CHAPTER 13

9 2 2
                                    

Abala ako sa pagmamasid sa aking paligid habang naghihintay sa pag dating niya. Halos lahat ng nakikita ko ay may malalawak na ngiti sa kanilang mga labi at habang ang iba naman ay naiyak pa sa sobrang tuwa. Sino ba naman kasi ang hindi maiiyak sa tuwa kung ang taong hindi mo nakasama ng matagal ay kaharap at nayayakap mo na ngayon? Kanya kanya silang hila ng kanilang mga bagahe-

Napatigil ako sa pagmumuni muni ng biglang may yumakap na maliliit na mga kamay sa binti ko. Sumikdo ng mabilis ang puso ko at unti unting napangiti ng makita kung sino ito.

"Lucas" nakatitig sa akin ang mapupungay nitong mga mata. Itinaas niya ang maliliit niyang mga kamay para magpakarga. Binuhat ko ito at hinanap ang kasama niya. There he is, ang pinakapangit kong kuya sa balat ng lupa.

"Kuya! Bakit mo hinayaang mag lakad mag isa yung bata? Paano kapag nadapa 'to ha?"

"Ligtas naman siyang nakarating sayo. Ano pang nirereklamo mo dyan?" masungit nitong sabi.

"Grabe mas lalo kang pumangit" pang aasar ko rito. Sumimangot ito at inirapan ako. Aba't!

"I'm not in the mood to argue with you, little witch! C'mon give me a hug" ibinuka nito ang kanyang mga kamay at hinila kami ni Lucas papunta sa kanya.

"Nakakamiss din pala pagiging bungangera ng bansot kong kapatid"

"Wow ang kapal ng mukha dun ka nga" inirapan ko ito at nauna na kaming dalawa ni Lucas na sumakay sa sasakyan. Sinalubong siya ni Kuya Benjie at tinulungan sa mga bagahe niya.

"Mamamama" nagising ako sa ginagawang pag hila ni Lucas sa buhok ko. Tinitigan ko ito at napahinto siya saka humagikgik. Inayos ko ang pagkakaupo nito sa kandungan ko at saka siya kinausap.

"Say it again baby" hinawakan ko ang mamula mula nitong mga pisngi.

"Mamamama" niyakap ko ito at pinugpog ng halik ang kanyang mga pisngi. Wala itong ginawa kundi ang tumawa lang at paglaruan ang mukha ko.

"Hoy! Wag mo nga papakin yang anak ko bwisit ka" Hindi ko pinansin ang kapatid ko at pinagpatuloy lang ang ginagawa.

"Ikaw nag luwal?" iritableng tanong ko.

"Hindi pero anak ko pa rin yan. Come here baby" kinukuha niya sa akin si Lucas ngunit hindi siya pinansin ng bata at yumakap lang sa akin. Binelatan ko ito at saka pina tulog ang bata. Napagod na siguro sa kakalaro.

"Lucas" sinalubong ni Mama ng mahigpit na yakap si Lucas at dire diretsong pumasok sa loob ng bahay ni hindi man lang kami pinansin ni Kuya. Mag aalas dyis na ng makauwi kami galing sa airport. Pumasok kami sa loob at sinalubong ni papa si Kuya ng isang batok, oo isang batok. Pamilya ko yan! Gusto kong matawa sa naisip ko.

"Oh Blair! Andyan na pala kayo halika na rito at ayain mo si Axel na kumain na" salubong sa akin ni Nanay Loida.

"Hoy Kuya kong panget tara na kain na tayo baka mamatay ka sa gutom dyan" ganito talaga kami mag usap. Bilang lang ata yung normal na pag uusap naming dalawa.

"Teka lang bansot!" napasimangot ako sa sinabi nito.

"Seven hayaan mo munang kumain yang anak mo at mamaya mo na kausapin" sabi ni Mama kay Papa.

"Sige basta gawa tayo ng bagong anak" pabirong sabi ni papa.

"Tigilan mo nga akong matanda ka. May mga bata manahimik ka dyan" pikon na sabi ni Mama at tinakpan pa talaga ang tenga ni Lucas. Ang bata naman ay inosente lang na nakatingin sa aming lahat. Nakitawa ito ng magtawanan kaming lahat sa sinabing iyon ni Mama. Sana palagi na lang ganito.

LOVE NEVER SURRENDERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon