Kabanata 15

392 18 0
                                    


Dali dali akong tumakbo papunta sa kwarto niya. Natapilok pa ako kaya nagkasugat ako pero wala akong pake.  Agad kong binuksan ang kwarto ni Theodore at iniluwa siya----

Nakaupo na nagbabasa ng libro habang may gumagamot sa sugat niya.. sa tuhod. Napakunot ang noo ko.

Mukhang gulat din siyang napatingin sakin.

"Tama nga ang aking pakiramdam! Mayroon kayong lihim na relasyon!" saad ni Diwa, isa sa mga kasama kong kasambahay.

Naaptikhim ako.

"Ika'y bay nahihibang? Bakit naman magkakaroon ng katipan na alipin ang ating señor" buwelta ko.

Napataas siya ng kilay.

"Si Mirasol ay naging kasintahan din ni Ginoong Theodore, hindi po ba señor?" panunukso niya.

"Hindi kaaya aya ang iyong pananalita sa señor, humingi ka ng patawad" pananakot ko sakanya.

Magsasalita pa siya pero agad akong nanigas nang may humawak ng kamay ko. Dahan dahan akong napalingon sakanya.

"Sinta ko... ayokong itago pa ang ating relasyon. Mahal kita, mahal mo ko. Aking napagtanto na hindi kasalanan ang pagmamahal. Wala tayong kasalanan kaya hindi natin ko kailangang itago" mahinahong saad niya.

Hindi ko alam pero kinilig ako dun. Eto ba? Yung nakikita ko sa TV na pinagtatanggol ng lalake ang babae sa magulang nila?

"Totoo ba ang aking naririnig, anak?"

Agad kong binitawan ang kamay niya nang marinig ko ang boses ni... Doña Floribeth.

Napayuko din si Theodore.

"Opo ina" saad niya.

Aish, paano na to? Masisisante din ba si inay? Papalayasin niya ako? Hindi na nila ako ituturing na anak? Maghihirap na kami? Nooooooo!

Lumuhod ako.

"Sinta ko" tutulangan niya sana akong tumayo pero pinigilan ko siya.

"Paumanhin kung nagkaroon ako ng lihim na relasyon sa inyong anak, doña. Hindi lingid sa aking kaalaman na hindi ito kaaya-aya sa mga taong bilang sa alta sociedad kagaya sainyo. Subalit wag niyo sanang bawian ng trabaho ang aking inay, ito lamang ang paraan ng pagkikita namin. Gagawin ko po ang lahat.... ngunit hindi ko kayang hiwalayan ang anak niyo.." napalingon ako kay Theodore.

"Mahal ko siya" saad ko.

Napayuko agad ako. Nanatiling tahimik kaming lahat.

"Sumunod ka sakin" saad ni Doña Floribeth at umalis na ng kwarto.

Kumakabog ang puso ko sa matinding kaba habang naglalakad ako sa pasilyo. Nandito kami sa veranda. Napatingin siya sakin. Ngumiti at.... niyakap ako.

"Sabi ko na nga ba! Mahal mo ang aking anak!" natigilan ako.

"Hindi po kayo galit?" kinakabahang tanong ko.

"Bakit naman ako magagalit? Ikaw ang unang binibini na lumuhod para Lang sa aking anak. At noon pa man, nais na kita para sakanya" ngumiti siya.

"Pero... bakit po noong nalaman niyo yung tungkol kay Mirasol... nagalit kayo?" yumuko ako.

Napabunting hininga siya.

"Narinig ko ang usapan ng kanyang ina. Na gagamitin niya si Theodore para makaahon sila sa kahirapan" saad niya. Napatingin ulit ako sakanya.

"Pero ikaw, nakikita ko ang tunay na hangarin mo. Mahal mo si Theodore dahil... mahal mo talaga siya. Hindi dahil sa karangyaan o estado niya" hinawakan niya ang kamay ko.

1854, It's HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon