CHAPTER 3

12 2 0
                                    

Mag aalas singko na ng makauwi ako sa bahay. Pag pasok ko ay sinalubong ako ni Nanay Loida.

"Blair! Gusto mo bang mag meryenda anak?" wika nito habang hinihila ako patungo sa kusina.

"Hindi na po, Nay! Kumain po kami nila Claudette sa school bago ako magpasundo kay Kuya Benjie." Dumiretso ako sa kusina at kumuha ng ice cream. Inabutan agad ako ni Nanay Loida ng baso na paglalagyan ko nitong kinuha ko. Napansin kong tahimik ang bahay kanina pag uwi ko.

"Nga pala, hindi pa po ba nakakauwi sila Mama?" wika ko habang sinisimulang kainin ang ice cream na kinuha ko. Ah heaven!

"Mukhang inabutan na naman ng traffic sila Selena" wika nito habang abalang nag hihiwa ng mga sangkap na gagamitin niya sa pag luto.

"Katukin niyo na lang po ako sa taas kapag kakain na at magbibihis muna po ako"

"Dadalhin mo ba yang ice cream na 'yan sa taas? Mag dala ka rin ng tubig" Matapos kong kumuha ng tubig ay iniwan ko na doon si Nanay Loida at umakyat sa kwarto ko.

Simple lang ang disenyo ng kwarto ko at halos puro puti ang makikita. Kumuha ako ng damit at dumiretso sa banyo para mag palit. Nang matapos ako mag bihis ay dumiretso ako sa kama at ipinagpatuloy ang pagkain ng paborito kong ice cream. Grabe, nakakapagod ang araw na ito kahit wala naman kaming masyadong ginawa sa paaralan. Unang linggo pa lang kasi ng klase at nasisigurado kong sa ikalawa't ikatlong linggo ay dadagsa na ang napakaraming gawain.

"Blair! Hija! Bumangon kana dyan at hindi ka pa naghahapunan. Hinihintay kana nila Selena sa baba. Bumangon kana dyan at sabayan mo silang kumain sa hapag." Nagising ako sa katok na iyon na nanggagaling sa labas. Kinapa ko ang cellphone ko sa bed side table at tiningnan ang oras. Mag aalas otso na pala. Bumangon ako at inayos ang kama bago buksan ang pinto.

"Kanina pa po ba kayo dyan?" tanong ko kay Nanay Loida.

"Hindi naman, Hija" sabay kaming bumaba ni Nanay Loida. Dumiretso ako sa dining area at doon ko nakita sila Mama. Humalik ako sa pisngi ni Mama at ganon din kay Papa.

"How's your day, honey?" tanong sakin ni Mama sa gitna ng katahimikan. Nginitian ko ito.

"Okay naman, Ma."

"Okay ka lang ba?" tanong pa ulit nito. Napansin kong tinigil ni Papa ang pag kain at bumaling sa amin. Nginitian ko sila pareho. Isang sinserong ngiti.

"Of course, Ma. I'm fine.. kaya ko naman po" Hinaplos lang nito ang buhok ko at ipinagpatuloy na ang pag kain. Si Papa naman ay hindi maalis sakin ang tingin.

"Ano na naman ba yon, Pa? Kung makatingin ka para akong may ginawang kasalanan sayo ha!" natatawang sambit ko. Tinawanan ako nito at nginitian ng nakakaloko.

"Bibilhan na ba kita ng band aid, nak? Yung malaking band aid at hindi nasisira" natawa si Mama sa sinabi nito. Sinimangutan ko ito.

"Ang epal mo, Papa. Excuse me? Si Celestine ata ito anak ni Sevenno at Selena" pagmamalaki ko. Tinawanan ako nito at binato ng tissue.

"Alam mo anak! Isa ka sa mga taong kilala ko na magaling mag sinungaling" natatawa nitong sambit. Inismiran ko ito at tumingin kay Mama.

"Ma oh! Si Papa di maka get over." tinawanan ako nito.

"Totoo naman kasi ang sinabi ng Papa mo, Blair!" nginitian ako na tila nang aasar. Napasimangot ako sa kanilang dalawa.

"Hmp! Pinagtutulungan niyo pa ako. Totoo naman talaga sinasabi ko eh. Asan ba yung kakampi ko?" inilibot ko ang tingin ko sa paligid.

LOVE NEVER SURRENDERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon