SKYE
"B-bakit po may hawak kang Maskara?" tanong ko kay Auntie.
Patuloy laman siya sa paglilinis habang ako ay di na mapigilan ang kaba. Naghuhurumentado na ang puso ko at nanginginig narin ang tuhod ko. Parehong pareho ito sa maskara ni Anna kaya kinabahan ako. Nakita kong may dalawang tao na maskara rin at papalapit sila sa akin. Habang lumalapit sila sa akin ay dahan dahan nilang tinatanggal ang kanilang maskara at nung natanggal na nang tuluyan ay mas lalo akong kinabahan. Sina Aurora at Anna!
"Skye!"
"Skye!"
"Gumising ka na!"
Bigla akong nagising dahil sa lakas ng sampal ni Auntie kaya napahawak ako sa pisngi. Hinihingal parin ako kaya kumunot ang noo ang mukha ni Auntie Mara.
"Nightmares?"
"Yes po."
May kinuha siya sa kaniyang bulsa at isa itong rosaryo at ibinigay sa akin.
"Salamat"
Lately, napapansin ko na masyado ng weird ang aking mga panaginip. Mukhang totoo pero hindi naman.
"May assignment ba guys?" tanong ni Clyde na papasok pa lamang sa room.
Ewan ko lang kung paano napunta si Clyde dito sa Class A, hindi naman sa nagju-judge ako sa kaniya kasi ang pagkaka alam ko ilang ulit na raw itong naguidance. Nahuhuli raw nanunuod ng porn habang nagkaklase, minsan ginuguhit niya si Miss Roselle na nakahubad. Naikwento nga ni Josepth sa akin na last year muntik ma-guidance ang buong klase dahil nakita ng Principal na nagpalobo raw siya ng condom dito sa loob, pero hindi kayang makick out si Clyde dito sa Exlind High dahil matalik na kaibigan ang Papa ni Clyde at ang may-ari ng eskwelahan na ito, at narinig ko rin na malaki ang utang na loob nito sa pamilya nila Clyde.
"Good Morning Class"
Agad silang nagsibalikan ng pumasok si Miss Heart. Mukhang ang saya ngayon ni Miss Heart kasi abot tenga ang ngiti niya, ang sigla rin ng suot niya na bagay na bagay sa kaniyang kutis at sa kaniyang personalidad.
"Mukhang inspire kayo ngayon Maam Ah!" sabi ni Lionel.
Napangiti naman si Miss Heart sa sinabi niya.
"May nanliligaw ba sa inyo Maam?" tanong ni Shannel.
Tumango nga at ngumiti na naman. Pati kami ay nahawa narin sa mga ngiti niya. Hayst, alam ko na talaga ang mga galawan ng mga kaklase ko, nililibang nila ang mga guro para makabawas sa time.
"Who is he po?" tanong naman ni Lanny.
Iba talaga basta tinamaan na ng pagibig. Inilagay na ni Maam ang dalang libro at laptop at nagkuwento sa kaniyang manliligaw. Nakikita ko na ang iban ay naghahanap ng chance para maka cellphone yung nasa likod naman todo kain, di makahintay sa recess. Nagpatuloy lang si Maam habang kami ay nakangiti lamang sa kinukwento niya. Nagseselos nga yung babae dito dahil ang swerte raw ni Maam Heart dahil ang bait daw ng manliligaw niya. Kinuwento pa niya sa amin kung paano raw sila nagkita at nagkakilala.
Natapos ang oras ni Maam at successful naman ang plano ng mga kaklase ko, hindi nakapagklase si Maam. 5 minutes nalang ay susunod na ang aming PE Teacher. Sinabi ni
Sir Sid na magbihis muna kami ng shirt bago dumiretso sa field. Kasama ko si Josepth, Peter, at Xavier papunta sa Gym."Swerte naman nung nanliligaw kay Miss Heart no?" tanong ni Xavier. Isa pa itong mahihilig sa mga guro.
"Oo nga, isipin mo magandang mukha at sexy na katawan ang bubungad sa iyo pagkagising mo." sang-ayon naman ni Peter habang iniimagine si Miss Heart.
Di ko mapigilang matawa sa kanila.
"Tumigil nga kayo" sabi ni Josepth.
"Ikaw ba Skye? Nagagandahan ka ba kay Miss Heart?" tanong ni Peter.
Maganda naman si Miss Heart, maputi, mabait pero hindi ko tipo yung mga ganyan na babae. Yung gusto ko ay mga cute girls, yung mataba ang pisnge, kagaya ni Elena sa Class B, yung nakabanggaan ko dati. Nalaman ko ang pangalan niya dahil nakita ko sa ID niya.
"Hoy Skye!"
Naputol ang pagpapantasya ko kay Elena dahil binatukan ako ni Peter.
"H-hah? Ano sabi mo?"
" Ang sabi ko nagagandahan ka ba kako Miss Heart?"
Tumango ako tsaka ngumiti. Binigyan kami ni Sir Sid ng papel na may nakalagay na mga steps at kailangan naming gagayahin yung mga steps. By partner yata itong activity namin dahil babae at lalaki ang nakikita ko sa picture. 18 na lang kami sa klase kaya kailangan may mag partner na pareho ang kasarian.
"Guys, Ballroom Dance ang gagawin natin ngayon"
"Makikita niyo sa ibabang parte ng ibinigay kong papel ang isang pangalan ng classmate niyo at yun ang magiging kapartner niyo sa activity na ito." Sabi ni Sir Sid.
Tinignan ko kung sino ang makakapartner ko at si Anna yun. Marami namang babae pero bakit si Anna pa, hindi naman sa ayaw ko siya pero naiilangan kasi ako sa kaniya lalo na at nakita ko siyang nakamaskara last time. Hinahanap ko si Anna at nakita ko siyang nakaupo sa isang bleacher kaya nilapitan ko siya.
"Partner pala tayo" sabi ko sa kaniya sabay ngiti.
"Oo nga" mahinahon niyang sabi.
Tumayo na siya at pumunta na kami gitna para iperform isa isa ang mga steps. Ang una naming ginagawa ay Triple Step. Iniligay ko ang aking right hand sa kaniyang balikat habang ang kaniyang right hand naman ay nasa aking balikat at ang aming left hand ay magkahawak. Sinimulan na namin idemonstrate ang unang step pero naapakan ko ang kaniyang paa kaya bigla niya itong inilayo.
"Patawad Anna, sorry di ko sinasadya" sabi ko.
Unang step palang ay nahirapan kaagad kami pero kalaunan ay nagawa naman namin, sinubukan naming binilisan at di sinasadyang may natapakan siyang bato kaya bigla siyang natumba pero agad ko naman siyang natulungan dahil hinawakan ko kaagad ang likod niya at sobrang lapit na ng aming mga labi.
"Uyyyyyyy" sabi ng aming mga kaklase.
"Yieeeeeee"
"I smell something fishy"
"May bagong loveteam yiee"
"Annye sounds for anay" sabi ni Lanny tsaka nagtawanan sila.
Inaayos kaagad ni Anna ang kaniyang sarili at napapansin kong napangiti siya. Todo tukso naman sila at pati narin si Sir Sid ay hindi rin maiwasang mapangiti. Di pa tapos ang activity namin pero nakita ko si Aurora tumakbo papalabas ng Gym. Bumalik na kami sa locker room at nagbihis tsaka dumiretso sa room. Recess time na, lalabas na sana kami para bumili pero agad kaming nagsibalikan dahil pumasok si Miss Heart na may dalang bag. Pagewang gewang siyang naglalakad na parang lasing patungo sa harap, kaya nagtaka kaming lahat.
"Patawarin niyo sana ako" sabi ni Miss Heart.
Mas lalo akong naguluhan dahil sa sunod na sabi niya
"Hindi ko sinasadyang malaman ang sekreto niyo"
Napansin naming kakaiba ang akto ngayon ni Maam kaya natatakot narin kami. Malakas niyang inilagay ang kaniyang bag sa lamesa kaya napasigaw ang ilan. Nakarinig ako ng tunog ng bakal kaya may something na kakaiban sa loob ng bag. May kinuha siya sa bag niya gamit ang dalawang kamay at isa iyong dalawang baril. Nagsigawan ang mga kababaihan dahil sa nakita habang ang iba ay nanlaki ang mata dahil sa nakita.
Mas lalong lumakas ang sigaw at kaba namin ng itinutok niya ang mga baril sa amin. Ang kaninang masaya na Miss Heart ay naglaho.
'BANG!'
Ito na ba ang katapusan naming lahat? Ito na ba ang katapusan ng Class A?
-----
YOU ARE READING
Which Is The Real One
Mystery / Thriller"Just follow the rules, and you will be safe" Skye Jaxon Centeneo transferred in Exlind High and became part of the Tenth Grade Class A. He thought he belonged to the best section but something has came. The curse of their section are starting to ha...