CHAPTER 12

10 2 0
                                        

A/N: Hey guys! you can listen to the song above para mas dama lol
Good day, everyone!

"BLAAAAAAAIR!! GOOD MORNING!!" nailayo ko sa tenga ko ang phone nang sumigaw ng matinis si Clau sa kabilang linya.

"What the fuck? Claudette, ang aga aga pwede ba? Let me sleep, bitch!" iritableng sabi ko. Humalakhak lang ito.

"C'mon, Blair!! Wake up na date tayo"

"Seriously? Alas kwatro ng umaga? Are you even thinking, Sophia Claudette?" C'mon wala pa 'kong tulog.

I heard her sigh in diappointment. "Tsk! Ang kj mo naman eh! Pumayag kana. The girls already said yes at ikaw na lang ang kulang"

"Wait! Ginambala mo rin sila? Anong trip mo?" kunot noong tanong ko kahit na hindi niya ako nakikita.

"Duh! Ang boring mo kayang kasama kaya sinama ko rin sila."

"Aba't-" pinutol nito ang sasabihin ko.

"Siya nga pala sa Big Handy's Grounds sa Tanay, dun tayo."

"Boring pala ha? Hindi ako sasama bahala kayo dyan. Bye!" binabaan ko ito at muling bumalik sa pagkakatulog.

"Ang peaceful naman dito. Ang sarap pa ng hangin, ang sariwa." nakatingalang wika ni Suzy habang nakabukas ang dalawa niyang mga kamay. Nilalasap ang sariwang simoy ng hangin sa paligid. Tama nga siya.

The scenery is breathtaking. Bukod sa amin ay may iba ring mga tao rito. Maraming tent ang nakatayo sa paligid. Halos lahat inaabangan ang magandang view mamayang gabi. Big Handy's Grounds is the best place for stargazing. It is located in Tanay, Rizal.

Hindi na dapat ako sasama pero likas na makulit itong mga kaibigan ko at talagang sinundo pa ako sa bahay at ipinaalam sa magulang ko. Sila na rin ang nag ayos ng mga gamit ko.

"Excited na ako mamayang gabi" Yano. Parang nagniningning pa ang mga nito.

"Girls! I invited the boys nga pala para naman mas mag enjoy tayo rito." napahinto ako sa sinabing 'yon ni Anika at tinaas siya ng kilay.

"O akala ko tayo tayo lang?"

"Argh c'mon, Blair! Don't be like that" Suzy.

"Tsk! Tayong lahat ba talaga ang mag sasaya o kayo lang?" pang aalaska ni Yano sa kanila.

"Malamang sila" natatawang sabi ko. Nag kanya kanyang iwas ng tingin ang tatlo sa amin. Psh! Mga malalandi!

I was scrolling on my phone when Claudette suddenly barged in. "Blair! Come here! You need to see this one." Hinila ako nito palabas ng tent.

"Para kang tanga, Clau!" binatukan ko ito. Akala ko pa naman kung anong nangyari rito sa kanila sa labas, sila James lang pala. Awtomatikong hinanap ng mga mata ko ang taong yon. Mukhang hindi siya sumama.

"Looking for someone?" hindi ko napansin ang pag lipat ni James dito sa tabi ko.

"Why would I look for someone na alam kong wala naman dito?"

"Paano mo nalamang wala?" binigyan ako nito ng mapanuksong tingin.

"Shut up, James! You're not helping.. doon ka nga" tinawanan lang ako nito at tumulong na sa pag aayos ng gamit nila.

LOVE NEVER SURRENDERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon