CHAPTER 11

12 2 5
                                    

Warning: Mahaba habang kadramahan sa buhay 'to ni Blair. Enjoy reading :P xoxo

DUMATING kana ba sa punto ng buhay mo na gustong gusto mo ng sumuko? Pero hindi pwede dahil marami ka pang bagay na dapat gawin at pag tagumpayan. Marami pang responsibilidad na naka atang sa iyo. Pero may mga araw talaga na parang drained na drained ka.. pagod na pagod ka kahit wala ka namang ginagawa. Yung humihinga ka pa pero pakiramdam mo wala ka ng buhay?

Ganon kasi ang nararamdaman ko ngayon. Napa buntong hininga na lang ako at muling tumingin sa harapan. Tahimik ang klase at ang lahat ay nakatuon ang atensyon sa prof namin na nag tuturo sa harapan, si Ms. Joedee. Halos lahat sila naka pokus pero di pa rin talaga maiiwasan yung mga estudyante na pa simpleng natutulog sa oras ng klase.

"Ms. Madrigal" Pag tawag ni Ms. Joedee. Nagsusulat ito ng tanong sa board. Napalingon ito sa pwesto ni Claudette nang wala siyang narinig na tugon nito. Muntik na akong bumunghalit sa tawa ng makitang naka sandal ito sa mesa niya at bahagyang nakanganga ang bibig habang natutulog. Huli ka fokfok.

"Aba't ang lakas naman talaga ng loob matulog sa loob ng klase ko" taas kilay na wika ni Ms. Joedee. Bakas sa mukha nito ang iritasyon. Nag tawanan ang buong klase sa sinabi nito. Isinandal ko ang mga siko ko sa mesa at nangalumbaba.. waiting for something exciting. Chuckles.

Nag lakad palapit si Ms. Joedee rito at kinalabit ito. Lagot ka ngayon. "Hmm ano ba, Suzy! Natutulog yung tao ang gulo gulo mo" mahinang sambit nito saka ibinaling ang ulo sa kabilang side. Pfft. Napahagikgik ang katabi niyang si Suzy at tinampal siya ng mahina saka inginuso si Ms. Joedee na nakatayo sa likuran niya at nag uusok na ang ilong sa galit.

"Ano ba yon? Pa nguso nguso ka pa dyan! Hindi naman bagay sayo" iritableng sabi nito. Muli siyang kinalabit ni Ms. Joedee. Inis niya itong lumingon at bahagyang natigilan. Hindi na namin napigilan at nag tawanan kaming lahat dahil halos mawalan ng kulay ang mukha niya ng mapagtanto kung sino ang kumakalabit sa kanya. Natatarantang napatayo ito at napakamot sa batok.

"A-ah M-ms. Joedee hehe bakit po?" muli kaming nag tawanan sa tanong nito. Ang priceless ng reaksyon niya ah I should take a picture of it. Inilabas ko ang phone ko at palihim itong kinuhaan ng litrato. Mamaya ka samin.

"Talagang ako pa ang tinanong mo nyan, Ms. Madrigal?" masungit na tanong ni Prof. Mabait naman ito kaso wag mo lang gagalitin. Nagiging dragona eh.

"Sleeping inside of my class is prohibited and I know you know that rule, Ms. Madrigal" halos singhalan na siya ni Miss.

"Sorry, Prof! I promise to never do that again" mahinang wika ni Clau habang pinaglalaruan ang mga daliri niya.

" Aba'y dapat lang dahil kapag inulit mo ang pag tulog sa klase ko ay talagang uulitin mo ang subject ko next school year. Nagkakaintindihan ba tayo?" pagalit na wika nito.

"Copy, Miss!" patango tango pa si Claudette habang sinasabi ito. Parang yung aso na naka display sa harap ng kotse. Inismidan ito ni Ms. Joedee at dinismissed ang klase nang tumunog ang bell. Pinag tawanan na naman ng buong klase si Clau nang makaalis ang prof namin. Iwinagayway ko pa rito ang litrato niya na kuha ko kanina. Inirapan lang ako nito at nakangusong muling naupo.

NAGLALAKAD ako ngayon patungo sa garden ng school. Kanina pa natapos ang klase ngunit nagpaiwan ako dito dahil wala pa si Kuya Benjie. Nasiraan daw yung sasakyan. Nang makarating ako sa garden ay pinili ko ang pwesto na malayo sa mga tao. I want some peace of mind at tanging ang garden lang na ito ang makakapagbigay sa akin non. Tulala akong nakatingin sa kawalan habang nag iisip.

Iniisip ko kung paano ako humantong sa sitwasyon na 'to. Paanong ang dating masiyahin na si Celestine Blair ay tila nawalan ng buhay at nawalan ng gana sa lahat ng bagay. Napa buntong hininga ako at tumingala. May mga araw talaga sa buhay natin na sobrang saya natin at may mga araw naman na sobrang lungkot. Minsan nakakatakot na rin sumaya dahil kadalasan may kapalit itong lungkot.

"Ang bigat.. bakit ganito na naman yung nararamdaman ko?" mahinang tanong ko sa sarili. Hindi ko alam pero pakiramdam ko sobrang drained ako ngayon. Wala akong lakas at gana para sa ibang bagay. Parang humihinga pa 'ko pero wala nakong buhay. Ang bigat ng pakiramdam ko. Sobrang lungkot pero kahit anong pilit ko wala talagang lumalabas na luha sa mga mata ko.

Matutuwa ba ako o hindi? Hindi na ako umiiyak katulad nang dati pero pakiramdam ko lahat ng sakit ay nakimkim ko at unti unti itong naiipon. Grabe 'no? Iba talaga ang epekto kapag nasaktan ka ng sobra. Unti unti ka nitong babaguhin o sisirain ng hindi mo napapansin. Malaking pagbabago ang mangyayari sayo pero at least your growing, healing and you learned something from your past or from that situation. Nag bago ka dahil sa nasaktan ka. Pero iyong pagbabago na iyon.. its for your own good. Natuto kana at hindi kana uulit pa.

Isang mapait na ngiti ang gumuhit sa aking mga labi. Hanggang ngayon.. hindi ko pa rin talaga inaasahan na hahantong sa ganito ang lahat. Parang ang bilis lang. Sobrang saya pa namin. Napatingin ako sa home screen wallpaper ng phone ko. Tinitigan ko ito ng matagal at huminga ng malalim.

"Ang bilis mong nawala sa akin" pabulong kong sambit habang nakatitig sa litrato niyang mahimbing na natutulog habang mahigpit na nakakapit ang mga kamay sa kamay ko.

Acceptance, acceptance ang tumulong sa akin na mag patuloy at mag move forward. Unti unti ko nang natatanggap na wala na talaga, tapos na ang lahat at hindi na maibabalik pa kasi wala naman akong mapapala kung ipipilit ko ang lahat at kung pipilitin kong manatili yung taong yon sa tabi ko, wala rin. Ano pang mapapala ko kung nasa akin nga siya pero hindi naman ako ang laman ng isip at puso nito? Anong mapapala ko kung hindi na ako?

Isa sa mga natutunan ko ay huwag mong pilitin ang mga taong manatili sa tabi mo dahil kung gusto nilang manatili, mananatili yan kahit hindi mo pilitin. Magkukusa yan. Kapag mahal ka, mahal ka. If its meant to stay, it will stay. Gaya nga ng sabi nila, true love stays no matter what. True love never surrender, it will always finds a way to stay and understand the pain. Wag mong piliting manatili sa tabi mo yung mga taong hindi naman talaga gustong manatili in the first place. Kapag kayo, kayo. Kapag umalis hayaan mo. Kusang babalik sayo yan kung kayo talaga at tadhana na mismo ang gagawa ng paraan para mangyari yon and trust in God's time.

Kapag tuluyang nawala? It only means that they are not meant to stay in your life. Hindi na ikaw ang may kasalanan at hindi ikaw ang nawalan dahil ang mawala ka sa kanila? Isang malaking kawalan na yon. Ikaw ang panalo at hindi sila. Dumaan lang sila sa buhay mo para mag bigay ng leksyon at panandaliang nanatili. At ikaw, wala kang magagawa kundi ang tanggapin ito at mag patuloy. Ang kailangan mo ay yung mga taong handang manatili sa tabi mo sa kahit na anong klase ng sitwasyon. Yung hindi ka iiwan kahit anong mangayri. Talikuran ka man ng mundo, iwan ka man ng mga taong mahal mo at importante sayo, andyan pa rin sila handang manatili sa tabi mo.

Natigil ako sa pagmumuni muni nang tumunog ang phone ko.

From: Kuya Benjie

Blair, andito na ako sa harap ng gate ng school. Nasaan kana?

Matapos kong mabasa iyon ay tumayo agad ako at mabilisang kinuha ang mga gamit ko saka nag lakad palabas ng garden. Dalawang oras na pala akong nakatunganga roon. Hindi ko man lang napansin yung oras.

"Sorry, Blair! Natagalan ako sa pag sundo dahil hindi agad naayos ang sasakyan" pag hingi ng paumanhin sa akin ni Kuya Benjie.

"Okay lang, Kuya Benj!" Pumasok na ako sasakyan at nag simula na itong mag maneho. Isinandal ko ang aking ulo sa salamin at napa buntong hininga saka ipinikit ang mga mata. Teka pang ilang beses na buntong hininga ko na yon? Tsk! Iidlip nga muna ako.

LOVE NEVER SURRENDERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon