SKYE
Tama ba ang nakita ko? O gawa lang iyong ng aking imahinasyon? Pero si Anna talaga yon! At sino ang kaniyang kausap? Kaklase ko lang din ba siya? Tungkol kaya sa curse ang pinag uusapan nila? Bakit may suot siyang maskara? May tinatago kaya siya?
Yan ang mga tanong na palaging sumasagi sa aking isipan matapos kong nakita si Anna nung kahapon. Mas lalong dumagdag ang mga katanungan na nasa isip ko at mas lalo itong pinapasakit ang ulo ko. May tinanong ako sa kaniya pero hindi niya nasagot. Nagmamadali kasi siya nung time na yon.
Naisipan kong tawagan si Aurora ngunit out of reach siya kaya dumiretso na lamang ako sa kanila. Hindi naman masyadong malayo ang bahay nila sa amin kaya nilakad ko nalang para dagdag exercise na rin.
Pagdating ko sa store may nakadikit na papel na may nakasulat na CLOSE, nakakapanibago lang, kahit kailan kasi hindi ko pa nakita na close sila kahit wala silang masyadong customer. Hinawakan ko ang door knob at di inaasahang naitulak ko ito dahilan ng pagbukas ng pinto. Bumungan sa akin ang matandang lalaki na nagbabasa ng dyaryo.
"Nasaan po si Aurora?"
Ibinaba niya ang dyaryo at tinitigan ako. Ibinalik niya kaagad ang kaniyang tuon sa pagbabasa.
"Wala siya dito"
"Alam niyo po ba kung nasaan siya?"
"Hindi."
"Sige, salamat po"
Sinarado ko na ang pinto. Kailangan ko siyang makausap ngayon. Isa lang alam kong lugar na pinupuntahan niya maliban sa kanilang bahay. Sa rooftop ng building A sa eskwelahan namin. Ilang kanto pa ay malapit na ako sa eskwelahan. Nakapasok kaagad ako dahil kahit weekends ay pwede paring makapasok ang mga estyudante. Dumiretso kaagad ako sa taas ng building at hindi ako nabigo. Nakita ko siya nakatayo at nakatingin sa kawalan. Nilapitan ko siya.
"Aurora! Sinabi na sa akin ni Anna ang lahat."
Lumingon kaagad sa akin si Aurora.
"Nasisiguro ka ba na lahat sinabi niya?"
Napalunok ako. Ano ba ang ibig sabihin niya? Yun lang diba ang secreto ng section namin? May curse kaya sunod sunod ang patayan sa section namin dahil pilit nila inuuklat ang nakaraan. At ang kailangan na lang namin ay maghanap ng paraan para mapigilan na ang lahat.
"A-anong ibig mong sabihin Aurora?"
Hindi siya umimik.
"Yun din ang sinabi mo sa akin diba?" dagdag ko.
"May itatanong sana ako sayo"
Ibinalik niya ang kaniyang tuon sa kalangitan.
"Bakit hindi ka nila pinapansin?"
Naging malungkot ang kaniyang mukha.
"Isa iyon sa mga rules"
Unti unti ng dumidilim ang kalangitan.
"Mas mabuti pang umuwi na tayo Skye"
Sumang-ayon na lamang ako sa kaniya at sabay kaming bumaba. Tinignan ko ang aking relo. Mag aalas sais na din. Naglalakad na kami ngayon ni Aurora.
"Tatay mo ba yung nagbabasa ng dyaryo sa store niyo?"
"Oo"
Dumilim na ang kalangitan.
"Nasaan yung Nanay mo?"
"Hindi ko pa siya nakikita, sabi sa akin ni Tatay na iniwan niya raw kami nung bata ako."
"Sorry"
Tinignan niya ako.
"Professor diba Tatay mo?"
"Oo, guro siya sa isang private school sa Visayas."
Patuloy lang kami sa paglalakad.
"Yung nanay mo?"
"Namatay na ang Nanay ko."
"Sorry to hear that"
Napag-isipan namin na wag munang umuwi at dumaan muna sa Plaza Pedratas. Isa itong park na kilalang kilala dito. Sa bandang unahan andun ang City Hall. Nasa gitna ang malaking dancing fountain at umiilaw ng kakaibang kulay. Pinapalibutan naman ito ng mga bench. Sa gilid ng City Hall ay isang playground. Pumunta kami dun at biglang umupo si Aurora sa isang swing, mukhang napagod yata siya sa paglalakad.
"Okay lang ba sayo na hindi ka nila pansinin?" tanong ko.
Lumapit ako sa isang swing na katabi lang sa kaniya at umupo na rin.
"Kung iyan ang makatitigil ng sumpa."
Pero hindi naman tumitigil, mas lalo pa ngang lumalala ang sitwasyon, pero bakit pinagpapatuloy parin ni Anna? Nasa kapahamakan ang buhay naming lahat pati narin ang mga magulang namin.
"Akala kasi nila manghihina ang sumpa pag ginawa nila yun" dagdag pa niya.
Hindi na kami nagtagal sa playground. Nagpatuloy na kami sa paglalakad at malapit na kami sa kanto nila Aurora.
"Ingat ka!" sabi ko
Kumaway siya at lumakad na. Tumingin siya sa akin.
"Keep safe too, we're both close to death"
Biglang lumakas ang hangin pagkatapos niyang sabihin ang mga katagang iyon. May napansin ako sa kaniyang mga mata. Hindi na siya gumagamit ng contact lens, nakita ko kasi siya may dalang lalagyan ng lens niya pero ngayon hindi siya gumagamit. Gumagamit ba talaga siya? O namamalikmata lamang ako?
Ako na lamang mag isa ang naglalakad ngayon patungo sa bahay namin. Napatingin ako sa likuran ko at may nakita akong isang figure ng tao. Hindi ko makita ang kabuuan ng kaniyan mukha dahil natatakpan ito ng maskara. Red Mask?! Yan din ang mask na nakita ko kahapon suot ni Anna at yung kausap niya! Nilakasan ko ang lakad ko at dahil napapansin ko ng parang sumusunod siya sa akin. Tumakbo ako ng mabilis para makaiwas sa kaniya. Habang tumatakbo tumitingin tingin rin ako sa likuran baka may nakasunod sa akin.
Huminto ako saglit dahil nakaramdam ako ng pagod at panginginig ng aking mga tuhod. Lumingon ako kung sakaling andun pa rin siya at salamat naman ay nawala na siya.
Takbo lang ako ng takbo hanggang sa nakaabot ng ako sa bahay. Pagpasok ko sa bahay pumunta kaagad sa kwarto at nagbihis. Bakit niya ako sinusundan? May kutob akong kaklase ko siya. Masyadong familiar ang mga kilos pero hindi ko alam kung sino siya. At ang mas nakakakaba ay kabilang si Anna sa kanila, pero bakit kailangan pang mag maskara sila? May itinatago ba si Anna sa amin? Si Anna lang ba talaga ang may itinatago? O lahat sila?
Naisipan kong lumabas ng kwarto at kumuha ng tubig sa ref. Isang kalabog ang narinig ko sa bubong kaya hindi ko sinasadyang nabitawan ang hawak kong baso. Nakita kong dali daling lumapit sa akin si Auntie Mara.
"Anong nangyari?" tanong niya
"May narinig po akong kalabog sa itaas kaya nabitawan ko ang baso."
Kinuha ko ang walis at dustpan at ibinigay kay Auntie. Nagtaka dahil parang may bitbit siyang isang bagay pero nasa likod niya iyon. Tumagilid ako para makita kung ano ang hawak niya. Biglang lumakas ng pintig ng puso at tumatagaktak ang aking mga pawis. Hindi ko alam kung ano ang ikikilos ko sa oras na ito.
"B-bakit po may hawak kang Maskara?
-----
YOU ARE READING
Which Is The Real One
Mystery / Thriller"Just follow the rules, and you will be safe" Skye Jaxon Centeneo transferred in Exlind High and became part of the Tenth Grade Class A. He thought he belonged to the best section but something has came. The curse of their section are starting to ha...