Chapter II

39 12 13
                                    

SKYE

Ngayon na ang araw na lalabas na ako dito. Natapos ng tanggalin ni Nurse Shenna ang dextrose ko at mamayang hapon ay pwede na kaming lumabas.

Naisipan kong bumili muna ng kape sa baba kaya bumaba ako gamit ang elevator.

Nagulat ako dahil may babae pala sa likuran ko. Hindi ko siya napansin kanina at hindi rin siya umiimik. Nakita kong may dala dala siyang isang stuffed toy pero butas ang isang mata.

Nakakabinging katahimikan...

Napansin ko ang kaniyang uniform ay kapareha ng uniform ng Exlind High.

Nasa 3rd floor na kami at ang 2nd floor ang ground floor ng hospital. Ang unang palapag kasi ay morgue na.

Nilingon ko siya.

"Estyudante ka ba ng Exlind High?" tanong ko.

Imbes na magsalita ay tumango lang siya.

"May gagawin ka ba sa unang palapag?"

"Yes" mahinahong sagot niya.

"Pero ang unang palapag ay..."

"May gusto akong ibigay"

Sasabihin ko pa sana kung ano ang unang palapag pero pinutol niya iyon.

"My poor other half... Is waiting for me there." dagdag niya

Nakaabot na kami sa unang palapag. Lumabas kaagad siya.

"Sandali lang"

Patuloy lang siya sa kaniyang paglalakad.

"Anong pangalan mo?" tanong ko.

Napatigil siya sa kaniyang paglalakad.

"Aurora..."

"Aurora Crisanta"

Pagkatapos niyang sabihin ang kaniyang pangalan ay pumasok na siya sa kwarto kung saan inilalagay ang mga katawan ng mga patay.

Pagkatapos bumili ng kape ay nakasalubong ko si Auntie Mara na nagbitbit ng isang plastik.

"Tulungan ko na po kayo Auntie"

Kinuha ko ang kaniyang dala at sabay na kaming pumunta sa kwarto ko.

"Okay ka na ba? Wala na bang masakit sa yo?" tanong niya.

Simula kahapon ay maayos na ang aking karamdaman at lunes na lunes ay maaari na akong pumasok.

"Maayos na po ako." sabi ko

Inilagay ko ang aking dala sa lamesa at umupo sa higaan.

"Nabalitaan kong may bisita ka pala kahapon?"

"Opo. Mga kaklase ko"

Naalala ko ang papel na nahulog ni Aliyah kahapon.

"Mabuti yan. Hindi ka pa nga nakakapasok eh may kaibigan kana." sabi niya habang hinihiwa ang dala niyang mansanas.

Kinuha ko ang papel na napulot ko at may nakita akong kakaiba na hindi ko napansin kahapon.

0.836289 // 0.617379

Nagtataka ako kung ano ang mga numerong iyan.

Hindi ito binary code kasi sa pag kakaalam ko ang binary code ay only consist of 2 numbers which is 0 and 1.

Which Is The Real OneWhere stories live. Discover now