Kakagaling lang namin nila Mama sa simbahan dahil araw ng linggo ngayon. Pag dating namin ay umakyat agad ako dahil nag loving loving na naman yung dalawa sa harap ko.
''Tsk! Walang pasintabi." napasimangot ako.
Andito ako ngayon sa kwarto ko at nag papahinga dahil maya maya ay lilinisin ko ang buong kwarto dahil ang kalat na naman nito.
"Pwe! Ang alikabok naman nakakainis." Ang kwarto ko ay malawak at mayroon itong isang bathroom,study table sa gilid,wooden shelves at iba pang kung anik anik. Hindi ko ito pinalagyan ng walk in closet dahil isa akong paranoid at takot sa multo kaya ayaw ko ng palagyan ng kung ano ano pang dimensyon ang kwarto ko. Bata lang?
"Woooh! Ang init grabeng parusa 'to sa sarili, Blair!" sambit ko habang pinupunasan ang pawis ko.
Naliligo na ako sa pawis dahil pinatay ko ang aircon. Lumusot pa ako sa
ilalim ng kama at inurong ang mga tokador dito para malinisan ang bawat
sulok ng kwarto. Nag pahinga lang ako saglit at ngayon naman inaayos ko
ang mga damit ko dahil magulo na naman ito.
"Hindi yata ako babae."
Matatapos na ako nang may matanaw akong photo album. Niligpit ko
muna ang lahat bago ito buksan at suriin.
"Ano ba 'to?" nagtatakhang tanong ko sa sarili. Sinuri ko ito ng mabuti at natigilan.
Memories. I flip the first page and waves of memories suddenly clouded my mind. In the first page, you'll see a boy and a girl who looks like a perfect couple. They look so inlove with each other. It was me and him. I smiled sadly. Nakaramdam ako ng panghihinayang at lungkot. Bakit parang ang bilis ng pangyayari? Hay..
Kinuha ko ang isa pang katabi nito. Binuksan ko ito at isang ngiti ang sumilay sa mga labi ko. Ang ganda ng batang nasa litrato at mahahalata mo talagang napakabibo nito. Napabuntong hininga na lang ako.
"Blair? Bumaba kana raw sa baba at sabayan mo sa hapag sila Selena at Sevenno" kakatapos ko lang maligo nang kumatok si Nanay Loida.
"Magbibihis lang po ako at sasabayan ko rin sila doon" wika ko. Maya maya lang ay narinig ko na ang mga yabag nito palayo.
"Celestine, sa susunod na buwan na raw ang uwi ng kuya mo" wika ni Papa habang kumakain kami. Ha? Akala ko ba mag tatagal pa sila doon.
"Ang aga naman ata?" takhang tanong ko.
"Eh tumawag ba naman kanina tapos ngumangawa yung bulinggit namimiss kana raw." wika ni mama.
"Aw miss ko na rin si lil cutie, Ma" nakangiting sambit ko. Nag iisip na kaagad ako ng mga pwede naming gawin pag umuwi na sila rito.
"Yung pinag usapan natin,Blair. Lahat ng iyon tandaan mo pati na rin ang lahat ng paalala ko sayo." striktong wika ni Papa. Tinanguan ko ito.
"Sana wag nang maulit ang nangyari noon, Blair" seryosong sabi ni Mama pero makikita mo sa mga mata niya na may bahid ng lungkot, pag aalala at galit. Tinatawag lang nila ako sa pangalawang pangalan ko kapag ganitong seryoso ang usapan namin.
"Hindi ko po makakalimutan ang lahat ng iyon. Tatandaan ko bawat pangaral na sinabi niyo sakin at hinding hindi ko na hahayaan pang mangyari ulit yung nangyari sa akin noon" the sermon ended. Umakyat na ako sa taas para mag pahinga dahil may pasok pa ako bukas.
