Chapter IX

16 5 4
                                    

SKYE

"Class, alam kong nalulungkot kayo para kay Mary dahil sa pagkamatay ng kaniyang Ate." Sabi ni Sir Chester bago sinimulan ang klase.

Nagiguilty talaga ako sa nangyari kay Nurse Shenna. Kung hindi sana ako nagpatulong sa kaniya hindi sana sya mamamatay.

Nakita ko si Aurora bagong pasok lang at dumiretso kaagad sa upuan niya. May nalalaman na ako tungkol sa section namin.

Natapos ang klase ni Sir at nagsimula ng magchismisan ang mga kaklase ko. May nagtitiktok sa harap ng bintaan. May naglilinis. May nagbabasa ng libro at may mga pabidang rumarampa sa harapan.

Naisipan kong lumapit kay Aurora para sabihin sa kaniya ang nangyari. Sa lahat ng kaklase siya lang ang pinagkakatiwalaan ko.

"Alam ko na ang nangyari" sabi niya

Nabigla ako sa kaniyang sinabi.

"W-what? Pano?"

"Hindi na kailangan kung saan ko nalaman ang kailangan natin ay paano ito mapipigilan."

Lumingon ako sa likuran ko at nakita ko si Anna nakatitig lang sa amin.

Natapos ang kaunting break time namin at pumunta na kami sa Music Base para sa piano lessons namin.

As usual present lahat ng kaklase ko dahil crush na crush nila ang teacher namin sa MAPEH. Mukhang nag aaral nalang sila para masilayan ang kagandahan ni Miss Roselle.

By pair ang activity namin ngayon kaya kapartner ko si Shannel.

Kinuha na ni Maam ang libro niya para makapagsimula.

Hindi naman limited ang keyboard namin dito pero mas pinili ni Miss Roselle na by partner. Ewan ko anong trip niya.

"Okay Class, ang pag aaralan natin ngayon ay Nocturne op.9 no. 2 by Frederic Chopin."

Humarap muna kami kay Maam.

"Sino sa inyo ang nakakaalam ng History ng gawa ni Frederic Chopin."

Hindi ko pa nababasa at narinig man lang ang piece ni Chopin kaya hindi ako lumingon kay Maam.

Tumaas ng kamay si Lanny. Si Lanny ang aming Top 1. Maraming nagkakagusto kay Lanny, araw-araw may mga lalaking nakatungnga sa pintuan. May nagdadala ng mga bulaklak at mga chocolates dati pero ngayon wala na, matapos ang nangyari kay Lexie.

"Yes, Miss Ortegaz!"

Pinandilatan niya muna ng mata ang Top 2 sa Class A. Si Stacy Marie Sarmiento, para silang nagpapaligsahan para lang sa mga points.

"Chopin's Nocturne in E flat major, op. 9, no. 2, was composed between 1830-1832, when Chopin was around 20 years"

Napanganga kaming lahat maliban kay Stacy.

"Good Job Lanny!"

Biglang tumaas si Stacy.

"He dedicated his op. 9 nocturnes, a set of 3, to Maria Pleyel, the wife of an acquaintance of Chopin's."

"Good Job Stacy!"

Napangiti si Maam at napalakpak, ganun nadin kami.

Napansin siguro ni Lanny na walang siyang natanggap na palakpak kaya hindi pa siya nagpatalo.

"Chopin was Maria's piano teacher, and he dedicated many of his works to students." sabi ni Lanny.

Nagpalakpakan kami.

Which Is The Real OneWhere stories live. Discover now