"Sandali nga!" sigaw ko sakanila.
Nakita ko namang nagulat sila.
"Una 'Ginoong' Theodore, hindi maaring ikaw ang mag desisyon para sa akin. Ako'y alipin mo lamang ngunit may kakayahan rin akong mag desisyon sa aking sarili" saad ko habang nakaharap kay Theodore.
Napaharap naman ako kay Isagani. Ay nakangiti na parang timang.
"Pangalawa Ginoong Isagani, wag mo sanang masamain ngunit ayaw ko munang magpaligaw. Hindi pa ako handa sa pag no-nobyo at pagkakasalan. Sana maintindihan niyo po yun" magalang na tugon ko kay Isagani.
Nakayukong umalis ako pagitan nila nang magsalita ulit si Isagani.
"May iba ka bang napupusuan?" saad niya nang may malungkot na tono.
Napatigil ako. Wala naman akong napupusuan diba? Lumingon ako sa kanila. Agad nagtama ang paningin ko kay Theodore.
𝘓𝘶𝘣. 𝘋𝘶𝘣.
Napa iwas ako ng tingin at tumingin kay Isagani.
"Wala" diretsong sagot ko at tuluyan nang pumasok sa mansyon. Nang makarating ako sa kusina agad akong lumapit kay ina.
"Inay, maari ba akong magpahinga?"
Nag-aalalang tumingin sa akin si ina.
"Masama ba ang iyong pakiramdam anak?"
"Opo" tugon ko.
"Sige maglalaga ako ng-"
"Wag na po inay, pagod lang siguro ako"
Napa buntong hininga si inay.
"Sige magpahinga ka"
Tumango ako at pumunta sa kubo. Pagsarado ko pa lang ng pintuan agad akong humawak sa dibdib ko. Bat ang lakas ng kabog nito? Lumalaki na ba to? Charot.
Pero totoo, kanina pa hindi umaawat ang pag kabog ng dibdib ko. Sa totoo lang di naman masakit ang pakiramdam ko eh, ayaw ko lang mag trabaho at makita si Theodore.
Natatakot ako. Natatakot akong mahulog sa kanya. Natatakot ako na isang araw, gigising na lang ako nang siya na ang mahal ko. Natatakot akong masaktan.
Humiga na lang ako sa papag at sinubukang matulog. Mga ilang minuto rin nakapikit ang mata ko pero di ako makatulog. Alas singko pa lang naman. Napalingon ako sa mga gamit ko, nahagip ng paningin ko ang librong binili ko. Naisipan kong basahin ito.
Ang pamagat nito ay ' Ang Alamat Ng Rosas'. Mahilig kasi ako sa rosas na kulay rosas kaya ito yung librong gusto kong bilhin.
𝘈𝘯𝘨 𝘈𝘭𝘢𝘮𝘢𝘵 𝘕𝘨 𝘙𝘰𝘴𝘢𝘴
𝘐𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘳𝘢𝘸 𝘯𝘢𝘯𝘨 𝘥𝘶𝘮𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘩𝘢𝘺 𝘴𝘪 𝘙𝘰𝘴𝘢 𝘢𝘺 𝘯𝘢𝘬𝘪𝘵𝘢 𝘯𝘪𝘺𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘴𝘢 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘯𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘮𝘢𝘯𝘪𝘭𝘪𝘭𝘪𝘨𝘢𝘸 𝘯𝘢 𝘴𝘪 𝘈𝘯𝘵𝘰𝘯𝘪𝘰 𝘯𝘢 𝘬𝘢𝘶𝘴𝘢𝘱 𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘯𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘮𝘢𝘨𝘶𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘵 𝘩𝘶𝘮𝘪𝘩𝘪𝘯𝘨 𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘩𝘪𝘯𝘵𝘶𝘭𝘰𝘵 𝘯𝘢 𝘮𝘢𝘯𝘭𝘪𝘨𝘢𝘸 𝘬𝘢𝘺 𝘙𝘰𝘴𝘢 𝘬𝘶𝘯𝘨 𝘴𝘢𝘢𝘯 𝘢𝘺 𝘮𝘢𝘴𝘢𝘺𝘢 𝘯𝘢𝘮𝘢𝘯 𝘴𝘪𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘪𝘯𝘢𝘺𝘢𝘨𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘮𝘢𝘨𝘶𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘪 𝘙𝘰𝘴𝘢 𝘢𝘵 𝘥𝘢𝘩𝘪𝘭 𝘯𝘢 𝘳𝘪𝘯 𝘴𝘢 𝘳𝘢𝘴𝘰𝘯 𝘯𝘢 𝘴𝘪 𝘈𝘯𝘵𝘰𝘯𝘪𝘰 𝘭𝘢𝘮𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘯𝘨 𝘭𝘢𝘭𝘢𝘬𝘪𝘯𝘨 𝘶𝘯𝘢𝘯𝘨 𝘶𝘮𝘢𝘬𝘺𝘢𝘵 𝘯𝘨 𝘭𝘪𝘨𝘢𝘸 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘯𝘪𝘭𝘢. 𝘈𝘯𝘨 𝘬𝘪𝘯𝘢𝘬𝘢𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨𝘢𝘯 𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘮𝘢𝘯 𝘯𝘢 𝘨𝘢𝘸𝘪𝘯 𝘯𝘪 𝘈𝘯𝘵𝘰𝘯𝘪𝘰 𝘢𝘺 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘱𝘢𝘵𝘶𝘯𝘢𝘺𝘢𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘢𝘳𝘪𝘭𝘪 𝘬𝘢𝘺 𝘙𝘰𝘴𝘢 𝘢𝘵 𝘱𝘢𝘴𝘪𝘺𝘢𝘩𝘪𝘯 𝘪𝘵𝘰.

BINABASA MO ANG
1854, It's Him
Historical Fiction(Completed) TW: SU1C!DE Sa buhay ng isang tao, parati nating iniisip ang mga dahilan kung bakit hindi dapat sumuko sa buhay. Ngunit minsan ay hindi na tayo nakakahanap ng rason upang patuloy na mamuhay pa. Kilalanin si Cassandra Macalipay, isang ba...