SKYE
Tama ba ang ginagawa ko?
Uklatin ang nakaraan?
It's Saturday...
Tumawag sa akin si Anna at sabi niya ay magkita raw kami sa Belladonna Cafe. Isang coffee shop sa tapat ng eskwelahan namin. Naweweirduhan nga ako sa pangalan pa lang ng cafe. I'm not sure but Belladonna is a kind of poison. Bago ako pumasok may napapansin kong mukhang may nakatitig sa akin. Paglingon ko sa gilid may isang taong naka maskara at nakatingin sa gawi ko. Weird.
Pagpasok ko sa Cafe wala pa si Anna. Umupo muna ako sa tabi ng Vendo Machine dito sa loob. Tumingin tingin ako sa paligid at nahagilap ko si Athena. Nagtatrabaho pala siya rito. Nakita niya rin ako kaya ngumiti siya at kumayaw. Pumunta siya sa table ko.
"May ka date ka ngayon Skye?"
I chuckled.
Mukhang hindi niya inaasahan na matawa ako sa sinabi niya.
"Bakit ka tumatawa dyan?"
"Wala nga akong girlfriend kadate pa kaya"
Sumeryuso ang mukha niya. Tumingin tingin siya sa palibot at mukhang sinisigurado kung may nakakarinig sa amin.
"Alam kong mag uusap kayo ni Anna ngayon pero uunahan na kita Skye!"
Bakit parang may banta ang tono ng kaniyang pananalita.
"Sasabihin ko na sayo ang totoo!"
"Baka mapapahamak ka!" pagpigil ko sa kaniya.
"Walang kinalaman ang curse tungkol sa section natin sa pagkamatay ng ating kaklase."
My jaw dropped. Sasabog na talaga ang ulo dahil may dumagdag na naman sa iisipin ko. Paano nangyari na walang kinalaman ang curse sa mga nangyayari. Napahawak ako sa ulo. Sobrang sakit ng ulo ko.
"Okay ka lang Skye?"
Ramdam kong kinakabahan siya at hindi alam ang gagawin. Napabitaw na ako sa pagkahawak ng aking ulo dahil unti unti nang nawawala ang sakit.
"Ano ang ibig mong sabihin?"
"Nagsisinungaling lang sila Skye!"
Bumalik ang sakit ng ulo ko at hindi ko mapigilang mapasigaw. Parang bibiyak na aking utak dahil sa sakit. Bigla akong natumba at napahiga sa sahig.
"Skye! Wake Up!"
Nagising ako at napansin kong wala na ako sa sahig. Tinignan ko ang palibot at nakita ko si Anna nasa harap ko. Panaginip lang yun? Pero bakit parang totoo?
"Sorry sa paghihintay, ayan tuloy nakatulog ka" sabi ni Anna.
Panaginip lang ba talaga ang nangyari kanina? Pero bakit sariwang sariwa pa sa akin ang sinabi ni Athena kanina? Tama! Si Athena! Dali dali akong tumayo at lumapit ako sa isang waiter.
"Kuya, nasaan po si Athena?"
"H-huh? Sinong Athena?" sabi niya.
Walang Athena? Dito siya nagtatrabaho. Bumalik na lamang ako sa area namin at parang naweweirduhan na si Anna sa kinikilos ko.
"Okay lang ba?"
"Okay lang" ngumiti ako.
"Ano nga pala ang kailangan mo?"
Naging seryuso ang mukha niya.
YOU ARE READING
Which Is The Real One
Mystery / Thriller"Just follow the rules, and you will be safe" Skye Jaxon Centeneo transferred in Exlind High and became part of the Tenth Grade Class A. He thought he belonged to the best section but something has came. The curse of their section are starting to ha...