Chapter III

30 9 19
                                    

SKYE

Nagising ako dahil sa lakas ng alarm clock ko. Bumangon na ako kaagad at nagtungo sa bathroom para maligo.

Pagkatapos bumihis ay bumaba na ako para kumain.

Dad's Calling...

"Hello Dad?"

"Kamusta na ang kalagayan mo diyan nak?"

"Okay na po ako. Teka lang po lalabas po kasi hindi kita masyadong madinig."

Lumabas ako ng bahay at pumunta sa likuran
.

"You don't have to worry. Pneumonoultramicroscopicsilicovolcanoconiosis is not the end of the world son HAHAHAHA."

"Alam ko po Pa."

"Ngayon na po ako papasok Pa."

"Ah ganun ba. Sige galingan mo. Goodluck"

Natapos ang paguusap namin ni Papa. Umupo muna ako saglit para makalanghap ng sariwang hangin.

Lumapit sa akin ang anak ni Auntie Mara. Si Jimboy, he's 5 years old.

"Good Morning Jimboy" bati ko sa kanya

Imbes na batiin din ako ay ngumiti lamang siya.

Pumunta ako sa Sala para kumain. Nakisalo na din si Auntie Mara at si Jimboy.

"The third thing you need to know to prepare yourself in Exlind High is always uphold the class rules." sabi ni Auntie

"Okay" sabi ko habang kumukuha ng ulam

"Things might be different here in Manila kaya you need to be careful all the time." paalala ni Auntie.

"I think i can handle that"

"Good. Now the fourth thing you need to do in Exlind High is-"

Hindi natapos ni Auntie ang gusto niyang sabihin kasi gusto raw magpasama ang kaniyang anak sa CR.

Pagkatapos kumain ay pumunta muna ako sa kwarto ni Lola upang magpaalam.

"La pasok na po ako"

"Sige Apo mag iingat ka."

Lumabas na ako ng bahay at nagtungo na sa Exlind High.

Kasama ko ang dalawang guro lumalakad sa hallway patungo sa classroom ko.

"I hope you will be able to get along with everyone." sabi ni Sir.

Hindi ko pa alam ang kaniyang pangalan. Nakasalamin siya at hanggang leeg lang ako sa kanya at dala dala ang kaniyang class record.

"If you have trouble here, please don't hesitate to call me" dagdag niya

"You can also talk to Ms. Roselle, she is the assistant homeroom teacher." sabi ni Sir at tinignan ang babaeng tinutukoy niya.

"Yes Sir. Thank you"

"We are looking forward to having with us" sabi ni Ms. Roselle tsaka lumingon sa akin.

Nakaabot na kami sa 10th Grade Class A. Unang pumasok sina Sir at Ms. Roselle tsaka sumunod ako sa kanila.

Pumunta na ako sa gitna at tinignan sila. Nagtataka ako sa expression ng kanilang mukha.

"Uhmm... I'm Skye Jaxon Centeneo... Nice meeting you"

Which Is The Real OneWhere stories live. Discover now