"Yo Blair men! Wazzup?" inapiran ko si James bago ako maupo. Nang makarating kami sa cafeteria ay halos kumpleto na ang tropa nila at dalawa na lang ang kulang.
"Hi Blair!" kinawayan ako ni Kyle
"Ah you're so beautiful, Blair!" pambobola ni Mike. Kinindatan ko ito at tinawanan. Mula sa kinauupuan ko ay dinig ko ang pagbabangayan ni Clau at James, walang bago don.
"Oh bakit may panget dito?" pang aasar ni James
"Excuse me! Itong mukhang 'to? Panget? Ha ano pa yang mukhang yan?!" Clau.
"Etong mukhang 'to? Eto lang naman yung mukhang makikita mo palagi bago ka matulog at pag gising sa umaga sa future" kinindatan ito ni James. Nag kantyawan ang lahat ng nasa mesa at mula dito kitang kita ko ang pamumula ni Clau. Umiwas ito ng tingin at bahagyang yumuko.
"Hala siya oh! Kinikilig, ipokritang 'to" Yano.
"Kinilig ka naman dyan tsk tsk mapaghahalataan kang patay na patay sakin nyan" humagalpak ang boys ng marinig ito at sinipa naman ni Clau ang paa ni James sa ilalim ng mesa.
Ang dalawang ito, napailing iling na lang ako at ngumiti habang pinagmamasdan sila. Bagay sila no? I laughed at that thought. Couple huh? Their laughter suddenly died nang dumating ang dalawang hinihintay namin. Oh eto na pala sila eh.
"Saan kayo galing?" si Kyle ang unang bumasag sa katahimikang bumabalot sa amin. Napansin kong natahimik din ang ibang mga tao sa loob ng cafeteria.
"Tsk! Akala ko aabutin pa kayo ng anong oras sa sobrang tagal niyo eh" dagdag ko. Nagpalipat lipat ang tingin sa amin ng mga taong nakarinig ng sinabi ko.
"Hinatid ko si Adrienne" wika ng ni Deene. Ramdam kong nasa amin ang atensyon ng lahat ng taong naririto ngayon sa loob ng cafeteria. Biglang tumahimik, tanging ang tunong lang ng aircon ang maririnig mo sa paligid. So much for attention huh? Ibinaling ko ang tingin ko sa isa pang kasama nito. Si Jace.
"Hinatid ko si Monica" mataman itong nakatitig sa akin.
"Ehem! Ehem! Ehem!" Umakto si James na inuubo kahit halatang peke ito.
"Kayong dalawa dyan baka naman gusto niyong umupo? Masyado kayong agaw atensyon sa lahat ng naririto" iminuwestra ni Suzy ang dalawang upuan na para sa kanila. Bale katapat ko ang mga ito.
Jace - Deene - Kyle - Mike - James
TABLE
Anike - Ako - Suzette- Yano - Clau
Ako ang naunang tumayo sa table namin para umorder dahil balak ata nilang lahat na tunawin ang isa't isa sa pamamagitan ng titig. Maya maya pa ay isa isa na rin silang nagsitayuan. I can feel all the stares and daggers coming from those people who were inside the cafeteria. Ganyan talaga kasikat yang mga lalaking yan sa mga tao dito, mapa loob at labas man ng campus ay kilala sila. Gusto ko lang naman ng lowkey life inside the campus ngunit hindi umaayon si tadhana.
"Kuya, isang order po ng carbonara and mineral water" nang maibigay sa akin ang order ko ay nauna na akong bumalik sa pwesto namin. Habang hinihintay ko sila ay nag scroll muna ako sa website ng school para makita kung ano ang recent happenings sa loob ng campus. Sabi ko na nga ba tsk tsk.
"REUNITED"
Ayan ang bumungad sakin sa website ng aming campus. Sinasabi ko na nga ba. Hindi na dapat ako magtataka dahil sobrang sikat ng mga yon. Nakalagay sa ilalim ng headline na iyon ang picture naming lahat nang dumating ang dalawa at kitang kita doon ang reaksyon ng bawat isa sa amin. Napa buntong hininga na lang ako. Mga chismosa nga naman.
"Tapos pre nung birthday ni Jace? Natatandaan niyo ba yon? Sa sobrang pagkalasing ni Yano inutusan niya ba naman yung cellphone niyang lumipad hahahahahaha" nag tawanan kaming lahat sa sinabing yon ni Kyle. Sinamaan siya ng tingin ni Yano.
"Di ba may airplane ka? Bakit hindi ka mag transform ngayon? Ano mag salita ka." Mike quoted. Humaba ang nguso ni Yano.
"Blair! Blair! Get your passport na. Dadating na yung pilot ng airplane ko at ihahatid niya daw tayo sa paris." panggagaya ko sa boses nito.
Mas lalong humaba ang nguso ng isa. Nagtawanan silang lahat dahil nakita namin nung gabing yon kung gaano siya kakulit kapag lasing. Lahat ginugulo niya at mayroon pa nga siyang muntik halikan na lalaki doon sa mga bisita ni Jace dahil ang gwapo daw nito. Ang tinik nitong baklang 'to.
"You know what Blair? happiness looks good on you. You should smile more often." napangalumbaba nitong sabi. Napatigil ang lahat sa sinabi niyang yon. Napa lunok ako. Well played, playboy.
"Hmm really? Thank you then" kinalma ko ang aking sarili at nginitian ito saka kinindatan. Halos malaglag na sa sahig ang panga nilang lahat ng makita ang ginawa kong yon kay Jace. Oh! The jerk played well huh.
"Ako lang ba o okay na kayong dalawa?" dahan dahang tanong ni Anika. Nagkibit balikat lang ako. Matapos kumain ay bumalik na kami sa kanya kanyang klase. Saktong alas kwatro ng matapos ang huling klase namin para sa araw na ito.
"HOY CELESTINE BLAIR FLORES" hindi talaga ako papalagpasin netong si Clau. Walang lusot. Hinila ako nito sa locker room. Maya maya pa nakasunod na sina Suzy.
"Ano yung sa cafeteria? May hindi ba kami nalalaman?" inismiran ko sila.
"The jerk wants to play so I have no choice but to go with the flow" balewalang sabi ko.
"At anong pagkatapos? Masasaktan ka ulit dahil dyan sa go with the flow, go with the flow mo" nakapamewang na wika ni Anika.
"Ma, sorry ma!" pang aasar ko. Sinapok ako nito.
"Aray ko naman" napanguso ako. Sakit huhu
"Matinong sagot, Blair! MATINONG SAGOT!!" sigaw nito. Napahawak ako sa dibdib ko.
"Oh bat galit" halos mag dikit na ang dalawang kilay nito kaya nag peace sign ako.
"Naisip ko lang kasi na hindi dapat ako mag tanim ng sama ng loob. Kung may nagawa sakin yung tao hanggat kaya kong patawarin,papatawarin ko kase sino ba naman ako di ba? Masarap mag patawad, nakakaginhawa sa pakiramdam pero hindi ibig sabihin na napatawad ko na yung tao eh burado na lahat ng ginawa nila sa akin. Andito pa rin yung saki.. nararamdaman ko pa rin. Yung pakiramdam na pinaglaruan nila ako? Andito pa rin. Tumatak kasi lahat eh hindi ko alam kung paano ko 'to buburahin kahit na piliin ko pang ibaon ito sa limot. Napatawad ko na ulit sila pero yung tiwala ko? Hindi na ganoon kabuo katulad ng dati dahil nagkaroon na 'to ng lamat simula nang gaguhin nila 'ko." Napangiti ako ng mapait. Life sucks ei.
"Aw my baby learned a lot!" pabirong sabi ni Anika at niyakap ako.
"Group hug!!" wika ni Clau.
"Nga pala hindi ako sasabay ngayon sa inyo kase aayusin ko pa itong locker ko." wika ko.
Nauna na silang umuwi habang ako naman ay abala sa pag aalis ng mga kalat sa loob ng locker ko. Parang hindi babae ang may ari dahil sa sobrang daming kalat na nakalagay sa loob nito tsk tsk! Patapos na ako ng may pumasok na tao sa locker room. Isinara ko ang pinto ng locker ko ng maamoy ko ang pabango nito. Ang manly tapos ang bango bango. Hinarap ko ito.
"Anong kailangan mo?" sumandal ako sa locker ko at tiningnan ito. Hindi ito nag salita agad. Ibang klase talaga ang kagwapuhang taglay ng isang 'to. Hindi nakakasawa tignan. Nakatingin lang ito sa akin na tila bang kinakabisado niya ang bawat parte ng aking mukha, nakakailang. Umiwas ako ng tingin.
"Uhm can we talk?" napakamot ito sa batok. Naibalik ko ang tingin ko sa kanya. A-anong sabi niya?
