"Ikaw"
Naramdaman ko na naman ang hindi mawaring pagpintig ng puso ko.
"H-ha?"
Kabadong tanong ko.
"Ikaw, sino ang iyong napupusuan?"
Napasimangot ako. Bat ba nag e-expect pa ako? Hayst.
"W-wala. Wala akong napupusuang gjnoo"
Sabay iwas ng tingin. Tumango na lang siya.
"Sandali, hindi mo pa sinasabi saakin kung sino ang iyong napupusuan"
Pagsingit ko sakanya. Napangiti na lang siya.
"Sabihin na lang natin, na hindi pa ako nakakasiguro kung ano ba talaga ang aking nararamdaman sa binbining ito. Dahil sa pagkakaalam ko, nagmamahal na ako kay Soleng"
Sambit niya na ikinagulat ko. Ano ba yan! May part pa pala si Soleng sa kwentong ito? Akala ko extra lang siya. Chos!
"Nga pala, nagkita na ba kayo ni Soleng? Kamusta na siya?"
Tanong ko sakanya.
"Sa awa ng dyos, nakakaraos rin sila ng kanyang pamilya. Ayos naman ang kanilang kalagayan. May naipon rin ang kanyang ina bago sila mawalan ng trabaho. Sa aking narinig, magtatrabaho sila sa Pamilya Reyes. Pamilya ni Ginoong Isagani at Binibining Patricia"
"K"
Tanging sagot ko lanb tapos nauna nang maglakad. Nararamdaman kong sumusunod lang siya sa yapak ko.
Hmmm, ang boring, mag-isip kaya ako. Pero ano ang iisipin ko? Sige ano na lang, yung babaeng tumulak saakin noon sa kalesa at kasintahan raw ni Isagani. Ano nga ulit pangalan nun?
"Binibining Sampaguita?"
Narinig kong sambit ni Theodore. Nakayuko kase ako kaya napatingala ako.
May nakita akong maganda- pero gaga.
Oo guys, yung kasintahan raw ni Isagani ang nakita ko.
Tas ano raw? Sampaguita ang pangalan?
Bakit ba parating bulaklak ang pangalan ng mga kontrabida dito? Char.
"Sampaguita?" takang tanong ko.
"Cassandra?" Kunyaring tanong ni Sampaguita raw.
"Magkakilala kayo?" tanong naman ni Theodore.
Nasa pagitan kasi namin siya.
"Oo, siya ang umagaw kay Isagani!" at akmang sasabunutan ako pero humarang kaagad si Theodore.
"Anong ibig sabihin mo binibini?"
"Siya!" turo niya saken
Nagtataka akong napaturo sa sarili ko.
"Inagaw niya sakin si Ginoong Isagani!" sabay tingin sakin ng matalim.
Naglakad ako papalapit sakanya.
"Binibining Cassandra, umalis ka na. Masasaktan ka lang ni Binibining Sampaguita"
"Ayos lang ako. Sanay na akong masaktan, manhid na nga ako eh" sabay tulak sakanya papalayo.
Akmang sasabunutan na ako ng bruha kaya pinatid ko na siya. Yan tuloy nasa lupa siya habang hinahawakan ang balakang niya. Mukhang nabali.
Ok lang kung ipakulong ako ng magulang neto, at least quits na kami.
BINABASA MO ANG
1854, It's Him
Narrativa Storica(Completed) TW: SU1C!DE Sa buhay ng isang tao, parati nating iniisip ang mga dahilan kung bakit hindi dapat sumuko sa buhay. Ngunit minsan ay hindi na tayo nakakahanap ng rason upang patuloy na mamuhay pa. Kilalanin si Cassandra Macalipay, isang ba...