Inimulat ko ang mata ko. Medyo malabo ang nakikita ko. Ipinikit ko ulit ito at idinilat. Puro puti ang nakikita ko. Napatingin ako sa kamay ko na puno ng mga dextrose. May ginagamit din akong oxygen. Nasa ospital ako ngayon.
Wala na ako sa taong 1854.
Unti unti akong bumangon. Inalis ko ang oxygen. Bumakas ang pinto at iniluwa nito ang isang nurse, na gulat na gulat.
Nabitawan niya ang dala dala niya at tumakbo habang binabanggit ang "doc" na salita. Napabuntong hininga ako. Lahat ba na nangyari noon sakin..... isang panaginip lamang?
Kung panaginip iyon.... sana hindi na ako nagising pa.
Pumasok ang doctor na parang gulat na gulat. Agad naman nila akong sinuri. Pagkatapos ng pagsusuri nila, pinalabas ng doctor ang iba pang mga tao.
"Bakit gulat na gulat sila? Tch" sarcastic na sabi ko.
"You've been in comatose for over a year Ms. Macalipay" gulat akong napatingin sakanya.
"Anong.. anong taon na ngayon?" kinakabahang tanong ko.
"It's June 2021. Last year ka namataang nag suicide" saad niya.
Napa-iwas ako ng tingin.
"You've been suffering in depression and anxiety, bakit hindi ka nag-open up sa parents mo?" tanong niya.
"They don't care about me. Mas gusto naman nila akong mamatay" buwelta ko.
Napahinga siya ng malalim.
"Kung alam mo lang...." tumalikod siya.
"Alam ang ano?" kunot noong tanong ko.
"Hindi dapat manggaling sakin ang impormasyon na iyan." aalis na sana siya pero pinigilan ko siya.
"Tell me. I insist" pagpupumilit ko.
Napa buntong hininga siya at umupo sa silya.
"Hindi mahal ng mga magulang mo ang isa't isa. Hindi nila inaasahan na darating ka" saad niya. Tumingin siya sa bintana.
"Ang mama mo, ulilang pinagbili. Ginawa siyang katulong ng mga nag-ampon sakanya. Hanggang sa isang araw, pinilit siyang pakasalan ng papa mo" napatingin siya sakin na parang naawa.
"Pero may iba siyang mahal. At dahil dun, lumayas siya at bumukod kasama ang lalakeng iyon. Pero... hinanap sila ng lolo mo, ang ama ng papa mo, at pinatay ang lalakeng mahal ng mama mo"
Nakatitig lang ako sa kawalan habang nagkekwento siya.
"Ang iyong ama, mahal na mahal niya ang iyong ina. Ngunit, hindi ito matutugunan ng iyong ina. Ginahasa niya ang iyong ina. Kaya.... galit siya sayo" napatingin ako sakanya. Unti unting tumutulo ang luha ko.
"At ang iyong ama, ayaw niya ng babaeng anak.... at hindi na kailanman makakapanganak ang iyong ina. Kaya.... ni minsan ay hindi mo naramdaman ang pag-aaruga nila"
Biglang bumukas ang pinto, at pumasok... si mama at papa.
Nagulat ako nang yakapin ako ni mama. Gulat lang na nakatitig si papa.
"I'm sorry anak. I'm sorry kung nagkulang ako sayo, hindi. I'm sorry kung inabandona kita. Nagpadaig ako sa galit ko. Nais kong ikwento sayo ang nangyari-"
"Alam ko na po ang lahat" napayuko ako.
Tumango ang doctor at umalis ng kwarto. Napaupo si mama sa tabi ko.
"Noon.... ang nasa isipan ko ay ipahulog kita. Galit na galit ako noon sa papa mo. Hindi ko kasi inaakalang magagawa niya iyon" napatingin siya kay papa at hinawakan ang kamay nito.

BINABASA MO ANG
1854, It's Him
Fiction Historique(Completed) TW: SU1C!DE Sa buhay ng isang tao, parati nating iniisip ang mga dahilan kung bakit hindi dapat sumuko sa buhay. Ngunit minsan ay hindi na tayo nakakahanap ng rason upang patuloy na mamuhay pa. Kilalanin si Cassandra Macalipay, isang ba...