Chapter XV

9 1 0
                                    

MISS HEART

"Paalam Tay!" sabi ko kay Lolo na humihiga sa higaan niya. May sakit si Lolo sa lungs niya tapos matanda na din kaya upo lang at higa ang tanging nagagawa niya. May tagabantay naman si Tatay, kahapon ko lang din siya nakuha kaya siya na bahala kay Tatay.


"Good Morning guys!" masigla kong bati sa mga fellow teachers ko sabay lagay ang mga gamit ko sa lamesa.


Maganda ang gising ko ngayon kaya masiglang masigla ang ako ngayon. Abot tenga ang ngiti na ibinibigay ko sa tuwing may bumabati sa akin ng Good Morning. Nagtataka nga sila sa akin bakit ang saya ko daw ngayon. Ang tanging rason lang naman kung bakit ako nagkakaganito kasi dahil sa pag-ibig. Iba talaga basta pag ibig na mismo ang tatama sa iyo, nagbabago talaga ang isang tao dahil lamang sa pag ibig. Sinagot ko na siya kahapon kaya ganito ang akto ko ngayon.


Matagal nang nanliligaw si Kleo sa akin. Moreno, mataas ang ilong, tsaka ang kyut niya pag ngumingiti siya tapos Engineer din kaya mas lalo akong nagkagusto sa kaniya at syempre mabait din. Nashocked ako sa nakita kong boquet na nasa upuan ko, hindi siya flowers kundi mga yakult with letter.


'PARA MAS LALONG SUMAYA ANG ARAW MO AKING PRINSESA'


Mas lalong namula ang mukha ko pagkatapos ko nabasa ang nakasulat. Ang swerte ko talaga sa kaniya.


"Ang sweet naman ni Kleo" sabi ni Teacher Diane.

"Kailan ba namin siya makikilala?" ani ni Teacher Fely.

Oo nga pala, hindi ko pa naipapakilala sa kanila si Kleo, busy kasi siya ngayon week pero try kong itext siya kung pwede siya mamaya.


Patungo na ako ngayon sa Class C, 2nd class kung tuturuan pero nakalimutan ko yung module ko kaya naisipan kong sa Library nalang muna ako manghiram. Nakita kong hindi naka off ang Laptop ni Sir Morayta kaya nilapitan ko iyan. Maliban sa wallpaper niya ay makikita mo rin ang tatlong folder na may kakaibang file name. Out of curiosity ay clinick ko ang unang folder kaya tumambad ang mga ilang pictures ng ibat ibang libro ngunit ang mas nakaakit ng aking atensyon ay ang isang folder na nasa pinaka ilalim, nakalock ang folder at kailangan pa ng password para mabrowse yung nasa loob ng folder.


Tinry ko ang birthday niya pero ang lumabas ay 'THE PASSWORD IS INCORRECT' , may mga sticky notes na nakadikit sa gilid kaya sinubukan ito pero wala parin. Inuulit ng isipan ko ang nakalagay sa tuwing mali ang nailalagay kong password at naisipan kong itype ang word na 'INCORRECT' at hindi ko inaasahang tama ang nailagay ko.


Binuksan ko randomly ang mga folders at may nakita ako na nagpakaba sa akin. Isa itong picture ni Aurora Crisanta, ang estyudante rito na nagpakamatay dahil binubully siya pero maraming nagsasabi na pinatay raw siya. Nakikita ko sa imahe ang katawan ni Aurora habang ginagahasa kaya nakaramdam ako ng lungkot sa sinapit niya. Nakita ko rin ang katawan ni Lexie at Aina kaya mas lalo ako nagtaka.


May kinalaman kaya si Sir Morayta sa pagkamatay nina Lexie, Aina at Aurora? Pero hindi, kagagawan lamang ito ng Curse!

Which Is The Real OneWhere stories live. Discover now