Chapter V

27 7 0
                                    

SKYE

"As you all know..."

Nagdidiscuss si Sir John about sa basic calculus. Hawak niya ang librong kaniyang binabasa.

"We describe the first great property of derivatives, and show how it allows us to calculate the derivative of any... rational function. We also emphasize the need for checking any such calculation, and describe how to do so by differentiating... numerically on a spreadsheet."

Patuloy lamang sa pagbabasa at pag eexplain si Sir John at kami ay tutok naman sa kaniya.

Ang iba naman ay naglalaro ng games sa kanilang cellphone at ang iba ay nilalabanaan ang kanilang antok.

Nilingon ko si Aurora sa huling upuan. Ang upuan na sirang sira na at ang dami pang mga nakasulat.

Nilingon ko si Anna na nakaupo sa pinakaunahan at nagulat ako dahil nakatitig din sya sa akin.

Parang gusto niya akong patayin.

Natapos na buong klase at nagtungo na kami sa aming locker upang kunin ang gamit.

"Skye?"

Lumingon ako para makita kung sino ang tumawag sa akin.

Si Peter, kasama niya si Lexie at Anna.

"Maaari ka ba naming makausap?" sabi ni Anna.

Sumunod kaagad ako sa kanila at pumunta kami sa waiting shed ng Exlind High. Marami akong nakikitang papauwi na sa kani- kanilang bahay.

"So... You were born in St. Albert Hospital?" panimula ni Anna.

"Yes, pero pagkatapos nun ay pumunta na kami kaagad sa Laguna." sabi ko

Napapansin kong parang seryoso sila.

"So, sa Laguna talaga kayo nakatira?" tanong ni Lexie.

Inaayos niya ang kaniyang salamin.

"Did you ever come back to visit?" ani ni Anna.

Bakit parang interesado siya?

"My mom died right after she had me..."

"So not often" dagdag ko

Tumango lamang si Anna.

"Bakit mo pala natanong?"

Nagkatitigan silang tatlo na para bang hindi alam kung ano ang isasagot.

"K-kasi... I h-have this feeling na parang nagkita na tayo nuon." sabi ni Anna.

"Baka nagkakamali ka lang" sabi ko tsaka ngumiti.

Akala ko ngingiti rin siya pero seryuso parin ang laniyang mukha.

Napansin rin ni Lexie ang pagkunot ng kaniyang noo.

"Huwag mo na yung isipin Anna." sabi ni Lexie.

"Hindi pwede..." sabi niya na nagpagulat sa akin.

"D-dahil kasama yun sa pagiging head ng countermeasures."

Lumingon siya kay Lexie.

"Ano nga pala ang ginagawa ng head ng countermeasures?" tanong ko

Napapansin kong binabantayan nina Peter at Lexie kung ano ang aking sasabihin.

"To protect the class ofcourse..." deretoso niyang sagot.

Which Is The Real OneWhere stories live. Discover now