Chapter IV

25 7 7
                                    

SKYE

Nakikita ko si Aurora nakaupo sa labas.

Nilapitan ko siya at gusto kong itanong sa kaniya kung ano ang ibig sabihin ng sinabi niya kahapon.

Isang metro ang agwat namin sa isat isa.

"Hey" tawag ko sa kanya

"Why?"

Tumayo siya at lumapit sa akin.

Pumalo sa amin ang napakalakas na hangin. Lumilipad na ang mga dahon at ito'y nakapalibot sa amin.

"It may already have began."

-----

Halos mag iisang buwan na din ako dito sa Exlind High. Mabait ang aking mga kaklase at madaling pakisamahan kaya malapit na kaagad kami sa isat-isa.

"Skye!" napukaw ang aking diwa ng tinawag ako ni Peter.

Andito kami ngayon sa may Art Base kung saan ginagawa ang activity namin na ipinta kung ano ang nararamdaman mo.

Lumapit si Miss Roselle kay Peter at tinignan ang kaniyang gawa.

"What's that Peter?" tanong ni Miss

"Um... It's an orange" tugon ni Peter

Kumuha siya ng pintura na kulay orange.

"An orange?"

Kung titignan ko rin ang gawa ni Peter ay hindi ko makita kung saan ang orange. Ang nakikita ko ay isang bilog na kulay orange na parang sumisigaw.

"It's the Orange Scream Miss."

Pinatuloy ko na ang aking gawa. Ang ipininta ko naman ay mansanas na may mga uod sa loob. Gusto ko talaga ang mansanas pero nilagyan ko ng uod para kakaiba naman sa paningin.

"Is that how you really want to draw it Peter?"

Nakita kong tumawa si Charity ang katabi ni Peter.

"This is how an orange look to me."

Lumakad na si Miss Roselle at tinignan naman ang gawa ng iba.

Nilingon ko si Peter.

"Fan ka pala ni Edward Munch?" tanong ko sa kanya na may halong excitement.

Lumingon din sa akin Peter.

"Kind of" sabi niya at ngumiti

"Peter definitely has a style that he can call his own." sabi naman ni Charity.

"The orange is screaming?" tanong ko kay Peter

Pinagpatuloy na namin ang aming gawa.

Natapos na ang aming Art Class at pumunta na kami si Classroom. Kasabay ko si Peter sa paglalakad.

"Bakit nga pala ganun ang ipininta mo kanina?" tanong ko

"Gusto ko kasi ang kahulugan ng painting ni Edward Munch... Parang inihahambing niya ang kaniyang masterpiece sa ating mundo." sabi niya sabay hawak sa salamin ng bintana.

Lumapit sa amin si Xavier at tinapik ang aking balikat.

"Pinaguusapan niyo ba ang kasexyhan ni Miss Roselle?" sabi niya sabay taas baba ng kaniyang kilay.

Which Is The Real OneWhere stories live. Discover now