami sa kubo para sa mga tagapagsibli. Umuwi si inay dahil may sakit daw si Joselito. Ako si Mirasol, Perlah (kasambahay), at Tala (kasambahay rin).
Nagbuburda sila ngayon habang ako naman ay nagbabasa lang. Syempre, di ako marunong magburda eh. Naalala ko nga noong grade 4 kami eh nakailang palo ako kay mama dahil ang baba ng grade ko sa epp namin. Pagtatahi kasi ang project eh d- -b
Mahilig pala ang totoong Cassandra magbasa ng libro tungkol sa agham. Magkaiba kami, gusto ko kase ng history eh.
"𝗕𝗮𝗸𝗶𝘁 𝗸𝗮𝗽𝗮𝗴 𝗸𝗮𝘀𝗮𝗺𝗮 𝗸𝗶𝘁𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝘂𝗻𝗱𝗼 𝗸𝗼'𝘆 𝗻𝗮𝗴-𝗶𝗶𝗯𝗮"
Napatigil kami sa mga ginagawa namin nang marinig ang kanta.
"𝗕𝗮𝗸𝗶𝘁 𝗸𝗮𝗽𝗮𝗴 𝗸𝗮𝗽𝗶𝗹𝗶𝗻𝗴 𝗸𝗶𝘁𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝘂𝘀𝗼 𝗸𝗼'𝘆 𝘀𝘂𝗺𝘂𝘀𝗶𝗴𝗹𝗮"
BINABASA MO ANG
1854, It's Him
Historical Fiction(Completed) TW: SU1C!DE Sa buhay ng isang tao, parati nating iniisip ang mga dahilan kung bakit hindi dapat sumuko sa buhay. Ngunit minsan ay hindi na tayo nakakahanap ng rason upang patuloy na mamuhay pa. Kilalanin si Cassandra Macalipay, isang ba...