Kabanata 2

740 35 0
                                    


"Pasensya na binibini, hindi kita nakita. Nagmamadali kasi ako eh. Ako nga pala si Theodore, pwede ko bang malaman ang iyong pangalan?"

"Tch. Old style"

Kumumot naman ang noo niya.

"Ano yung 'old stayl' binibini?"

Tinignan ko siya ng masama.

"Yan yang mga paraan niyong mga lalake eh. Yung kunyaring babanggain niyo ang babae tapos hihingi kayo ng patawad at hihingin niyo rin ang pangalan niyo" sabay irap ko sakanya.

Tumawa siya.

"Ipagumanhin mo binibini, pero hindi yan ang pakay ko. Hinihingi ko lang ang pangalan mo para makahingi ako ng pasenysa sayo"

Inerapan ko lang siya.

"Whatever"

"Ano yun binibini?"

Nagulat ako, shocks! Oo nga pala hindi sila nakakapagsalita ng english dito ngayong panahon. Ano ba yan Cassandra!

"Wala, aalis na ko"

"Teka lang binibini"

Hinawakan niya ang braso ko. Pero tinanggal niya agad. Mukhang nagulat siya.

"Pasenysa ulet binibini"

"Para saan?"

"Sa paghawak ng braso mo na hindi nagpapaalam"

Kumunot naman ang noo ko. So hindi pwede hawakan ng mga lalake ang mga babae kapag wala silang paalam? Ganun ba yun?

"Ok-este ayos lang. Sige na alis na ko"

"Teka lang binibini, maari ko bang malaman ang iyong pangalan?"

"Type mo ko no?" taas kilay kong sabi.

"Tayp?

Ano ba yan Cassandra! Pangalawa na yan ha!

"Gusto mo ko no?"

Tumawa naman siya.

"Ipagumahin mo ulit, pero may iba akong napupusuan binibini, at hindi iyon ikaw"

Ayan tuloy! Napahiya ako sayo.

"Wala akong pakialam. Aalis na ko"

"Teka! Hindi mo pa sinasabi ang iyong pangalan binibini"

Napahinga ako ng malalim. Hindi talaga titigilan ng lalakeng to ang pag-aalam sa pangalan ko no?

"Wala akong pangalan"

Tapos kumaripas ako ng takbo. Hinanap ko kaagad si inay. Nang mahanap ko siya eh nasa tindahan siya ng mga gulay.

"Inay!"

"Oh bakit hingal na hingal ka anak?"

"Wala inay, nakabili ka na ba dyan?"

Tumango naman siya. Kinuha niya ang paninda mula sa tindera at umalis na kami sa tindahan. Sabi ni inay ay sasakay raw kami sa kalesa, kanina kase naglakad lang kami.

Habang nakasakay kami sa kalesa ay nakadungaw lang ako sa bintana. Sobrang ganda pala ng maynila noong 19th century. Nadaanan namin ang manila bay, at sobrang linis pa nito.

Marami rin ang mga tanimang lupain dito. Malayong malayo ito sa maynilang kinalakihan ko sa 21st century.

Kung tutuusin mas pipiliin kong mabuhay na lang sa panahong ito. Napakasarap ng buhay, at may nagmamahal pa sakin dito.

1854, It's HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon