Kabanata 6

522 30 2
                                    






"Kuya Isagani?" takang tanong ko.

"Magkakilala kayo ng aking kuya?" gulat pero masayang tugon ni Binibining Patricia.

Nakita ko namang napangisi yung Isagani.

"Iyo bang naaalala na may napupusuan akong binibini?"

"Oo kuya, ibig mo bang sabihin na napupusuan mo si Sandra?" saad ni Binibining Patricia sabay takip ng bibig.

Ngumiti namn si Isaganing yun at tumango. Ako naman ang nagulat. So love at first sight really does exist? Pero bat ang corny? Ewwwww

"Ano ang aking narinig? Napupusuan mo ang isang alipin?" tugon ng isang boses sa likod namin.

Uh oh, it's Don Macario.

"Ama-"

"Lumayas ka sa pamamamahay ko, at ikaw Isagani, pumunta ka sa aking silid" saad ni Don Macario na ikinagulat naming lahat.

Aalma na sana sj Isagani ngunit wala naman siyang magagawa. Nagpaalam na lang ako kay Binbining Patricia na dismayado sa ginawa ng kanyang ama.

Sa totoo lang, hindi ko naman gusto ang Ginoong yun eh. Pero naiirita Lang talaga ako sa panahon na ito. Na hindi pwedeng magsama ang mga alipin at ang nabibilang sa alta sociedad.

Naglalakad ako pauwi sa masyon ng Salvador nang madaanan ko ang palengke. Bigla kong naalala ang librong gusto kong bilhin. May sapat na salapi naman ako dito kaya pumunta ako sa tindahan ng libro.

Pagbukas ko pa lang ang may bumungad na matandang lalake, kulubot na ang balat at may balbas. May suot siyang salamin at nag-aayos siya ng libro. Pagpasok ko ay ngumiti siya.

"Anong maipaglilingkod ko binibini?"

"Ama, mukhang siyang dukha, wala siyang sapat na salapi para bumili ng libro o materyales sa ating tindahan" saad naman ng isang babae na nakaupo sa isang upuan at nagbabasa ng libro.

"Huwag mo siyang pansinin, sadyang mapagmataas lang ang aking kapatid"

"Anong sabi mo?" galit na tugon ng babae.

"Ano ang iyong sadya Binbini?" tanong ulit ng babaeng maganda at medyo mataba.

"May bibilhan sana akong libro" saad ko at pumunta sa himpilan ng libro kung saan naroroon ang librong gusto ko. Buti na lang at naroon pa yun.

"Dalawampung tanso ang halaga ng librong iyan" maarteng tugon ng babae.

Ngumiti ako at inabot sakanya ang bayad ko na nagpalaki ng kanyang mata. Ngumiti ako sa babaeng kasama niya at nagpasalamat. Tumango lang ang babae.












Mga alas dos na nang makarating ako sa mansyon ng Salvador. Agad naman akong napangiti ng maabutan ko si inay na nagluluto ng suman.

"Inay!" saad ko at nagmano.

"Kamusta na po ang lagay ni Joselito?"

"Sa awa ng diyos eh maayos naman ang lagay ng iyong kapatid. Nga pala, saan ka nanggaling?"

"Dinala po kase ako ni Binibining Patricia sa kanilang mansyon. Basta mahabang istorya"

Kumunot naman ang noo ni inay pero tumango na lamang. Napunta ang kanyang atensyon sa libro na dala ko.

"Ah nabili ko po ito inay sa tindahan ng mga libro" masayang tugon ko.

"Ikinagagalak kong malaman na hindi pa rin nawawala ang pagkahilig mo sa pagbasa anak" tugon ni inay at inihimas ang ulo ko.




1854, It's HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon