Chapter X

24 5 10
                                    

AINA

Break time pa naman kaya naisipan kong pumunta sa favorite place ng mga bestfriends ko, pero ngayon ako na lamang pumupunta dito dahil friendship over na kami.

Alam ko naman na dahil to sa pisteng pamamalakad ni Anna kaya nangyayari ang patay patayan sa section namin.

Simula pa nung bata pa ako ay namulat na ako sa katotohanan, kaya alam kong hindi totoo ang mga curse curse na yan o mga legend. Sa mga fairy tales mo lang makikita ang mga curse kaya imposibleng curse ang nangyayari sa section namin.


Hindi pa ako sigurado sa naisip ko pero alam kong hindi curse ang pakana sa mga nangyayari kundi isang tao. Maaaring teachers ko lamang pero may malaking posibilidad na classmate ko lang.


Grade 9 ako nung nagtransfer ako dito sa Exlind High. Kailangan kasi namin lumipat dito sa Laguna dahil nademolish ang tinitirhan namin dun. Hindi kami masyadong mahirap, may kaya lang pero hindi kaya ng mga magulang ko ang pambayad kung magpapaopera ako kaya nag iipon pa sila.


Nung grade 9 pa ako wala namang nangyaring kakaiba sa section namin. O baka meron pero hindi ko pa talaga alam ang lahat. Pilit nilang tinatago ang katotohanan ang kinalimutan ang nakaraan.

Si Freya lang ang naging close ko sa kanila. Malapit lang ang bahay namin kaya parati kaming sabay na umuuwi. Pinililit ko siya na sabihin sa akin ang totoo pero hindi niya talaga sinasabi sa akin.

Sinasabi lang niya na ayaw niya akong mapahamak. Determinado ako kung sino ang nasa likod lahat ng ito.

Bumalik ako sa classroom at ang sama ng tingin nila sa akin. Napangiti ako dahil may isang bottled juice na nakalagay sa lamesa ko at may nakasulat na FOR AINA.

Dali dali kong ininom ito dahil kanina pa nauuhaw. Pagkatapos ko itong naubos nakaramdam ako ng paninikip ng aking dibdib. Nagbalak akong pumunta sa Library at magpasama kay Freya pero hindi siya sumama. Pagod raw siya kaya ako nalang mag isa ang pumunta.

Pumasok ako Library at saktong wala si Sir Morayta. May nakita akong isang diary pero walang pangalan. Binuksan ko ito at nagtungo sa pinakalikod na pahina.

Nagulat ako sa nabasa ko dahil tungkol ito sa section namin.

"Aina!"

Nabigla ako sa boses kaya nabitawan ko ang diary.


"Mukhang alam mo na ang katotohanan tungkol sa section natin" nakangiti niyang sabi.

"Mga sinungaling!" sigaw ko sa kaniya.

Tumakbo ako palabas sa library ngunit hinablot niya ang aking buhok.

"Subukan mong isabi ang totoo baka gusto mong matulad kay Lexie." pagbabanta niya

Sinipa ko siya at dali daling bumalik sa classroom na para bang walang nangyari.

SKYE

"Alam mo diba na namatay si Adriana Shenna Garcia?" sabi ng babaeng pulis.

Tinignan ko ang kaniyang pangalan na nasa uniporme niya. Elena Vargaz.

"Siya ay isang nurse sa St. Albert Hospital" dagdag niya.

Ano ba ang kinalaman ko dito. Inaakusahan ba nila ako sa nangyari kay Nurse Shenna?

"Excuse me po. Suspect po ba ako sa pagkamatay ni Nurse Shenna." paninigurado ko.

Alam ko naman kung ano totoong nangyari, kung sasabihin ko sa kanila na may kinalaman ang section namin sa pagkamatay niya ay paniguradong hinding hindi sila maniniwala, baka pag isipan pa nila akong baliw.

Which Is The Real OneWhere stories live. Discover now