Kabanata 11

487 31 3
                                        









Nasa kusina kami ngayon para magluto ng handa para sa kaarawan ni Theodore. Engrande ang kaarawan niya. Maraming darating na mga bisita, kasama na dun ang gobernadorcillo.

Si Don Edilberto ay isang mangangalakal dito sa bayan. Marami silang negosyo at nakakatulong sila sa mga dukha. Dahil sa koneksyon ni Don Edilberto, naging malapit siya sa mga opisyal ng pamahalaan.

Ang ibang mga kasambahay abala sa dikorasyon, ang iba naman ay sa paglilinis, at kami naman ay abala sa mga pagkain.

"Anak, isalang mo na yan sa pugon. May malalim ka bang iniisip kaya't ikay natutulala?" Nilingon ko si inay na abala ngayon sa paghiwa ng bawang at sibuyas.

"Wala naman po inay, isasalang ko na po ito" saad ko sabay lapag ng lutuan sa pugon.

"Saan ka nanggaling kagabi anak?" Tanong ni ina, at muntikan ko pang mabitawan ang lutuan.

"A-ano pong ibig niyong sabihin?" kunyaring walang alam na tugon ko.

Itinigil ni inay ang paghihiwa niya at lumapit sakin.

"Wala kang maiilihim saakin anak. Noong umalis ka ay nagising ako. Aking nadatnan na paalis ka ng mansion. Nakita ko rin na sinundan ka ni Señor Theodore, saan ka nanggaling Cassandra?" pagpapangaral sakin ni ina.

Napaiwas ako ng tingin kay inay at ako ang nagpatuloy ng paghihiwa ng mga sangkap.

"Sa tabi tabi lang po" palusot ko.

Narinig ko ang malalim na buntong hininga ni ina.

"Hindi lingid sa aking kaalaman na madalas kang pumunta sa lupain ng bulaklak. Alam kong galing ka doon. Pero ang aking pinagtataka ay bakit gabi ka pumunta roon? Alam mo bang delikado ang iyong ginawa?"

Napayuko ako.

"Paumanhin inay.." saad ko.

Naramdaman kong ang kamay ni inay. Napatingala ako sakanya.

"Hindi ko makakayanang mawala ka sa amin ng iyong itay anak. Kayo ni Joselito ang pinakamahalaga saamin. Noong nabagok ang iyong ulo ay naging maalahanin na kami ng iyong ama. Aking aasahan na hindi na ito mauulit" mahinahong tugon ni ina.

Tumango ako at niyakap siya.

"Ngunit aking ikinagagalit ay bakit kasama mo si Señor Theodore. Iyo bang alam na kapangahasan ang  ginawa niyong dalawa?"

Gulat akong napatingin kay ina.

"W-wala naman kaming ginawa"

Naging seryoso ang mukha ni ina.

"Ang iyong pag-iisip ay tila nagiging marumi na anak, hindi iyon kaiibig sa isang binibini"

Napayuko na lang ulit ako ulit.

"Pagpaumanhin mo po ina, pero totoo. Nagkausap lang kami sandali ni Ginoong Theodore"

"Bueno, iyong alahanin na tayo'y alapin lamang. Sila ay ating mga amo. Kailangan natin silang igalang"

Tumango ako.

Naglalakad ngayon ako papuntang palikuran nang maalala ko ang nangyari kagabi.




"𝘏𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘮𝘰 𝘯𝘢 𝘬𝘢𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘨𝘣𝘪𝘨𝘢𝘺 𝘯𝘨 𝘳𝘦𝘨𝘢𝘭𝘰.."

𝘕𝘢𝘱𝘢𝘭𝘪𝘯𝘨𝘰𝘯 𝘢𝘬𝘰 𝘴𝘢𝘬𝘢𝘯𝘺𝘢.

"𝘋𝘢𝘩𝘪𝘭 𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘥𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘮𝘰 𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘢 𝘣𝘶𝘩𝘢𝘺 𝘬𝘰, 𝘩𝘪𝘨𝘪𝘵 𝘯𝘢 𝘪𝘬𝘪𝘯𝘢𝘴𝘢𝘺𝘢 𝘬𝘰" 𝘵𝘶𝘨𝘰𝘯 𝘯𝘪𝘺𝘢 𝘯𝘢 𝘯𝘢𝘨𝘱𝘢𝘭𝘢𝘮𝘣𝘰𝘵 𝘯𝘨 𝘱𝘶𝘴𝘰 𝘬𝘰.

1854, It's HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon