Chapter XI

12 3 0
                                    

SKYE

"Ipagdasal nalang natin na sana ay maging mapayapa na ang kaluluwa ni Aina." sabi ni Sir John.

Umiiyak parin ang ilan sa mga kaklase ko lalong lalo na si Freya.

"Sunod-sunod na ang nangyayari sa section natin kaya magdasal nalang tayo para matigil na ang lahat ng ito."

Lumingon ako sa upuan ni Aurora pero wala siya ron.

"Wag niyo lang kalimutan na sundin ang lahat ng rules."

Lumabas na si Sir John at pumasok si Miss Segundo. Bago lang siya dito sa Exlind High at sa Tenth Grade siya naka assign na magturo.

"Good Morning Class. Nakalimutan ko nga palang nasabi ko sa inyo to... Kailangan kayo gumawa ng thesis at by pair ito kaya bubunot ako ngayon kung sino ang makakapartner niyo." sabi niya sabay hawak ang isang lalagyan na may mga nakatuping papel.

Alam namin na malungkot si Maam sa nangyayari sa section namin pero wala naman siyang magagawa.

Bumunot na si Maam at binuksan ito.

"Freya at Lanny"

Lumiwanag saglit ang mukha ni Freya nang nalaman niya na si Lanny ang nakapartner niya. May naririnig pa nga akong ang swerte naman ni Freya.

"Anna and Joshua"

"Clyde and Shannel"

"Stacy at Zeus"

Natapos na ang lahat at ang aking makapartner si Aurora. May napansin nga akong galit sa mukha ni Anna nang nalaman niyang partner kami ni Aurora.

Break time na kaya nagsilabasan na ang iba at nagtungo si Canteen. Lumapit ako kay Xavier baka matulungan niya ako paano magdecode nitong morse code.

"Xavier!"

Dali dali niyang niligpit ang mga notebook niya at nagmamadaling umalis. Weird.

"Freya!"

Para akong hangin sa harapan niya nakatayo at siya naman ay nagpatuloy sa pagsusulat. Bakit hindi nila ako pinapansin?
May hula ako kaya bakit hindi nila ako pinapansin. Lumalayo sila sa akin dahil baka mapahamak sila kagaya kay Aina.

Lumabas ako ng room at hindi ko inaasahan mabangga ang isang babaeng taga Class B at nahulog ang dala niyang libro. Kinuha ko ito pero biglang niyang hinablot ang hawak kong libro at dali daling tumakbo.

"Ano bang nangyayari?"

Pumunta ako sa Canteen. Nakita ko si Peter na kumakain ng Burger.

"Peter alam-" hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil bigla nalang siyang umalis sa harapan ko.

"Patawad" sabi niya tsaka pumasok sa classroom.

Bumalik na lamang ako sa room dahil nakita ko si Miss Heart papasok na sa room namin.

Nagsimula na siyang nagturo about sa bio technology habang ako naman ay tulala. Ginugulo ng isip ko ang sinabi sa akin ni Aina. Mukhang nalaman niya na ang katotohanan tungkol sa class A. Alam kong delikado kung aalamin ko pa ang nakaraan at sekreto pero kailangan. Kailangan kong malaman para mahinto na ang patayan, pero paano?

Papalabas na ako ng gate at napansin kong walang gustong sumabay sa akin. Akala nila na may kinalaman ako sa pagkamatay ni Aina dahil magkasama kami nung time na namatay siya.

Dumaan muna ako sa burol ni Nurse Shenna. Alam ko ang kaniyang address dahil minsan ay naisama niya na ako. Pagpasok ko sa gate nakita ko kaagad ang mga kamag anak niya at kapatid kabilang na si Mary. Nakipagkamay muna ako sa Mama niya at tumingin sa kabaong.

Napakapayapa ng mukha ni Nurse Shenna. Hanggang ngayon sinisisi ko pa rin ang sarili ko sa nangyari pero ang tanging magagawa ko ay itigil ang curse sa section namin.

"Ipaghahanda kita ng makakain Skye" sabi ng Mama ni Mary.

"Salamat po"

Malapad ang harap ng kanilang bahay kaya dito nakaplastada ang mga upuan at lamesa. May naglalaro ng cards, may nagmamajong.

Nakita ko si Mary nililigpit ang mga plato. Tinignan ko siya at napatingin din siya sa akin ngunit dali dali siyang pumasok sa bahay nila.

Sinundan ko siya at napahinto siya sa tapat ng kanilang kwarto.

"Mary" mahinahon kong sabi.

Humarap siya sa akin.

"Ano ba ang kailangan mo at bakit pumunta ka pa dito?!" may galit na tono ng kaniyang pananalita.

"Pwede mo bang sabihin sa akin ang lahat?"

Tumawa siya ng kaunti. Tawa na parang nababaliw.

"Nahihibang ka na ba Skye? Hindi mo ba alam na pwede ako mapahamak kung sasabihin ko sa iyo ang totoo!" napaluha siya.

Pumasok na siya sa kanilang kwarto. Bumalik ako sa labas para kunin na ang bag ngunit nakita ko silang lahat maliban kay Aurora. Mukhang nauna silang pumunta kina Aina. Nginitian ko sila pero si Xavier at Josepth lang ngumiti pabalik sa akin.

Pagkatapos ang nangyari ay umuwi na lang ako. Napansin kong may nakasunod sa akin kaya dali dali akong naglakad.

"Skye"

Lumingon ako at nakita ko si Xavier.

"Kung plano kang malaman ang totoo wag mo nang ituloy" sabi niya habang papalapit sa akin.

"Ano bang ibig sabihin mo" tanong ko

"Kahit malaman mo pa ang sekreto wala kang magagawa, hindi mo kayang pigilan ang nangyayari dahil marami si-"

"Xavier!" Nakita ko si Josepth papalapit sa amin.

Hindi natapos ni Xavier dahil agad siyang tumakbo at bumalik sa bahay nila Mary.

Anong marami? Ano ba talaga ang totoo?

Kinuha ko ang papel na may codes at naisipan itype ang mga dots and crashes isa isa.

Patuloy lang ako sa paglalakad.

Nung una wala akong mahanap pero nag scroll lang ako at may nakita akong isang site na kayang idecipher ang mga codes.

Ang lumabas ay:

What tells you what you want to hear, but hurts you when the truth is clear?

Ano ang ibig iparating ng mensahe na ito? May kinalaman ba ito sa sekreto ng section namin? Makakatulong ba ito upang mahinto ang mga patayan?

Hindi ko mahanap sagot ng tanong kaya pumunta ako sa bahay nila Aurora. Diretso lang akong pumasok at nakita ko siya nakatitig sa mga laruan.

"Aurora!"

Lumingon siya sa akin.

"Alam mo ba ang sagot nito?"

Ipinakita ko sa kaniya ang logic at pati rin siya ay nagulat. Inilayo niya ang kaniyang katawan sa gawi ko at may sinabi.

"A liar"

Ano ang ibig sabihin ng sagot. Liar? Maaari kayang nagsisinungaling lahat ng aking kaklase? Iba kasi ang sinasabi nila. Palaging may mali sa kanilang mga kwento. At lahat ng kanilang sinasabi ay mapanlinlang.

-----

Which Is The Real OneWhere stories live. Discover now