CHAPTER 5

13 3 4
                                    

"How are you?" tanong nito sakin.

Dinala ako ni Deene sa isang malapit na Cafe sa campus. Tinitigan ko lang ito. May mga bagay talagang kahit kailan hindi natin kayang abutin no? Nasa harap mo nga ngunit ang hirap abutin na para bang nasa langit siya at nasa lupa ako. Langit at lupa? Tsk tsk.

"I'm fine" kahit pag ngiti ata hindi ko magawang ipakita sa kanya dahil sa nag uumapaw na kabang nararamdaman ko ngayon. Kaba na baka may makakita sa amin at kaba para sa kung anong maaaring sumibol na naman sa akin.

"You seemed happy" kalmadong sambit nito. How did he manage to stay calm?

"Aren't you aware of your actions, Deene?"

"I am totally aware of my actions, Blair. Kung ano man ang ginagawa natin ngayon ay isa lang itong pag uusap, a friendly talk at wala nang iba pang kahulugan" ang insensitive. Ibinaba ko ang paningin ko sa aking inumin na inorder niya.

"Nga naman. Kamusta na nga pala kayo?" ibinalik ko dito ang paningin ko. Itinago ko ang nanginginig kong mga kamay sa ilalim ng mesa.

"We're fine and I'm happy" sinserong ngumiti ito.

How funny, I always wish for his happiness at ngayong masaya na ito, ni hindi ko man lang maramdaman na masaya ako para sa kanya. Siguro dahil ito sa katotohanang masaya na siya ngayon at alam kong hindi na ako ang dahilan nito.

Tinitigan ko ang mga mata nito. Wala na ang dating kislap ng mga mata nito. Mga kislap na palagi kong nasisilayan sa kanyang mata tuwing nakatitig siya sa akin. Come on, Blair! Wake up girl! Don't let your emotions overpowered you. Kinalma ko ang sarili ko at ngitian ito.

Kung 'di na ako
Kung 'di na ako ang
Magpapatibok ng puso mo
Paalam na, paalam na

"Masaya akong masaya kana." Hindi ito sumagot. Tinitigan lang nito ang aking mukha at aaminin kong nakakailang ang ginagawa niya. Naputol ang titigan namin ng biglang nag ring ang cellphone niya na nasa ibabaw lang ng mesa. Sinagot niya ito at sumenyas sa akin. Tinanguan ko ito.

Kung 'di na ako
Kung 'di na ako ang dahilan
Ayoko na tayong mahirapan pa
Paalam na

Unti unti kong pinakawalan ang mga luhang kanina pang pilit na kumakawala sa mga mata ko. Pinigilan kong mapa hikbi dahil nakakahiyang may makarinig sa akin. Ang sakit, ang sakit pa rin pala hanggang ngayon. Akala ko kaya ko na siyang harapin ng hindi lumuluha. Well, naharap ko nga siya ng kalmado pero s apag talikod niya muli na naman akongi pinagtaksilan ng mga luha ko.

Wala ng init ang iyong yakap
Mauudlot na ang mga pangarap
Mga halik na kay tamis
Hindi man lang dumadaplis

Unti unti kong naramdaman na parang tinutusok ng karayom ang puso ko. Unti unti na naman itong nadudurog at nagagalit ako sa sarili ko dahil siya na naman ang dahilan ng pag iyak ko. Hinayaan ko na naman siyang durugin ako ng ganito sa ikalawang pagkakataon. Ikalawang pagkakataon? Rephrase that dahil ilang beses na niya akong dinurog at alam kong hanggat hindi ko pa tinitigil ang kahibangan ko ay pa ulit ulit pa niya akong dudurugin. Dahan dahan kong pinahid ang mga luhang walang tigil sa pag agos.

Sana 'di na magtagal
Kayanin ng dasal
Nasaan na ba ang pagmamahal?

(A/N: crdts to Kung 'di na ako by Agsunta)

Maya maya pa ay nakita kong pabalik na si Deene sa table namin kaya inayos ko ang sarili ko at pasimpleng nanalamin sa cellphone.

"Blair! I'm sorry!" kinuha nito ang mga gamit niya.

"You're going na?" I asked.

"Kailangan ko pa siyang sunduin" ani nito at hindi man lang ako tinatapunan ng tingin. Iniwas ko ang tingin ko dito at tumango.

"Sige ingat!" nag simula na itong mag lakad palabas ng cafe at nang makasakay na ito sa sasakyan niya ay sinundan ko ng tingin hanggang sa mawala ito sa paningin ko.

Napatulala ako. Nasan na nga ba ang pagmamahal? Ayon nasa iba na. Napangiti ako ng mapait. Pagmamahal? Fuck that love, nakakaloko at nakakabaliw masyado. Bago pa ako mag isip ng kung ano ano ay mas pinili ko na lang umuwi at mag pahinga. Pakiramdam ko ay masyado akong napagod kahit wala naman akong ginawa na mabibigat na gawain.

Lumipas ang mga araw at ngayon ay araw na ng biyernes. Maaga ang uwian namin dahil may faculty meeting daw ang mga profs. Napagpasyahan muna naming tumambay sa park na malapit sa village kung saan kami nakatira ni Clau. Natutuwa akong makita yung mga kaibigan kong naghaharutan at naghahabulan psh mga isip bata talaga. Nababawasan nito ang bigat na nararamdaman ko mula sa huli naming pag uusap ni Deene.

"Ang tahimik mo ha? May nangyari ba?" kitang kita sa mukha ni Clau ang pag aalala. Siya lang ang bukod tanging nakakakilala ng buo sa akin dahil kasabay ko na itong lumaki. We're childhood bestfriends and she's also my cousin. Yes, you heard it right. Mag pinsan kami nitong si Clau. Magkapatid si Mama at ang Mommy ni Clau.

"Wala naman. Pagod lang siguro ako dahil sunod sunod na naman yung mga binigay sa atin na gawain" tinitigan lang ako nito. Halatang hindi naniniwala sa akin.

"Ano yung bumabagabag sayo? Come on, Blair! I know you too well so don't lie to me at baka isalaksak ko sa bunganga mo yang mga damong nakikita mo sa paligid" ang harsh talaga nitong babaeng 'to. >.<

"Nagkausap kami nung nakaraan" pinatong ko ang mukha ko sa mga tuhod ko at unti unting inalala ang mga nangyari nung nakaraan sa cafe.

"Who among the two sons of the demon huh?" minsan talaga ang sarap pitikin ng bibig nito.

"Deene" wika ko.

Napatulala ito sa akin at halos mahulog na ang panga nito sa damo. Dinuro duro ako nito. "Y-you little bitch! Why didn't you tell me na nakipagusap ka pala sa anak ng mga demonyo at mangkukulam?" my eyes suddenly went wide nang tawagin niya sa kung ano anong pangalan ang mga magulang ni Deene. Hinampas ko ito.

"Clau!!" pinanlakihan ko ito ng mata. Inirapan lang ako nito

"Oh bakit? Hindi ba't sila ang dahilan kung bakit nasa ganyang sitwasyon ka ngayon? Kinunsinti nila ang anak nilang saktan ka at pag lihiman ka kahit na sobra sobra ang pagiging mabait mo sa kanila. Kahit na isang salitang masama wala kang binitawan sa kanila tapos in the end they still betrayed you." halatang masama ang loob nito.

"At hindi lang yan ha. Pati mga kapatid niya kinunsinti siya at pinagtakpan pa talaga. Ha! Anong klaseng pamilya yan? Ayan ba yung pamilyang tiningala at ipinagmalaki mo sa amin dati ha? Celestine Blair !?" dagdag niya pa. Napayuko na lang ako dahil totoo naman ang mga sinasabi nito.

"Hindi ko naman kasi inaakalang ganon kaayaw sa akin ng mga magulang niya at umabot din sa puntong pati mga kapatid niya kayang gawin yon sa akin." mahinang sambit ko.

Bumibigat na naman ang pakiramdam ko. Ang bigat sa puso, ibang klaseng sakit ang ibinigay sa akin. Unti unti ko na namang nararamdaman ang pag turok ng punyal sa puso ko. Ilang beses ko na bang hiniling sa itaas na sana isang araw magising na lang ako at ituring lamang ito na isang panaginip. Nanlabo bigla ang paningin ko.

"Akala ko rin. I can't even imagined na magagawa nila yun sayo gayong wala ka namang ibang ginawa kundi ang intindihan sila at ang sitwasyon niyo ni Deene." malungkot itong tumingin sa akin.

"Life fucks me hard" natatawang sambit ko

"Then moan" napahawak na lang ako sa noo ko. Kahit kailan talaga ang babaeng 'to pero mas maayos na siguro yung ganitong usapan para maiwasan ko ang pag iisip sa mga bagay bagay na hindi ko maibaon sa limot.

"Hoy anong pinag uusapan niyo dyan? Ang duga naman hindi niyo kami sinasali" naka ngusong wika ni Yano. Natawa ako. Katabi nito sa Suzy at Anika. I welcomed them with open arms.

"GROUP HUG!!" lumapit agad ang mga ito at nag yakap yakap kami. Napangiti ako at tumingala. Nag pasalamat ako sa nasa itaas dahil alam kong hindi niya ako bibigyan ng ganitong problema kung walang magandang darating.

LOVE NEVER SURRENDERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon