Kabanata 4

593 32 2
                                    



Tahimik lang kami habang nagalalakad pabalik sa mansyon. Kasi naman etong lalakeng to, psh. Nevermind.

Papasok na sana ako nang mabigla ako nang hawakan niya ang braso ko.

"Sandali"

Nagulat din siya at agad inalis ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Bakit ba kapusukan ang paghawak ng mga lalake sa mga babae na walang pahintulot sa panahon na ito? Psh.

"Ano yun?" masungit na tugon ko.

"Bakit ka ba nagsusungit?"

Napahinga ako ng malalim.

"Sabi mo diba hindi naman kita kailangang igalang kung tayo lang naman ang magkasama? Nasa kasunduan kaya natin yun" sabay irap sakanya.

Pasimple lang siyang ngumiti na ipangtaka ko naman.

"Bat ka nakangiti?" taas kilay na tanong ko.

"Masama ba?" pamewang na sagot niya.

May gad! Aakalain ko nang barbie to mamaya.

"Magandang gabi Ginoong Theodore"

Nagulat ako nang marinig yun. Napalingon kaming pareho sa nagsabi nun. Isang magandang babae. Maputi siya at makinis. Nakapusod ang buhok niya at nakasuot ng malinis at magandang kulay asul na baro't saya.

"Magandang gabi rin Binibining Patricia" sambit ni Theodore at hinubad ang sumbrero niya at tinatapat sa dibdib niya para magbigay galang.

Ako rin ay nagbigay galang sa magandang babae. Para manika ang mukha niya, ano kayang pakay niya dito? Hala! Kasintahan kaya siya ni Theodore? Pero paano na si Mirasol?

"Pumasok muna kayo binibini"

"Hindi na kailangan Ginoo, may importanteng sasabihin lang sana ako sayo" nakangiting tugon nito. Tapos napunta naman ang atensyon niya sakin.

"Maari bang iwan mo muna kami?"

Ngumiti ako at tumango. Pumasok ako sa bahay at dumiretso sa kusino kung saan naakita kong nagluluto ng hapunan si inay.

"Inay" nakangiting tugon ko at nagmano kay inay.

"Anak, tulungan mo ako dito sa niluluto ko. Para maihain na natin ito sa hapag" ngumiti ako at tumango.

Kaldereta ngayon ang iniluluto ni inay. Ang bango at nakakatakam ang itsura. Masayang hinihain ko ang pagkain sa hapag ng mga Salvador ngayon.

Tapos ay tumabi ulit ako kay inay. Maya maya pa ay nakita ko nang pumasok sa bahay si 'Ginoong' Theodore.

"Theodore, saan ka nanggaling?" tugon ni Don Edilberto.

"Sa labas ama, kinausap ko lang si Binibining Patricia" walang emosyong tugon niya.

"Bakit hindi mo inimbitahan siya papasok dito? Wala ka talagang galang sa mga babae kang bata ka"

Tumawa lang si Theodore.

"Ina, sa gwapo kong to? Isa lamang si Binibining Patricia sa nagkakagusto saakin. At sinabi ko na sa iyo inay, may napupusuan akong iba" sabay ngiti nito.

Umiling iling na lang si Donya Floribeth sa kapilyuhan nang kanyang anak. Psh. Mababaw rin pala etong si Theodore eh. Hindi ko nga naisip na pagtritripan niya ako kanina.

~Flashback~

"𝐁𝐢𝐧𝐢𝐛𝐢𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐂𝐚𝐬𝐬𝐚𝐧𝐝𝐫𝐚"

𝘓𝘶𝘣. 𝘋𝘶𝘣.

1854, It's HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon